Chapter 71

2.5K 57 3
                                        


Eria

Ilang araw na ang nakalipas, natapos na rin ang pagsasanay nila Jake at Ero. Sa ilang araw ang nakalipas, may mga naramdaman kaming hindi maganda na mangyayari sa loob ng Academy.

Pinatawag kaming lahat ng mga grupo, kasama na ang Royals, dahil may lumabas sa isang prophecy book.

Yes, alam na ng lahat na ako si Erianna Daphneya Warlock. But, like what I said. Hindi pa ako pwede maging isang princesa o maging reyna, habang hindi pa ayos ang kaguluhan. At habang hindi ko pa naililigtas ang magulang ko.

Lumabas si Nick sa harap namin. " Makinig kayong lahat sa sasabihin ko. "

Agad kaming tumahimik at nakinig ng maigi kay Nick. " Ilang araw tayo nakaranas ng masaya at payapa sa mundong ito. Pero.... Agad iyon mawawala. Nakasaad sa propesiya na may isang magaganap na laban. Isang madugong labanan. Laban sa kaharian ng kadiliman.

Karapatan natin iligtas ang Palace at ang Academy. Pati ang buhay natin. Kaya simula sa araw na ito. Mag sasanay tayong lahat para sa madugong labanan. " sabi ni Nick.

Tumango kmaing lahat at nag tungo sa training room. Ito na ba ang oras na hinihintay ko.....

Ang maligtas ang magulang ko.

Naramdaman ko na may humawak sa kamay ko. " Magiging maayos din ang lahat, Eria. Last na ito. At sisiguraduhin natin na ito na ang magiging huling labanan sa pagitan ng Celestial at ng kadiliman. " ngumiti ako at niyakap siya.

Hindi ako susuko, Ero.

Kung kaya ko pang lumaban, lalaban ako. Kahit buhay ko pa ulit ang maging dahilan para maging maayos ang Celestial Space Palace.

Nag laban ang ibang royals pati ang ibang grupo. Para sa pagsasanay. Kahit tinake serious nila ito, parang ginawa pari nilang laro ang pagsasanay.

Natuwa ako dahil lumalakas ang Royals at yung ibang. Sa tagal na hindi naglaban, at gumamit ng kung ano kapangyarihan. Nag ipon naman sila ng lakas para sa isang laban.

Ero became strong. Also, Iven, Jake, and Nick. Wala parin nagbabago sa kanila. Lalo na kay Iven and Jake. Sila parin ang malakas na magkakampi sa Royals.

Nick? Naah! Kahit siya lang mag isa malakas na siya.

Jake, should I tell you this? He changed a lot. Stronger? Yeah. Well, Jake is always be Jake.

Pati ang iba at ganon din, kita ko ang pagpupursigi nila sa madugong labanan na ito.

Me, gagawin ko ang lahat para sa huling labanan.

Sisiguraduhin ko na maliligtas ko ang Celestial Palace. Sisiguraduhin kong wala nang kadiliman na maninira sa bayan ko.

---

Celestial PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon