Chapter 26

8.3K 230 4
                                    




Ally Veia Point of View


Naguguluhan parin ako, paano nailabas ni Eria ang Water snake. Inaamin ko nakalabas na ako ng Water Snake. Pero, yung water snake na ipinalabas ni Eria is a powerful water snake.


Ang sabi nila, ang nakakakuha lang ng water snake ang may napakalakas na dugong bughaw. Royal si Eria, at may dugong bughaw siya. It means, may napakalakas na dugong bughaw si Eria. Is she the? Maybe no.


'' Ui, bakit ang seryoso mo? ''


'' Anak ng... '' Napatayo ako sa gulat. Mabuti di malakas ang sigaw ko, nan dito pa naman ako sa library. Kainis naman si Iven. Pero bawal ako kiligin ngayon. Kailangan ko makilala o kailangan ko malaman ano ba talaga ang nangyayari.


'' Wala. Wag ka nga mangistorbo. Busy ako. '' sabi ko sa kanya.


Pero isang Celestial Mage si Eria. Celestial ang kapangyarihan niya, bakit makakapaglabas ng isang Celestial Mage ng isang Water Snake na dapat ang makakapaglabas lang ay ang Water Mage.


Aish! Ang sakit sa ulo.


Eria Daphne Point of View


Nan dito ako mag-isa sa garden. Ginagawa ko ule ang mag concentrate. Maybe may makausap ule ako. Okay? Dala ng pagkabored.


Pumikit ako,


Mamaya may naramdaman akong malamig. Tubig na naman?


Dumilat ako.


Whaaaah?! Naka.. Nakalutang ako?!?


'' Welcome to our kingdom. Air Kingdom. ''


May dalawang sumulpot sa harap ko, pagtingin ko. Ohmy! Dyos at Dyosa ng Air Kingdom. Yumuko ako.


'' Ikinagagalak ko na makita at magpakita sa inyo kamahalan. ''


'' Masaya rin kaming makita at makilala ka, Eria. Sa wakas, nakita ka rin namin ng ganitong kalapit.'' Huh? Ganitong kalapit? Ano ibig niyang sabihin ? Ngumiti na lang ako para di niya mahalata na nacucurious ako.


Aish. Hindi ko na talaga mapigilan. Makapagtanong na nga. '' Uhm. Ganitong kalapit? What do you mean? '' 


'' Eria, binabantayan ka na namin simula nung pumunta ka dito, sa Celestial Space Palace. Ikaw ay aming alaga. Hindi ka namin dapat pabayaan. ''  sabi nung dyos.


Ngumiti sa akin ang dyosa. '' May naramdaman kaming..... '' naputol ito dahil pinatigil siya agad ng dyos. Naramdaman? Mas lalo ako naguluhan.


Tumalikod sila at pagharap nila isang Air blades ang hawak nila. Ako naman ito, namangha. Kinurot ko sarili ko baka sakali nananaginip ako. Woah! It's real!


'' Oo, tama ka. It's an Air blade. Ito ay mahahawakan lamang ng isang taong kaya naming pagkatiwalaan ng buong puso. At ang taong yun ay ikaw. Wala kahit sino sa lahat ang nakapasok dito, kundi ikaw lang. Kaya ipinapahawak ko ang Air Blade. '' Kinuha ko ang Air Blade. Pero lumiwanag yun at may anong enerhiya na pumasok sa katawan ko.


BLACK OUT


Jake Renz Point of View

Celestial PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon