Chapter 18

8.4K 278 9
                                    


Iven Joi Point of View


'' Bwisit na apoy! Paano natin matatalo yan, pag tumitira ako, tumitira ka din. Mag-isip ka nga. Yelo ako, apoy ka! Bwisit! '' Sinamaan niya ako ng tingin, at sinamaan ko din siya ng tingin.


'' Mga walang silbi. Nag-aaway sa ganitong lagay. Paano kapag sa oras na ng labanan? Mag-aaway din kayo? Paano kapag may buhay na ng mahal niyo ang nakasalalay dito, mag-aaway parin ba kayo? Tch. '' Sabi ni Jake na nakita pala kami na nag-aaway.


'' Nakakainis kasi si Ero eh! '' 


'' I don't care who started it. Psh! Lightning volt! '' Natalo na agad niya ang napakalaking oso. At lumitaw ang pinto.


Nauna nang lumabas si Jake, at sumunod kami. Kaso nung nasa pinto na sabay pa kami ni Ero na lumabas, eh hindi kami kasya. Nakita narin namin sa labas ang mga kasama namin. Tumatawa, wait what? Tinatawanan kami?! 


Tumayo si Veia at tinulak kami papasok at hinila kami isa-isa. '' Mga bobo talaga, pero ikaw. Mahal parin kita kahit bobo ka. '' At tumawa siya. Nakita ko si Ero na pumunta sa isang higaan na may nakatakip, at sumisilip. '' Oy, wag--- '' pinatahimik ako ni Veia. '' Let him. '' Sumisilip siya eh malay ko baka may nakahubad diyan.


'' Buksan niyo ito!, Fcck! I said open this! '' Pinipigilan nila Nick si Ero, '' No, let me! open this door I said. That's my order! Hindi niyo ba ako nakikilala? Ako si Prince Ero Aden, God of Fire's son! susunugin ko kayo kapag di niyo binuksan! '' 


Tumingin ako kay Veia, '' Ano ba ang nangyari. '' Napa-sigh siya at ikinuwento ang mga nangyari. Pati sa kanya kinuwento niya. '' But the important is, we're safe, and I'm safe. '' niyakap ko siya, at tumingin uli kami kay Ero na nagwawala parin. Pero iinject nila ito ng pampatulog. 


'' Bukas na ninyo gawin ang heal. For now, we need to get some rest. And tomorrow, mag handa kayo, lalagyan natin ng strong shield yung nabutas. '' sabi ni Nick and we nod. Binuhat na nila Mike at Jake si Ero. While yung girls bumalik sa dorm. Habang sila Alvin at Eria naka observation parin sila. Hindi parin sila nagigising, lalo na sa lason. Matinding kapangyarihan ang kailangan para gumaling sila. Hay sana maging okay na sila.


'' Everything will be fine, Iven. '' sabi ni Mike. Ngumiti na lang ako sa sinabi niya. Magiging okay ba? Mas lalong lumalala eh, kailangan na namin ang Celestial Princess makita. Please give us a sign.


- KINABUKASAN -


BOOOOOGGSH 


Agad kaming napabangon ni Mike at James. At nakita ko si Veia na hingal na hingal. '' Guys, si Ero... '' Napatayo ako. 


'' Nagwawala..... '' Agad kaming tumakbo lahat. 


Nakita ko si Ero na may apoy sa kamay niya, '' NASAAN SI ERIA!!! ''  Lumabas nadin si Nick.


'' Ero, kung gusto mo makita si Eria. Umayos ka muna. ''  Mahinahong sabi ni Nick. Pero I know onti na lang sasabog na itong babaeng ito.


'' IPAKITA NIYO SA AKIN SI ERIA! '' Aish! Frinoze ko ang katawan niya. Sobrang froze na kahit anong apoy hindi matutunaw, '' Pwede makinig kang apoy ka? ''


'' Ipakita niyo lang sa akin si Eria. Gusto ko siyang makita. Kaya pwede ba? Kung hindi ka makakaintindi, well I don't care. '' sabi niya.


Hay nako ang kulit naman ---


'' Makikita mo na siya, but not now. Kailangan pa niya ma observe. Tomorrow, makikita mo siya. Iheheal na namin ni Wendy at ni Ilene si Eria. And then after 1 day si Alvin na. Kaya ngayon pwede tumahimik ka na? at wag ka gumawa ng eskandalo? ''  sabi ni Veia at gumawa ng water slicer at nasira ang frinoze ko sa katawan ni Ero.  


Dumeretso na kami sa canteen, pero bago kami lumayo. Dumeretso si Ero sa science lab, siguro dahil dun niya makikita si Eria. I smell something fishy. Parang gusto na ni Ero si Eria. Tama ba ang nararamdaman ko? na may gusto na si Ero. 


Gagraduate na ba si Ero sa Torpe University?


----


SHORT U.D





Celestial PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon