CHAPTER 2

33.7K 848 63
                                        

 We read to know we're not alone.

- William Nicholson

*****

CHAPTER 2: Light Divine Academy?



ERIA DAPHNE POINT OF VIEW


Yung feeling hinahatak ka ng kama, gan'on yung nararamdaman ko ngayon. Parang wala parin akong lakas, gusto ko matulog ulit buong mag-hapon. Sinong hindi mawawalan ng lakas? Kasama ko ba naman si Jake na halos inatake na naman ng pagiging baliw.


Makipaglaro ba naman sa akin sa loob ng office ni Daddy ng habol-habulan. Ang saya nga niya e, puro taya kasi ako. Okay, first of all, mahina ako sa pagtakbo. Dahil hindi ako pala-takbo. 


Bumaba ako sa dining room mag-isa. Nakakapagtaka naman, ba't wala sila Mommy at Daddy dito? Kadalasan, nandito sila sa may dining table at sinasalubong ako pagka-baba. Nakakapanibago ha?


Tahimik akong kumuha ng bacon na nakahain sa dining table. Oh, how I love bacons! Halos nakakalahati ko na yung bacons, hindi parin bumababa sila Mommy at Daddy. 


Tatayo pa lang sana ako ng marinig ko ang boses nilang dalawa habang bumababa sa hagdan.


'' Hon, pakiramdam ko kailangan na natin sabihin kay Eria ang lahat. '' - Mommy


'' Pero, kailangan natin maghintay ng tamang oras. Hindi pa ito ang tamang oras. '' 


'' Pero, kelan pa? Nasa tamang edad na rin si Eria. Maiintindihan at maiintindihan niya ito.'' 


'' I know, but....  '' 


'' This is her life. This is her destiny. Kailangan niya malaman ito. '' 



Alam kong masama ang sumingit sa pag-uusap ng mga matatanda. Curious ako e, 

Ang bad mo, Eria!


Lumapit ako sa kanila ng hindi nila nalalaman.


'' Ano po yung kailangan kong malaman? '' halos natigilan silang dalawa at namutla ng makita ako. 


Napakunot naman ang noo ko at napanguso. Nahawaan ba sila ni Dana ng pagiging baliw? Omg. I cannot, this is so unfair. Dapat, hinawaan ko rin sila ng pagiging matino. Kapal mo talaga, Eria. 


'' A-ano, tungkol lang sa magiging birthday party ni Dana. '' hay nako, Dad. Maglilihim ka na nga lang, halata pa. Utal pa more.


Mas lalo naman ako ngumuso. '' Dad, just tell me.'' 


Celestial PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon