EriaParang napasarap ang tulog ko, masarap pala matulog kapag bored na bored ka. Pero mas masarap sa feeling ko yung tinulugan ko yung pusang iyon. Dinaig pa si Dana sa sobrang daldal o sadyang parehas lang talaga madaldal ang dalawang iyon,
Habang nakapikit pa ang mga mata ko, nag-unat unat muna ako ng katawan habang nakahiga. Ang sarap, tas malamig pa ang panahon. Mabuti pa sila dito, hindi naiinitan, malamig. Pero hindi rin sila nilalamig ng sobra. Well, ganon din naman ang feeling ko.
Pagkadilat ng mata ko, napasigaw ako at naihagis ko sa pader si Hera. Omo! Baka nasaktan siya. " Ano ba kasi ginagawa mo, Hera? At nasa bandang mukha ko pa talaga ikaw. Tas yung tingin mo sa akin, parang halos may ginawa akong masama sa iyo. "
Napahawak siya sa ulo niya, " Ang tagal mo kaya gumising, nagugutom na ako. Langya! " leche ito. Bakla ata itong pusa ni Ero e. Maka langya wagas, sabay hair flip akala mo may buhok. Sabunutan ko siya e, pasalamat siya wala siyang buhok.
Tumayo na ako, at dumeretso sa banyo para maghilamos at magpalit ng damit.
As usual, long sleeve parin suot ko. Maroon na long sleeve ang kinuha ko at maong na short na hanggang above the knee lang ang haba na pinares ko naman sa nike kong sapatos. ( taray naka nike )Pagkalabas ko ng banyo, nakita ko si Hera na nakasimangot na talaga sa sobrang gutom. " Halika na, Doraemon-este Hera. Kakain ka na, ilang isda ba gusto mo? " malamang gagawin ko lang ito para man lang sumaya iyang alaga ni Ero. Pero mahal ko iyan, wag kayo
Nilagay pa niya kamay niya sa baba niya na parang nag iisip pa. " 1000 fishes! " masayang sabi nito sa akn.
" 1000! Ang o.a mo masyado. 100 lang, kung gusto mo ng 1000 ikaw humuli. O.a neto. " inirapan lang ako. Kaysa magpasalamat e, sipain ko na talaga ito.
Habang naglalakad kame, nakita ko sila Wendy kasama si Cayl. Nakita kong nagmamadali sila somewhere habang dala ang dalawang makakapal na libro.
" Hi, Wendy! " bati ko, pero nilagpasan lang ako. Masyadong seryoso naman ata ngayon si Wendy. Ano kaya problema nito?
Sinenyasan ko na lang si Hera na tara na, para makakain siya. Habang kumakain siya, nakalagay naman ang dalawa kong kamay sa mukha ko. Nag-aalala ako kay Wendy.
Medyo nagdidilim na rin. Pero wala parin yung ibang Royals. Wala ba silang balak umuwi? Heller, I'm still here!
Pagkatanggal ko ng kamay sa mukha ko, tinignan ko si Hera. " Sarap noh? "
" Hai! Tikman mo kaya! " napa layo naman ako bigla sa kanya ng nilagay niya sa tapat ng mukha ko yung isda.
Napatawa ako ng bahagya, " No thanks. I'm fine. "
Napanguso ako habang pinapanood si Hera, kanina pa ako walang makausap na may sense talaga. Nakakabored kasama ni Hera e. Puro isda ang topic. Like parang may alam ako sa mga isda.
Habang kumakain si Hera, nakita ko naman si Ero na pawis na pawis at halatang pagod. Umupo siya sa tabi ko at habang nakaharap ako sa kanya, hiniga naman niya ang ulo niya sa balikat ko.
" E-ero? Ayos ka lang? Bat pawis na pawis ka? Nakipaglaban ka ba? Nakipagaway ka ba? Ano ano? Sabihin mo nga sa akin. " nagaalala kong sabi sa kanya.
" Hera, kumuha ka nga ng tubig don. " tumango siya at kumuha ng tatlong basong tubig.
Kinuha ko naman ang panyo ko sa bulsa ng shorts ko. At pinunasan ko muna yung bandang likod niya dahil ligong-ligo siya sa pawis. " I- I'm f-fine, Eria. No need to worry. Okay? " sabi niya sa akn habang nakahiga pa rin siya.
Pinaharap ko siya sa akin, at pinunasan ko mukha niya na pawis na pawis. " Tignan mo, pawis na pawis ka. Mukha ka ng dugyot na bata sa kanto namin e. " napatawa naman siya sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Celestial Princess
Fantasy'' She will come and she will rule her own kingdom. And when the right time comes she will sacrifice her own life and will rise again this time more powerful than ever...." Start: October 14, 2015 End: October 02, 2017