EriaHindi namin maiwasan ang kabahan ni Wendy habang nakaupo at pinapanood ang mga naglalaban pa. Paano kami hindi kakabahan kung kami pa lang ang unang Royals na nakatapos.
Masinsinan ko pinapanood sila Ero, Iven at Ilene na naglalaban. Nakikita ko na parang nagkakainitan na ang pagitan nila Ero, at Iven sa pagitan ng dalawa pa sa ibang grupo.
Nakikita ko na pinipigilan ni Ilene yung dalawa, pero halatang hindi sila nakikinig. Aish, kapag sila nasapok na naman ni Nick.
' Sumeryoso nga kayong dalawa ni Iven. Bukod kay Nick, mas lagot kayo kay Jake. '
' Tss. Oo na. '
Napangiti naman ako ng tumigil silang dalawa, at nagsimulang mag-team silang tatlo nila Ilene. Since light power si Ilene, sinira niya ang paningin ng tatlong kalaban. Sabay atake ni Iven ng isang shield na mismong tatlo lang ang kalaban sa loob ang nan don, at ang huling atake ni Ero na fire.
And they won.
Sabay naming tinignan ni Wendy ang side nila Jake. Sa tingin ko mas malakas ang naging kalaban nila Jake at Veia. Bukod sa parang earth power ang kapangyarihan nito, kumokontrol din ito ng mga bato, at lupa.
Tumabi sa akin si Ero, at hinawakan ang kamay ko. May nararamdaman akong mali, pero alam kong makakaya nilang dalawa iyon. Nagawa na rin nila iyan noon, malakas ang combination, lightning at water?
Jake, focus. Kaya niyo iyan...
Veia... Focus....
Umatake ng malaking bato yung kalaban, pero nailagan naman nila Jake at Veia. Pero naghiwalay naman sila ng pwesto. Pinagsabay atakihin ng kalaban sila Jake at Veia.
Pero hindi sila natinag dahil agad silang umatake ng Water Slicer at ng Lightning Bolt kaya nag-piraso ang mga bato.
Nagulat naman ako nang tumabi sila Lia, Mike, Brielle, at Alvin sa gilid ni Wendy. It seems tapos na kaming lahat. Sila Jake at Veia na lang ang natitira.
Konti na lang ang naglalaban.
Binabantayan ni Veia ang kilos ng kalaban, at ganun din si Jake. Pero agad nakita ni Jake na may malaking bato sa itaas ni Veia.
" Veia! "
" Veia!! " sabay naming sigaw lahat. Kasama na rin si Jake. Pero nakahinga kami ng maluwag ng makitang okay pa si Veia at nakakatayo. Naalala ko na kaya niyang gawing tubig ang katawan niya.
Nag-signal ito na okay lang siya.
Habang patagal ng patagal. Mas lalo umiinit ang laban. Since isa lang ang kalaban niya. Parang hindi na ako natutuwa sa training na ito. Sineseryoso na nila ng masyado.
" Nick, itigil mo na ito! Masyado nang seryoso! " sigaw nila Ero at Veia kay Nick. Agad sila pumunta dun kina Nick. Agad bumalik ang tingin namin sa dalawa.
Umatake ng another shot si Jake at pinatama iyon sa braso ng kalaban, nailagan pero agad bumalik sa kalaban ang atake ni Jake. It's a lightning boomerang. Kaya may sugat agad siya sa braso niya.
Nagpa-labas naman si Veia. Tubig na may mahahabang galamay? I don't know kung ano tawag dun at pinalupot sa tiyan at sa kamay ng kalaban ng mahigpit, pero agad itong nasira kaya agad umatake ng water nebula si Veia.
Napanganga kami ng masyado mainit na talaga ang nangyayari. Agad kaming napatakbo lahat pababa papunta sa arena.
" NICK! Itigil mo na ito, inuutos ko sayo na itigil mo na ito! " sabi ko kay Nick. Iba na, nagready ang kalaban ng malaking malaking bato. Habang ang dalawa naman ay nagreready ng tubig at lightning.
Hindi kami makapasok sa loob dahil hinarangan ng barrier.
Napatingin ako sa bato. Sinusubukan kong durugin ito. Dahil sa wala akong magawa, sinummoned ko si Taurus sa loob ng mismong barrier at inutusan ko siya na sirain ang bato bago pa mahuli ang lahat.
And success. " Magaling, Eria. " masayang bati sa akin nila Ilene. Nakita namin na onti-onti nawawala ang barrier. It means tapos na ang training.
Tumakbo ako papunta sa kanila. Niyakap ko si Veia, niyakap ni Ilene si Jake. Nung bumitaw na, ako naman ang yumakap sa bestfriend ko. " Walangya ka, talagang hindi ka magpapatalo. "
Niyakap naman niya ako ng mahigpit, " Pero napahanga niyo ni Veia kaming lahat. Mas lalo kayong lumakas, lalo na sa mga regalo ng Gods and Goddesses. Take care of that. Make sure na makukuha niyo ang enough energy na kailangan ng katawan niyo, at kayo din. " sabay ko tingin sa ibang Royals.
Napangiti ako na may halong seryoso, " Dahil malapit nang matapos ang kadiliman na ito. Malapit na malapit na... "
Napangiti sila..
---
Alam niyo na guys! Thats the sign! Malapit na matapos ang Celestial Princess!
Please support po ang mga stories ko pa po.
--- Her Diary ( short story)
-- Untitled
--- A Fallen Angel
Published na ang Her Diary. Try lang naman basahin e :) and also ang Untitled at A Fallen Angel.
Isa din ang mga iyong tstlo sa mga sineryoso ko.
A Fallen Angel, dedicated po iyan sa mga readers ko. Lalo na mga bata, and also sa kuya ko at sa gf niya. :) Please support A Fallen Angel. Magugustuhan niyo siya. Lalo na siya ang magbibigay liwanag sa inyong buhay.
Salamat po.
Ciaaaao

BINABASA MO ANG
Celestial Princess
Fantasy'' She will come and she will rule her own kingdom. And when the right time comes she will sacrifice her own life and will rise again this time more powerful than ever...." Start: October 14, 2015 End: October 02, 2017