Chapter 75

2K 40 3
                                        


Eria

Ugh! Ang boring dito sa academy. Nang dahil sa nangyari, wala kaming magawa lahat. Well, aksidente naman ang lahat. Hindi naman na namin kailangan isisi kay Veia ang lahat.

Maybe its because of the dark powers na nanggagaling sa Dark King nila o Dark Lord. Nalaman ng mga nakakakita sa nangyari na nilagyan ng dark magic ng Dark Lord nila ang mga tao na madadaanan namin sa quest.

At halatang planado ang mga ginawa niya, dahil alam na alam niyang kasama ako sa quest na iyon. At isinama niya sa plano si Veia. Kaya nangyari ang mga ganon.

Too bad. Hindi nag-successful ang plano niya. Hindi dahil sa malakas ang Royals. Dahil sa pagsasama naming lahat as a team and as a family.

I trust my friends. Alam ko makakaya nila Lia ang pakikipaglaban don. Kung tutuusin, mas useful din ang power ni Lia. Dahil kaya niya kontrolin ang lahat, lupa, puno. Earth nga kumbaga.

And because of their strengths. Hindi na ako magaalala, alam na alam kong madali lang sa kanila iyon. Pambawi na rin, dahil puro sa aming lahat at sa aming dalawa ni Ero napupunta ang mga quests.

Napa-buntong hininga ako habang nakaupo sa upuan at nakahiga ang ulo sa lamesa. Masyadong boring. Maraming nakatingin na mga estudyante sa akin, paano ba naman parang nilamon na ako ng lupa sa sobrang boring.

Busy si Ero. Wala naman si Nick. Si Veia, as usual buntot ni Iven kelan pa ba natigil yun?. Si Wendy, nasa library kasama si Cayl.

Si Jake, malandi parin kaya lagi ring sunod sunod kay Ilene, wala e nagmamahalan sila e.

It's been 2 days start nung nangyari ang aksidente talaga. Simula non, naging busy na ang lahat. Eh ako, wala naman ako magawa. Kundi ang tumambay sa kainan at umupo at maghintay na mag break time.

Sa sobrang dami ng nangyari, kahit paano naisisingit ang pagtuturo lalo na sa mga bata. Pero dun na lang sila sa safe area tinuturuan. Yung mga estudyante naman na nasa age na rin namin, pinalabas namin and tinatrained yung iba.

So that, may alam na rin when it comes sa mga labanan. At para makatulong din sila. Yung ibang lalaki na naninirahan sa labas ng academy, piniling magsilbi bilang sundalo ng aming kaharian. And I let them.

Hay, sana nan dito man lang sila. Kahit sino, basta maingay at may kausap ako.

Pumikit ako sa sobrang pagkabored. Baka sakaling makatulong. Maya-maya habang nakapikit ako, parang may naaamoy akong malansang isda. Pagkadilat ko.

" Walang ya ka, Hera! Ilayo mo yang isda mo sa mukha ko. Ang lansa ng amoy. " sabi ko habang tinatakpan ang ilong ko.

Nagsisisi na po ako, sana kahit si Wendy o si Veia na lang po. Wag na lang si Hera. Sasabog utak ko sa bughaw na pusang ito. Baka makurot ko po kasi baka  isipin ko po siya si Doraemon.

----
Omyghad. Naaalala ko lang po si Jeydon Lopez. Hihihi. Second crush ko yun sa wattpad e. Omoooo!
-----

" Syempre, isda nga e. May isda bang hindi malansa? " binabara ba ako nito o pinipilosopo. Nakakainis ito ah.

" Mukha ba akong tanungan ah? Magtanong ka sa mga book lovers sa loob ng library. " mataray kong sabi sa kanya.

Nagulat naman ako na lumitaw siya sa harap ko. " Miss mo na siya noh? "

Ano ba sinasabi ng pusang ito? Syempre, namimiss ko si Ero. Myghad! Halos araw araw na nga kami magkasama e. Halos hindi na kami mapaghiwalay. Sadyang ngayon lang. At sadyang naiwan din itong pusa na ito sa akin.

" Kapag hindi ka nanahimik. Papakain ko sayo itong sapatos ko talaga. "

Umiwas siya, kasabay non ang pagbago ng mukha niya na parang nandidiri. " Yuck! Ayoko nga! Baka hindi na ako magustuhan ng mga isda at ni Cayl noh. Ang baho kaya ng paa mo! " napaka straight-forward talaga ng pusang ito. Kaya ang sarap sipain e, sisipain ko na talaga ito.

" Arte mo. Parang ikaw naligo na ah? Eh ilang taon ka na nga hindi napapaliguan ni Ero eh. Bleh! " pambawi ko sa kanya.

Nagsamaan lang kami ng tingin dalawa. Hanggang sa sumuko na ako. I'm just wasting my time.

Dapat may ginagawa ako, para mapabilis ang pagsagip ko sa magulang ko. Hindi naman ako pwede tumawag o pumunta kina Dana. Dahil sabi nila Jake, baka daw idamay nila sila Mommy. And I won't let that happen.

Puro dakdak lang ng dakdak si Hera tungkol sa isda niyang masarap, fresh at bagong huli sa dagat. And blah blah blah. Hindi naman ako nakikinig. Nakakaboring lang.

Sana maging isda na rin siya. Omo. I'm so bad.

Time check: 4:50 p.m

Binaba ko ang sleeve ng long sleeve ko damit at tumayo na. Bahala si Hera diyan.

Wendy

Tahimik akong nagbabasa ng mga libro na kinuha ko kasama si Cayl. May nararamdaman ako kagahapon na hindi ko maiexplain.

Habang patagal ng patagal. Alam kong hindi nagiging safe ang buong kaharian lalo na rin ang academy. There's a possibility na bumigay din ang harang na ginawa ng mga dyos at dyosa.

Dahil hindi titigil ang mga Darks, kapag hindi pa nila napapatay si Ate Eria. Pwedeng ngayon, mamaya, bukas, sa susunod na araw umatake ang mga kalaban. Lalo na mas nararamdaman kong lumalakas ang kapangyarihan ng Dark Lord.

" Wendy, tignan mo ito. " pagtawag ni Cayl sa atensyon ko.

Pagkatingin ko sa libro, napalaki ang mata ko. " Cayl. Put a bookmark. Hihiramin natin ito. "

Kailangan mangyari ang nakasaad sa libro. Malaking tulong ito sa lahat.

Pwede ring hindi mangyari ang nakasaad sa propesiya. Kahit na nakita namin ang Celestial Princess. Pwede pa rin mabago ang susunod na mangyayari.

At kailangan matutukan namin ang mga mangyayari. Lalo na sa prinsesa.

Ngayon na alam kong hindi ligtas na ang paligid para sa kanya. Siya lang ang makakatulong para bumalik sa dati ang buhay sa Academy at sa Kaharian. Siya na lang ang natitirang pagasa ng buong kaharian. Lalo na at siya ang nagiisang anak ng mga namayapang hari't reyna.

Third POV

Habang busy ang lahat sa kanilang ginagawa. Parang zombie naman naglalakad si Eria sa hallway kasama si Hera patungo sa kwarto niya. Sobrang inaantok siya sobrang tagal na walang makausap. As in yung may sense kausap.

" Alam mo ba? Nabalitaan ko maramin isda din dun sa isang ilog. Huhu! Sana makapunta ako don! " masayang sabi naman ni Hera kay Eria. Pero hindi ito nakikinig sa sinabi ni Hera.

Pagkapasok nito sa kwarto. Agad siyang natulog sa malambot niyang kama, habang si Hera ay binabantayan siya.

' Nagkukuwento pa ako e, tinulugan na ako. Kung hindi ka lang lab ng master ko. Naging isda ka na rin sa utak ko siguro? Hmm. ' sabi ni Hera sa kanyang sarili.

Mahimbing ang tulog nito.

Habang sa kinaroroonan nila Ero, tila parang hindi maganda ang tunog ng mga pangyayari.

" Ayusin mo ang pag-kontrol sa sarili mo, Ero! Maghunos-dili ka! " sigaw sa kaniya ng nag tetrain sa kanya.

" I'm trying! " sigaw ni Ero. Habang nakapikit, at iniisip niya si Eria.

Gagawin ko ang best ko, para sayo Eria,.... Mahal na mahal kita...

****************************************
Unang-una po sa lahat. Pasensya na po, sa sobrang tagal ng update ko. Balak ko po talaga mag-update. Ang kaso, maraming ginagawa at busy po. At maraming nangyayari. Salamat po.

Celestial PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon