Woah! Favorite part ko ito! Mahaba haba ang part nito. I think. Just wait :)
----
Third Point of View
'' Pinatawag ko kayong lahat, sa mga ibang grupo na tumulong sa amin, mga Royals at sa buong Celestial Space Palace. Dahil sa inyong katapangan at pagsasakripisyo ng inyong buhay para sa lahat ng mamamayan ng Celestial Space Palace. Kayo ay tatanggap ng isang mahalagang gantimpala, galing sa inyong mga Dyos at Dyosa. Maraming salamat. '' sabi ng dalagang si Nick sa lahat ng grupo na ipinatawag niya.
Yung iba ay pumunta sa kanilang mga kwarto, para doon nila makausap ang kanilang Dyos at Dyosa. Ang mga naiwan sa ground ay ang Royals. Naka-stay sila, pero magkakalayo ang bawat isa. Dahil pinag-usapan nila na sama-sama sila kakausapin ang dyos at dyosa sa iisang lugar.
Lahat sila ay pumikit. At naglagay ng sarili nilang invisible wall. Para walang makakarinig sa bawat pag-uusap, at walang makakakita sa kanila.
Ally Veia Point of View
Pumikit ako at pinakiramdaman ang paligid ko.
'' Ally Veia, Princess of Water. '' Idinilat ko na ang aking mga mata. Ngumiti ako, at nakita ko sila kahit panandalian lamang. Ang aking mga magulang. '' Mom, Dad. '' sabi ko kanila.
Ngumiti silang dalawa. '' Dahil ipinakita mo ang pagiging malakas mo, at ipinakita mo na handa kang i-sakripisyo ang buhay mo para sa iba at sa mga taong importante sa puso mo. Matatanggap mo na ang gusto mong makuha. ''
Pumikit ule ako, at nararamdaman ko ang inilalagay nila sa katawan na lakas. Hiniling ko dati sa kanila na gawin nilang tubig ang katawan ko. I mean made of water. So that, hindi na ako masasaktan pa ng kahit sino.
'' Thank you, Mom and Dad. '' nakangiti kong sabi sa kanilang dalawa. Bago sila maglaho at mawala ang Invisible Wall.
Nakita ko pa ang iba na hindi pa tapos ang kanilang pagkuha ng gantimpala. Hayst.
Iven Joi Point of View
Naka-upo lang ako sa ground, habang ang tatay ko ay nakaupo din. Ang nanay ko naman, tinitignan lang kaming dalawa ng tatay ko.
'' Mag-ama talaga kayo. '' sabi ng nanay ko. Lumapit siya sa akin. '' Iven, anak. Anak ka ng isang dyos at dyosa. Ipakita mo dapat na ugali ng isang anak ng dyos at dyosa. Naiintindihan mo ba iyon? '' sabi sa akin ni Ina.
'' Yeah. '' sagot ko na lang.
Tumayo na kaming dalawa ng tatay ko at nag-handa na para matanggap ko ang gantimpala ko. '' Iven Joi, Prince of Ice. I'm giving you my powers, to make you more stronger. And this Ice Sword. '' inabot sa akin ni Ama ang espada niya.
'' Kahit, makulit ka. Ibinibigay ko iyan sa iyo, dahil ikaw ang aking nag-iisang anak. Alagaan mo iyan, dahil iyan ay galing pa sa ating mga lolo. '' tumango ako.
BINABASA MO ANG
Celestial Princess
Fantasía'' She will come and she will rule her own kingdom. And when the right time comes she will sacrifice her own life and will rise again this time more powerful than ever...." Start: October 14, 2015 End: October 02, 2017