****Chapter 10
Third Point of View
Pagkatapos ng kanilang ilang minutong pagpapahinga ay muli silang bumalik sa paglalakad. Sinimulan nila muli ang paglakad paakyat sa bundok ng Mount Revui para sila ay makatawid at makapunta sa kanilang destinasyon.
Iritang-irita na lumingon si Eria sa kasama niya na si Ero na naiirita na rin dahil sa sobrang kaingayan at kadaldalan ng pusa na nangangalang Hera. Sino ba naman ang hindi maiinis kung ang lagi niyang bukam-bibig ay ang pagiging mahilig niya at ng mga kauri niyang pusa sa mundo nila sa isda.
" Oo na, halata naman na sobrang hilig mo sa isda diba? Halos konti na lang maging kamukha mo sila eh. " wika ni Eria sa kanyang isip. No choice siya kung hindi tumahimik dahil ito lang ang kanyang pwesto. Hinihiling din ng isip niya na sana kausapin ni Ero ito at patahimikin.
Nagulat naman silang dalawa ni Ero ng biglang tumahimik at nakatulog si Hera. Lumingon sila kay Veia, ngumiti ito sa kanila. " Wag kayo mag-alala, pinatulog ko na siya, at ng matapos na rin ang topic niya tungkol sa mga isda. " ngumiti na lang si Eria at tumango.
Pinagpatuloy nila ang pagakyat ng bundok, hindi naging madali sa kanila ang pagakyat lalo na't madulas ang nilalakaran nila. Masyadong naka-pokus ang atensyon ni Eria sa nilalakaran niya upang di siya madulas nang biglang nadulas siya.
" Aghh! " sigaw nito, at halos namimilipit sa sakit. " Kahit kailan talaga napaka-wrong timing ng pagiging clumsy ko. Aish! " Nagulat siya ng biglang lumapit si Ero sa kanya.
Napa-hawak siya ng mahigpit sa kamay ni Ero ng bigla nitong hinawakan yung paa niya. " M-masakit "
" Pwede kahit minsan lang bawasan mo pagiging clumsy mo? "
Napayuko na lang ito, " Kahit kailan din talaga wala kang nasabing maganda no? "
Pinilit nitong tumayo, pero natumba lang siya. Napansin niya na medyo malayo na ang mga kasama nila, napakamot siya sa kanyang ulo dahil sa hindi malaman kung ano ang gagawin.
" Minsan ko lang ito gagawin, Eria. Once is enough. " napalaki ang mata nito ng binuhat siya sa likod ni Ero. " E-ero, di naman ka- "
" Mahirap umakyat sa bundok lalo na kung na-sprain pa ang paa mo. Mas lalo ka lang mahihirapan. " sagot nito sa kanya habang naglalakad na sila papunta sa kanilang mga kaibigan.
Napangiti naman ito at ibinaba ang ulo para ilagay ang baba sa balikat ng binata. " I'm sorry, pero thank you. "
" May naitatago ka rin palang bait. " ngiti nitong wika sa kanyang utak.
Eria Daphne's Point of View
Hanggang sa paggising ko sa pagkaidlip, hindi ko parin mapigilan ang mapangiti sa nangyari. Binuhat ba talaga ako ng isang cold, snob, at napaka-sungit na Ero Aden na prinsepe ng apoy?
Napatingin ako sa likod ng ulo niya, and yes, buhat niya parin ako hanggang ngayon. Malapit na kami sa pinaka-tuktok, at dun nila pinagdesisyunan na magpahinga. Hindi ko alam kung mabilis ba talaga yung pagakyat o sadyang nakaidlip ako ng matagal kung kaya't ganun?
Nakita ko na pinagpapawisan si Ero. Napangiti ako ng bahagya pero nakaramdam ako ng awa. Tahimik kong kinuha yung panyo ko sa gilid ng coat na suot ko. Nagulat si Ero ng pinunasan ko yung pawis niya.
BINABASA MO ANG
Celestial Princess
Fantasy'' She will come and she will rule her own kingdom. And when the right time comes she will sacrifice her own life and will rise again this time more powerful than ever...." Start: October 14, 2015 End: October 02, 2017