Eria Point of View
'
* BOOOOGSH *
Napabangon ako bigla at napa-suot ng jacket bago lumabas ng kwarto. '' Ano nangyayari?! '' sigaw ko ng makita ko ang mga ibang grupo at ang royals sa corridor.
'' Eria, may narinig kaming sumabog. '' Sigaw ng mga ibang miyembro ng ibang grupo. Lumabas ako mismo sa may corridor, at lumapit sa mga kawal.
'' Ano nangyari? Saan nanggaling yung pag-sabog? '' nakita ko na nanginiginig ito habang tinuturo ang isang nasirang barrier.
Napalaki ang mga mata ko, at tumakbo malapit sa may barrier. '' Eria! '' sigaw sa akin ng mga kaibigan ko, kaya napatigil ako sa pagtakbo.
'' Alam ko yung pangyayari na ito. May hindi tama! '' sigaw ko na punong-puno ng pag-aalala.
'' Sasama kami. '' sabi ni Jake. Tumango ako
Tumakbo kami na para bang kami si Flash. Pagkarating ko sa lugar kung saan ang end ng barrier. Nakita ko may basag ito at may mga dugo galing sa mga kawal ko.
'' Nag-sisimula na naman sila. '' nang-gigigil na sambit sa akin ni Jake. I clenched my fists, '' Maging alerto na tayong lahat. Any minute now, susugod sila. Sabihin na sa ibang grupo. Ako na magsasabi sa mga kawal. ''
Tumango sila. '' Magpapakawala ako ng maraming warriors, Eria. '' sabi ni Lia sa akin. Ngumiti ako at tumango.
'' Sasamahan na kita, Lia. '' sabi ni Brielle.
Nag-teleport ako sa mismong pugad ng mga kawal ko. '' Mga kawal! Maging alerto, suotin niyo na ang mga armor ninyo! Mag-sikalat ang iba sa bawat sulok ng lugar! '' sigaw ko sa kanilang lahat na may halong determinasyon.
Bago sila lumabas at magsi-kilos. Ngumiti ako sa kanilang lahat ng sobrang lapad. '' Naniniwala ako sa inyo, yan ang tandaan ninyo. '' tumango silang lahat.
Bago ako lumabas sa mismong pugad nila, '' MABUHAY ANG REYNA NG CELESTIAL PALACE! '' ngumiti ako matamis.
Tatapusin natin ito.
Nag-teleport ako kung saan ang mga kaibigan ko at iba pang miyembro. '' Nasabihan ko na silang lahat, Eria. '' sabi sa akin nila Mike, Alvin at Jake.
'' Sige. Yung iba nating kasamahan? '' tanong ko sa kanila.
'' Nag-sikalat na rin silang lahat. Mamaya daw, dalawang grupo sa bawat lugar o sulok ng bayan. At yung ibang matitirang kawal at grupo sa may bandang palasyo. '' sabi ni Mike.
'' Sige, mabuti iyon. '' tumango sila.
BINABASA MO ANG
Celestial Princess
Fantasy'' She will come and she will rule her own kingdom. And when the right time comes she will sacrifice her own life and will rise again this time more powerful than ever...." Start: October 14, 2015 End: October 02, 2017