Chapter 47

4.4K 145 15
                                        


Erianna Daphneya POV


Pagkadating namin ni Pru, nasa garden kami ng Light Divine Academy.


Sinuot ko ang hood ko. Si Pru naman, napatawa ako sa suot niya. Para siyang mangangarate sa suot niya.  '' Ayusin mo sarili mo, Pru. '' natatawa kong sabi sa kanya, pero mahina lang ang pagkasasabi ko.


Kaso hindi siya nakinig, kaya hinayaan ko na lang. Tumingin ako sa Light Divine Academy. Walang katao-tao. Madilim din, '' Pru, quiet ka lang ah? '' tumango ito.


Naglakad kami ng dahan-dahan. Habang naglalakad kami, nakita ko na may mga fireworks. At maraming nagkakasiyahan dun. Dumeretso ako kung saan yun. 


Habang naglalakad kami, napangisi ako ng wala sa oras. Pagkadating namin din, naramdaman ko may mga nakatingin sa akin. Hinanap ng mga mata ko si Jake. 


Nakita ko siya kasama ang mga Royals. Pati siya. At himala hindi niya kasama girlfriend niya. '' Jake! '' 


'' Oops! Sino ka?! '' sabi niya sabay harang niya sa harap ko ng kamay. ''Tsk. '' sabi ko at binaba ko ang hood ko.


Napanga nga silang lahat. '' Eria?! '' ngumiti ako. 


'' I'm back! '' masaya kong sabi sa kanila.


Third Point of View


Napanganga ang buong Royals, dahil nakita nila ule si Eria. Kahit matagal na nila ito hindi nakikita. Hindi sila sumusuko, naghihintay parin sila sa pagbabalik nito. Dahil andito ang pamilya niya.


'' **** nakalimutan ko bumalik kina Mom at Dad. '' mahinang bulong ni Eria sa kanyang sarili.


Hindi makapaniwala si Ero sa nakikita niya. Si Hera, hindi rin masink in sa utak niya na nan dito na si Eria, '' Eriiiiaaaa! '' sigaw ni Hera habang lumilipad papunta kay Eria.


Lumuhod si Eria at niyakap si Hera. '' Hera, musta ka na? Namiss kita. '' masayang wika ng dalaga sa pusa.


'' Ate Eriaaa! '' sigaw din ng batang si Wendy.


'' Hi Wendy, ang laki mo na ah! '' sabi nito kay Wendy habang niyayakap.


Si Hera, hindi makabitaw kay Eria kaya binuhat na lang niya ito. '' Bakit kayo ganyan, ayaw niyo ba ako dito?. Oy, Jake! Hinahanap ka nila Tita, lagot ka! Tumatanda na daw sila, di mo pa daw binibisita. '' sabi nito kay Jake.


'' Galing ka sa Mortal World? '' tanong ng kaibigan nito sa kanya. Tumango ang prinsesa. '' Saglit lang ako dun sa Mortal World. After nun, namuhay na kaming dalawa ni Pru mag-isa. Sa loob ng 3 years kami lang dalawa ang magkasama. '' masayang wika nito sa lahat.


'' Musta sila Mommy? '' tanong ni Jake sa kanya.


'' Sinong mommy? Mommy mo? '' tanong ni Eria sa kanya. Ngumisi ang binata. '' Hindi, mommy mo. Tinatawag ko kayang Mommy ang mommy mo. '' sumimangot ang mukha ng prinsesa.


'' Ilene! Ilene, oh! Parusahan mo nga si Jake. Ang landi sa nanay ko! '' Sinamaan ng tingin ni Jake si Eria, pero too late. Nakatingin na rin sa kanya ng masama si Ilene. Magsasalita pa lang ito nang piningutan ni Ilene sa tainga si Jake.


'' Araaay! Eria, may atraso ka sa akin! '' Nag-bleh na lang ang dalaga sa binata. 


Niyakap ng Royals si Eria, except kay Ero. Tumingin si Eria sa kanya at nag-pout. '' Oy, lalaki. Di mo ko nakita? Yuhoo! '' sabi ng dalaga sa kanya.


'' Ako ba? '' sabi ni Ero sa kanya. Sumeryoso ang mukha ni Eria. '' Ay hindi, Ero. Si Hera, ikaw kasi Hera kausap ko e. ''


'' Ako ba? fishy-fishy '' sabi ni Hera naman. Nilakihan ng mata ni Eria si Hera. Kaya nanahimik.


'' What? '' sabi ni Ero. Inirapan siya ni Eria.


'' Wala, Wala. sabi ko ang panget mo! '' asar sa kanya ni Eria. 


Nakita ng dalaga si Ero naguusok na sa inis. Kaya umalis na silang lahat. At iniwan si Ero dun. Mag-isa.


'' SANA DI KA NA LANG BUMALIK! ''  sigaw ni Ero.

Celestial PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon