OMYGHAD nasa Chapter 90 na ako!!! Omyghad. Hindi ko ata keri ito, babagalan ko na lang para hindi matapos ang storya. HAHAHA. Masyado akong fan ng Eria at Ero love story e, bakit ba? HAHAHAHA
Hindi ako iiyak! Walang iiyak!
Okay, start na natin ito :) Enjoy Reading!
-----
Eria's Point of View
'' Kumain ka na, Eria. '' sabi sa akin ni Iven. Nakatingin lang ako sa malayo, gusto ko makita si Ero. Ayaw ko kumain.
'' Ayaw ko, Iven. ''
Napaisip na lang ako bigla, nakakakain ba ng maayos si Ero kung saan man siya ngayon? Nakakatulog ba siya? Baka mamaya mag-kasakit siya. Nag-ooverthinking na naman ako.
Napatingin naman ako kay Iven na nakayuko ngayon habang dala ang pagkain ko. Naalala ko na kaibigan pala ni Iven si Ero slash enemy. '' Iven... ''
Napatingin naman siya sa akin, kita ko ang lungkot sa mga mata nito at pag-aalala sa amin--- sa akin. '' Iven, tulungan mo ko makita si Ero. Nakikiusap ako, Iven. ''
Umiling siya, '' Pasensya ka na, Eria. Hindi ko magagawa iyan. ''
Tumakbo ako sa harap niya at lumuhod, '' Pakiusap, Iven. Please nakikiusap ako, ginagawa ko din ito para sa atin din. Iven, malapit na... malapit na silang dumating. Please. please... ''
'' Walang dadating, Eria. Wala.... Tumayo ka na diyan, wala ako magagawa. '' napatingin naman ako kamay ko, saktong nakalabas ito ng pinto. Gumawa ako ng spell para makatulog si Iven, I'm sorry Iven. Kailangan ko lang ito gawin.
'' Meron.... I'm sorry... ''
Nung nakatulog si Iven, lumabas agad ako para makapag-teleport kung asan si Ero. Please...
Hintayin mo ko, Ero. Pumikit ako at inisip si Ero. Papunta na ako..
Pagkadilat ko, nasa isang madilim na kwarto ako. Buwan lang ang ilaw ng kwarto na ito, pero hindi pa sapat ang ilaw na iyon para lumiwanag ang buong kwarto.
'' Ero? ''
Kumapa-kapa ako sa pader baka sakaling may switch sila dito ng ilaw. Malay lang naman, wala naman siguro masama kung aasa ako. Gusto ko makita kung ayos lang ba si Ero.
'' Eria? Ikaw ba iyan? '' Nang may naramdaman akong parang switch binuksan ko agad iyon. At nakita ko na hindi lang basta ito kwarto. Para itong selda ng isang kriminal, mas sobra pa sa isang kriminal.
Napatingin ako sa taong nakaposas ang kamay sa gilid. Nakita ko ang taong pinaka-minamahal ko. Tumakbo ako bigla sa kanya, '' Ero! '' Yinakap ko siya ng sobrang higpit.
Umiiyak ako, hindi dahil sa sobrang pag-kamiss. Sa sobrang akala mo ilang taon kaming hindi nag-kita. Iba talaga...
'' Shh.. Don't cry, mahal ko... '' sa mga salitang iyon, kahit hindi niya ako maicomfort with his hug, words pa lang at boses pa lang niya masaya na ako.
'' I'm sorry, Eria. I'm sorry. ''
Umiling ako, '' No, It's okay, Ero. '' Tinignan naman niya ang balikat ko hanggang braso ko na nakabenda parin. '' Masakit parin ba? ''
Ngumiti ako, bilang senyales na okay lang ako. '' It's fine, Ero. Magaling na ito. '' Kahit hindi pa talaga magaling.
Napatayo ako, '' Anong klaseng lugar ito? Si Jake ba ang gumawa nito? Lugar na ito para sa mga halimaw! ''
'' Halimaw nga ang tingin sa akin, Eria. ''
Lumuhod ako sa harap niya, '' Hindi ka basta isang halimaw, Ero. Ikaw si Ero, prinsepe ng mga apoy, magiging asawa ng prinsesa ng Celestial Space Palace, at ang mahal ko. '' ngumiti ito sa akin.
'' Paano ka nakatakas nang hindi nakikita nila Jake? '' seryoso niyang tanong sa akin.
Umupo ako at napabuntong hininga. '' Nung nasa kwarto ko si Iven para bigyan ako ng makakakain, nag-cast na agad ako ng spell sa kanya para makatulog siya, at dun ako tumakas. Epic nga lang, gusto ko na kasi ikaw makita, Ero. Pero si Jake... ''
'' Yeah, hindi tayo hinahayaan magkita. '' singit nito sa akin. Yinakap ko na lang siya agad. Oh god! How I miss him so much!
'' Malapit na, Eria.... ''
tumango ako habang yakap siya. '' Malapit na nga.. Natatakot ako, Ero... Natatakot ako bigla, paano kapag hindi natin siya napatay? Paano kung hindi ko nailigtas ang magulang ko? Paano kung wala makakaligtas sa ating lahat? ''
Umiling siya, naramdaman ko na hinalikan niya ako sa pisngi, '' Shh. Magiging okay din ang lahat.... Makakaligtas tayong lahat.... Hindi ko hahayaan na ikaw mamatay, o isa man sa atin... ''
Tumango ako, habang may luha na nagbabadya na sa mata ko, ngumiti ako, '' Ako din, Ero. Hindi ko rin hahayaan na mangyari iyon.. ''
Tinignan ko siya sa mata, hanggang sa mapunta ang mata ko sa labi niya at bumalik ulit sa mata..... How I love this man...
Hanggang sa naramdaman ko na lang ang sarili ko na lumapit at hinalikan siya...
I love you Ero... Mahal na mahal kita... Handa ko gawin ang lahat, kahit buhay ko pa ulit ang maging kapalit nito....
BINABASA MO ANG
Celestial Princess
Fantasy'' She will come and she will rule her own kingdom. And when the right time comes she will sacrifice her own life and will rise again this time more powerful than ever...." Start: October 14, 2015 End: October 02, 2017