Eria's Point of ViewDalawang araw na ang nakakalipas simula nung nakauwi galing sa misyon sina Lia. At kung ano ang naramdaman ko nung gabing iyon, ay ganon parin hanggang ngayon.
Jusko, Eria! Masyado ka lang pagod at madrama dahil sa maraming nangyari. Pero hindi e, hindi dapat ako nagpapa-apekto. Aish! Tama.. Pagod lang ito.
Hiniga ko ang buong katawan ko sa lupa, at seryosong tinignan ang ulap. Dalawang araw na rin kami nag-training. Halos araw-araw, kami lang ang natigil dahil sa mga nangyari sa akin.
Halos puro reklamo ang naririnig ko sa hallway ng Light Divine, dahil wala pa silang pahinga na maayos. Yung iba halos muntikan na rin mainjured. Hays, may magagawa ba ako? Kapag tungkol sa training, si Nick naman ang nag dedesisyon. Kahit prinsesa ako, may takot parin naman ako kay Nick. Siya pa.
" Okay, guys! Attention pleaaaase! Kailangan na natin ng real training. " sabi ng isa sa mga nag tatraining sa aming lahat.
Narinig ko naman ang hiyawan ng iba, " Noooo way! Training na ito, ano pa ba itatawag nyong training. Naloloka na ang beauty cells ko! " sigaw ng isang baklang estudyante.
Hindi lang ikaw, ako din. Jusme po!
Napasimangot agad ang trainer namin. " Gusto nyo man o hindi. Wala kayong magagawa. That's final! Maghanda kayo. Mamaya na ang simula. "
Napatayo ako, nagulat ako nasa likod ko sila Jake at Ilene. Parang mga ewan ito. " Mamaya na agad? Bakit agad-agad po? "
Yumuko ito sa amin, " Pasensya na po, Mahal na Prinsesa. Pero iyon po kasi ang utos ni Prinsesa Nick. " napakunot naman ang noo ko.
Nang makaalis ito, agad napunta sa harap ko si Ilene. " Torture na ang ginagawa ni Nick sa atin sa training. Nakakaawa sila, still kailangan parin ng rest. "
I just shrugged my shoulders. " As if, may choice pa ba tayo. Maghanda na tayo. " tumango naman ang dalawa.
----
Nang nasa arena kami. Rinig agad namin ang mga bulungan ng lahat. May halong reklamo sa mga boses talaga nila.
Hindi na kami nagpaligoy-ligoy pa. Nang tinawag ng mga trainers kami mga Royals. Sabay-sabay na kaming bumaba at pinatabi sa kanila.
Nakita ko na halos talagang nasa training talaga. Yung mga suot nila ay halos pang training. Nakasuot ako, si Ilene, at Veia ng Brown Top. Parang legging or jeans na makapal na hipit na hipit sa legs namin at boots. Samantalang ang iba ang fitted na shirt. Ang boys naman ay fitted na top den at yung iba ay fitted na shirt.
" Magandang hapon sa inyong lahat. Bago mag-simula ang real training. May iilan sa inyong ay makakalaban ang mga Royals. Dalawa sa dalawa. Yung iba ay posibleng tatlo ang magiging kasama. " seryosong paliwanag ni Nick sa lahat.
Nagbunutan kaming mga Royals, kung sino ang makakasama namin sa training.
Eria and Wendy
Ero and Iven and Ilene
Veia and Jake
Brielle and Alvin
Lia and MikeNapatingin ako, yung iba naman ay nakita naming napangisi dahil sa sobrang saya dahil ang iba sa kanila ay pwede kaming makalaban.

BINABASA MO ANG
Celestial Princess
Fantasy'' She will come and she will rule her own kingdom. And when the right time comes she will sacrifice her own life and will rise again this time more powerful than ever...." Start: October 14, 2015 End: October 02, 2017