*^*^*^*IVEN JOI POINT OF VIEW
Hindi ko alam kung tatawa ba kami o pipigilan namin yung dalawa sa pakikipaglaban eh. '' Gosh! Ang lakas ni Eria kahit sword lang gamit. '' wika ni Veia habang nakatingin sa dalawa at kitang-kita ko ang pagkamangha sa mga mata niya.
'' Mas malakas pa ako jan diba, Iven? '' biglang sulpot sa gilid ko ni Alvin. Sasagot na sana ako ng biglang may tubig na umatake kay Alvin. Napatingin naman ako kay Veia na nanonood parin kina Ero at Eria.
'' Ang sama ni Veia, ayaw ko na nga sayo! ''
'' Ayaw ko rin sayo. '' nag-walk out naman si Alvin sa harapan namin at tumabi kay Brielle na ngayon ay sinasabunutan siya. Bakit ba ako nagkaroon ng mga kaibigan katulad nila?
Natawa naman kami ng biglang tumigil si Eria at nilapit ang ulo niya malapit sa tainga ni Ero. Nag-tilian ang mga girls at para kaming nababakla sa nakikita namin.
Naramdaman ko naman na may humiga sa bandang balikat ko, at nakita ko si Veia na kinikilig at pinipigilan na tumili pa ulit.
Ero Aden Point of View
Tinignan ko yung likod ni Eria habang naglalakad palayo sa akin. Geez, bakit ko siya hinayaan na gawin iyon sa akin?
Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Ginayuma na ata ako ng babaeng iyan e! Nag-teleport ako papunta sa kwarto ko. Hindi parin normal ang tibok ng puso ko, ano ba nangyayari sa akin?
Napahilamos ako ng mukha ng maramdaman ko ang sarili ko na nakangiti. But, inaamin ko na malakas siya. Pero hindi parin yun sapat para pigilan niya ako na mag-isip ng kung ano-ano sa kanya.
Hindi pa ba sapat na may taglay siyang kapangyarihan ng liwanag?
No! Sumasakit ulo ko sa lahat ng pangyayari. Hindi pwede na mahulog ako sa kanya, hindi ako makakapayag na mahulog ako sa patibong niya.
KINABUKASAN
'' Ero, gising na! '' napaupo naman ako bigla ng marinig ko ang boses ni Eria. Wait what? Eria na naman?!
'' Lumabas ka sa kwarto ko. '' napairap naman ito. Dudukutin ko talaga ang mata ng babaeng ito e.
Humiga siya sa kama ko habang ang dalawa niyang kamay ay nasa likod ng ulo niya. '' Alam mo? Kahit minsan try mo rin maging mabait. Sayang pagiging gwapo, aba? ''
Tumayo ako sa kama at tinignan siya. '' So, sinasabi mo sa akin ngayon na gwapo ako? '' napatigil naman siya at napaupo.
Nakita ko ang pag-pula ng pisngi siya sa sinabi ko. '' H-hindi ah, kapag mabait k-ka lang. ''
Umupo ako sa tabi niya at inangat ang sleeves ng t-shirt niya. '' Masakit pa ba ang ginawa ko sayo kagabi? '' wika ko sa kanya habang nakatingin sa braso niya na nakabenda.
Umiling ito sa akin, '' Kapag ginalaw lang. '' hindi ako sumagot at tinignan lang yung braso niya.
Tinanggal ko yung benda sa braso niya, at akmang pipigilan na sana niya ako ng tinignan ko siya ng masama. Nakita ko na may dugo pa at namumula-mula pa ito. Nag-cast ako ng isang healing spell para gumaling ang sugat na ginawa ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Celestial Princess
Fantasy'' She will come and she will rule her own kingdom. And when the right time comes she will sacrifice her own life and will rise again this time more powerful than ever...." Start: October 14, 2015 End: October 02, 2017