Third Point of View
'' Your highnesses, may nakita po kaming babae sa harap ng Celestial Space Palace. Pero hindi namin ito mapuntahan dahil sabi ng isang babae dun, kayo lang ang mga Royals ang pwede dun. '' sabi ng isa sa mga kawal na nagbabantay sa Celestial Space Palace.
Isang linggo na nila hindi nakikita ang prinsesa, hindi nila alam kung maayos ito. Kung nakaligtas ba ito, kung nasa maayos ba siya na lugar.
Ang tagal na nila hinihintay ang prinsesa, ang binata na si Ero, halos hindi na maging maayos ang buhay dahil hindi parin niya nakikita ang kanyang minamahal.
Walang kain, sa loob ng isang linggo.
Halos, akala mo namatayan ng buong pamilya. Pero, hindi rin maiiwasan yun sa kanya. Dahil naging buhay na niya ang dalagang na si Eria.
Pagkarinig ng binata sa sinabi ng kawal, tumakbo ito ng mabilis papunta sa Celestial Space Palace, hindi niya alam na sumusunod na sa kanya ang ibang Royals.
'' Si Eria na kaya yun? Please, I hope it is. '' sabi ng binata sa kanyang sarili.
Pagkapunta nila dun, nakita nila ang isang bilog na nakapaikot sa isang babae na nakahiga, at may tatlong nakatayo.
'' Lera? '' sabi ng mga Royals sa nakita. Pumasok silang lahat dun, Pumunta sa gilid ang tatlo.
Pero, bago sila pumunta sa babaeng nakahiga. Gumitna ang magandang dilag na si Luna. '' Ako si Luna. Ako ang nagbabantay sa prinsesa, simula ng ito'y ipinanganak ng mahal na reyna. Nababasa ko ang inyong isip. Oo, siya nga. Siya nga ang prinsesa, Si Prinsesa Erianna Daphneya Warlock, isinakripisyo ng prinsesa ang kanyang buhay, dahil sa nakita niyang paghihirap ng kanyang mga kaibigan. Sa loob ng isang linggo. Hindi niyo nakita ang mahal na prinsesa. Dahil kami ang humawak sa kanya. Ito ang nakasaad sa propesiya, isasakripisyo niya ang kanyang buhay. She will rose again after a years. After a years of waiting, magiging payaba na ule ang kanyang pamumuhay, kasama kayo at ang buong naninirahan sa Celestial Space Palace. '' sabi ni Luna sa Royals at sa mga nakikinig na kawal.
'' Is she going to rule her own kingdom? '' tanong ng bata na si Wendy kay Luna. Umiling si Luna, '' Hindi, subalit hindi pa ito ang takdang panahon para kunin ang kanyang trono. Kaya mananatili siyang prinsesa. Dahil iyon ang nakalagay sa propesiya. '' sagot nito sa bata.
Nakatingin lang ang binata na si Ero, kay Eria. Kusa ang mga paa niya na lumapit sa nakahiga na dalaga. Hinayaan lang siya ng mga kaibigan at ang mga nagbabantay sa dalaga.
'' Eria.... '' naiiyak niyang tawag sa dalaga. Pero mas lalo itong napahagulgol ng nakita na natutulog ang dalaga ng payapa. '' Eria, please wake up. '' sabi nito at sabay yakap.
Napaiyak din ang mga kaibigan ng prinsesa, napatakbo ang kaibigan nito na si Jake. '' Alam mo bang nakakainis ka? Lagi ka na lang ganyan! Simula ng mga bata pa tayo, lagi ka na lang sugod ng sugod e. Bakit pa kasi... '' sabi nito sa natutulog na si Eria. Onting-onti nawawala ang puting liwanag na nakaharang sa kanila.
Nagulat sila, na pati sila Meira at Miran ay nakahiga din sa tiyan ni Eria. Natutulog. '' Meira? Miran? '' tawag ni Veia. Pero hindi ito sumagot.
'' Kung ano nangyari kay Eria ngayon, ganun din ang nangyari sa dalawa. Dahil ang buhay ng dalawa ay nakakonektado sa buong katawan ng prinsesa. '' sabi ni Lera.
'' Pag ikaw gumising, tandaan mo yayakapin kita sa armor suit ko. Tandaan mo iyan! '' sabi ni Nick na umiiyak na rin.
'' Oy, babae! Gusto mo ba mag-alala sila Dana? Hindi mo na siya nakakausap. Dalaga na ang batang ire na yun. Kaya bumangon ka diyan, bilisan mo! Uuwi tayo. '' sabi ni Jake.
'' Gusto mong malunod? Papalunurin kita sa tubig ko. Bangon na, kulit mo naman eh! '' naiiyak na sabi ni Veia.
'' Kapag hindi ka talaga bumangon, ifofroze ko ang katawan ni Ero. Gagawin ko yun! Ano, bangon na bubwit! Oh gusto mo, si Jake ang ifroze ko. '' sabi naman ni Iven,
'' Wag ako, Iven! Nan dito mahal ko oh! '' naiiyak na sabi din ni Jake.
Lumapit naman ang dalagang si Brielle, '' Eria, I'm sorry. Hindi pa ako nakakapagsorry sa iyo at hindi pa ako nakakabawi sa mga ginawa ko. Sorry dahil naging selfish ako. Pinauna ko si Alvin na gumaling. I'm sorry, Princess Eria. '' naiiyak na sabi ni Brielle. Lumapit sa kanya si Alvin at niyakap.
'' Eria, pag gumising ka. Babawi kaming lahat sa iyo. Sasamahan ka namin bumalik sa Mortal World. Basta gising na ah? Wag aabot ng years. Kundi, mamatay itong si Ero ng wala sa oras. '' pagkatapos sabihin ni Alvin yun, parang may nangbatok sa kanya. Paglingon niya, wala naman.
'' Waaaaaaaaaaaaaah! Nagpaparamdam na si Eria! Peace Eria, good girl este good boy na ako! WAAAAAHH! '' pagwawala ng binata na si Alvin. Napatawa naman ang lahat, kahit naiiyak.
Dinala ng lahat si Eria sa loob ng Celestial Space Palace, nilagyan ng strong shield ang kapaligiran o nakasurround kay Eria. Nakakalat ang mga kawal sa paligid ng prinsesa. Iniwan na muna nila ang binatang si Ero. Dahil hawak nito ang kamay ni Eria, halos hindi mabitawan. Hindi na rin nila makausap si Ero.
'' I hope, si Ero maging okay. '' sabi ni Wendy kay Cayl. Napatingin naman silang lahat kay Hera na wala rin sa sarili.
'' Gusto mo, Hera? Samahan mo muna sila Ero dun. Para maging maayos ka. '' sabi ni Wendy kay Hera. Tumango ito at naglakad pabalik.
'' Pati din si Hera, hindi rin kinaya. Halos lahat ng mga katulad nila Hera at Cayl nagkaroon ng trauma. Pero, at least naging maayos na. Pero si Hera talaga ang di kinaya pati din si Ero. '' sabi naman ni Lia.
'' Naging malapit din kasi sa kanila si Eria. Kahit wala na ang trauma, eh kung yung tao na nagsisilbing vitamins nila ay nasa ganung sitwasyon. Wala tyong magagawa. '' sabi ni Mike.
'' Ewan ko sa iyo, Mikolo. Vitamins ka diyan. Iba naman ang suitable word. '' sabi ni Alvin.
Naglakad na sila pabalik sa Light Divine Academy, para mapaayos agad ito.
---
Guys, hihingi ako ng permiso! HAHAHA! Pwede bang gawin kong masama dito si Gajeel. HAHAHHAHA! >< Jusko, ang bad ko tuloy. HAHAHA.
Kasi gusto ko siyang isali dito.
And I need one reader na pwede kong isiksik dito. For extra character as Levi.
Kung sino po ang mauna, siya na po mapipili ko. Para mabilis ko po ma update ang story. Kasi dinadraft ko ang iba. Salamat po!
BINABASA MO ANG
Celestial Princess
Fantasy'' She will come and she will rule her own kingdom. And when the right time comes she will sacrifice her own life and will rise again this time more powerful than ever...." Start: October 14, 2015 End: October 02, 2017