Chapter 85

1.4K 23 0
                                    




Wendy Point of View


Naaawa ako kay Ate Eria. Mabuti naagapan namin at napigilan namin si Ero. Nakakita ako ng vision, nakita ko na sasaktan ni Ero si Ate Eria. Kaya agad ako tumakbo at sumigaw para magising ang ibang Royals para humingi ng tulong.


But, nasaktan parin si Ate Eria, hindi lang ganón sa nakita ko sa vision, napigilan parin. Pero nalason siya. I know na mangyayari din ito, yun ang nakita ko sa propesiya, yun ang totoong propesiya na tinago ng mga pinaka mataas pa sa amin na opisyal ng Light Divine Academy.

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa nila itago ang totoo, at bakit kailangan yung hindi totoo at gawa gawa lang ang pinakita. Ang hindi totoo na propesiya ay gawa lang ng isang witch na malapit sa bundok na malapit din dito sa paaralan.

Mas lalo nila pinahihirapan at ginugulo ang mga nangyayari. Lalo na sa prinsesa na si Ate Eria. Hindi lang sa labas nakatira ang mga traydor, pati rin pala sa loob ng Light Divine Academy.

Pero, sino-sino pa sila? Gaano ba sila kadami? Kasama o kasapi ba din sila ng Dark Kingdom?

" Tumawag pa kayo ng mga healers! Bilisan niyo! Kung ano man ang pwedeng spells na pwede gamitin ng mga witch, gawin niyo na! " napalingon at napatayo ako sa inuupuan ko ng narinig ko na sumisigaw si Alvin.

" Ano nangyayari? " kalmado kong tanong kay Alvin habang hawak ko ang kaliwang braso niya.

Napayuko siya at napatingin sa akin ng hingal na hingal. Napalunok naman ako sa mga sinabi niya, " Sumuka ng kulay lila si Eria. Nagkaroon ng crack sa buto nga sa balikat na naapektuhan pati likod at yung sa braso niya.... S-sumuka n-na rin siya ng d-dugo. "

Agad akong tumakbo papasok at nag-suot ng mask. Nakita ko na pawis na pawis si Eria, at nag-kukulay pula ang paligid ng balikat niya at sa gitna na kung saan naano ng kuko ni Ero ay kulay lila.

Napansin ko na sumunod sa likod ko si Alvin, " Nasusunod yung buto niya, at the same time napapasukan ng lason yung nasira na buto niya, pati veins. Kailangan niyo na siya turukan at anuhin ng pinaka malakas na spells. "

Sabi ko sa kanya ng seryoso.

" Eh paano yung sa buto niya? " nararamdaman kong taranta sa boses ni Alvin. " Hindi kaya ng mga spells o gamot yung sa buto. Pumasok na rin yung lason, at nasusunog na to. Mapipigilan lang yung pagsunog at ang pag daloy ng lason sa loob nito.

Lumabas si Alvin para tumulong na kumuha ng mga kakailangan at mga witch na tutulong din. Nagulat ako ng may humawak sa kamay ko. Nakita ko si ate Eria na may luha sa kaniyang mga mata.

" W-wendy..s-sabihin mong hindi.... H-hindi t-totoo yung mga s-sinasabi ni E-ero kanina... P-please. " Hinigpitan ko naman ang hawak ko kay ate at napayuko.

" A-ate... " umiling siya, " I know that it's not true.. Hindi ako maniniwala sa mga snasabi niya o sinasabi niyo. K-kasi.... I-i know that he... He needs m-me.. "

" Ate! " napasigaw ako ng bigla siyang sumuka ng dugo. " I'm fine, Wendy... I really do... But please promise me.... Don't kill Ero.... Please.. I'm b-begging you... "

" Alvin, bilisan niyo na pleas. " iyak kong sigaw nang biglang sumarado ang mga mata ni ate, at medyo bumabagal ang tibok ng puso niya. 

Jake's Point of View

please wag niyo siya saktan...

Napatigil ako bigla sa pagsuntok kay Ero ng may narinig akong boses, it's Eria, alam kong mahal na mahal niya si Ero, at mas pipiliin niya na siya ang masaktan ng sobra kaysa na makita niya ang minamahal niya na sinasaktan.

That's Eria... Handa siya gawin ang lahat kahit buhay pa niya ang kapalit sa mga sakripisyo na ginagawa niya.

Napatingin ako sa kay Ero na dugong dugo ang mukha, at halos iba na ang tingin sa amin. " Pasalamat ka, boyfriend ka ng bestfriend ko. Pasalamat ka na hanggang diyan lang ang magagawa ko, kung pwede lang na patayin kita, ginawa ko na. Pero, hindi, hindi dahil sa kaibigan at ka comrade kita. Kundi hiniling Niya sa akin ito. "

Nagbago bigla ang aura niya, yung isa niyang mata na kulay pula kanina medyo bumalik sa dati naging normal na. Pero yung isa ay itim pa rin.

Nakita ko na may luha sa mga mata niya. " Si.. Si Eria, Jake.. Please take care of her. Make sure she's okay after nung nagawa ko kanina. Please, hindi ko mapapatawad sarili ko kapag may n-nangyari sa kanya nang dahil s-sakin. "

Umiwas ako ng tingin, " Kahit hindi mo na sabihin iyan, talagang iyan naman na ang ginagawa ko noon sa kanya. Talagang hindi mo mapapatawad ang sarili mo. Lalo na makamandag ang lason na meron sa mga kuko mo. "

Napatigil siya at napatingin sa nanginginig niyang kamay na nakatali sa dalawang gilid.


" Mike, bantayan mo muna siya. Pupunta muna ako kay Eria. " tumango ito, hindi rin maipaliwanag ang emosyon ni Mike sa nangyayari at nakikita ko ito.

Tumakbo ako ng mabilis pa sa cheetah ang ginawa ko, makapunta lang ng sobrang bilis kay Eria. Habang tumatakbo ako, nakita ko na nagmamadali din yung ibang staffs ng clinic at si Alvin na kasama ang mga witch at healers.

Bigla ako kinabahan na hindi ko maipaliwanag....

Pagkarating ko sa clinic, bigla ko binuksan ang pinto kung asan si Eria. Nakita ko na umiiyak si Wendy. " Si... Si Alvin? Kailangan na siya lunasan na. Humihina ang katawan niya at ang puso niya sa sobrang lakas ng kamandag at ng sakit sa crack sa bandang balikat niya. Mas lalong nasusunog. "

Bigla pumasok ang mga staffs at sila Alvin. Tumabi naman ako kay Eria, " Eria... Please fight... Diba sabi mo kailangan ka ni Ero? Then fight! "

Eria....

Celestial PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon