CHAPTER 5

20.8K 658 12
                                    


***


CHAPTER 5: 


ERIA DAPHNE POINT OF VIEW


'' Light Divine Academy, matagal na itinayo ang paaralan na ito. Pinatayo ito ng hari ng Celestial Space Palace para sa mga batang nakatira sa Celestial Space Palace na biniyayaan ng kapangyarihan, pinatayo ito para matulungan sila na gamitin ang kapangyarihan sa tama. Ang Celestial Space Palace, gustong-gusto ng mga mamamayan ang hari at reyna dahil sila ay may busilak na puso sa mga nangangailangan. Handa silang tumulong, mapaliit 'man o mapalaki. Dahil sa kanilang kabutihan, binigyan sila ng mga gods and goddesses ng isang malaking biyaya. Kapangyarihan, at isang supling. ''


'' Marami ang nag-nanais na kunin ang trono sa kanila, pati na ang kanilang minamahal na anak, dahil ang kanilang anak ang may isang napaka-lakas na kapangyarihan na galing sa gods and goddesses. Nang dahil sa maraming nagnanais, nagkaroon ng mga masasama hanggang sa nabuo ang Dark Kingdom sa tulong ng hari ng mga dilim. Nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng Dark Kingdom at Celestial Space Palace. Marami ang nawalan ng minamahal, at sabi-sabi rin ng mga iilan ay namatay ang hari at reyna kasama ang kanilang anak. ''


'' Isa rin sa mga sabi-sabi ay buhay pa daw ang anak nila. Kasabay ng digmaan na iyon ay ang pagkatalo ng hari ng dilim, kaya simula noon pinatibay ng mga gods at goddesses ang barrier para sa mga estudyante dito. Maraming nagmamasid sa loob ng Light Divine Academy na galing sa Dark Kingdom, dahil inaasahan nila na babalik ang anak nila at  once na makuha nila ang anak ng hari at reyna, kukunin ng hari ng dilim ang kapangyarihan nito para siya ang mag-hari sa buong Celestial Space Palace.  ''


'' Dahil sa mga nangyari, naging dahilan ito kung bakit nagkaroon ng trauma lahat ng mga tao. Kaya pinagdesisyunan ng mga gods at goddesses na tanggalin pansamantala ang mga nangyari noon sa mga tao, at hanggang ngayon andun parin yung spell na iyon. Kasama narin ang mga Royals, iilan lang ang mga natira sa kanilang mga alaala, kundi ang hari't reyna at ang kanilang anak. ''


'' Paano yung anak nila? Alam ba nila kung babae o lalaki? '' tanong ko sa kanilang dalawa. Umiling lang sila bilang sagot sa tanong ko. 


Nagpapasalamat ako dahil in-explain nila Miran at Meira ang nangyari. Hinahanap parin nila ang nawawalang anak ng hari at reyna ng Celestial Space Palace.


Naiintindihan ko na kung bakit nakita ko yung lalaki na may pulang mata, pero bakit ako? Alam kong sobrang ganda ko talaga pero yung aabot na anak ng isang maharlikang pamilya? No way.


Tinitignan ko ang paligid ng school habang binabagtas ko ang daan papunta sa classroom namin ng mag-isa nang mapansin ko ang mga tingin ng ibang estudyante sa akin. Gandang-ganda ka na naman sa sarili mo, Eria Daphne. 


Inaamin ko naman sobrang ganda ko talaga, hindi na kailangan ipamukha. Kapal talaga ng mukha. Nakita ko sa mukha nila ang gulat, at pagkamangha. Ano ba meron?


Nakita ko rin ang mga tingin ng ibang Royals, kaya bigla akong tumakbo papunta sa kanila. '' Veia, ano meron? Bakit ba kayo nakatingin lahat sa akin ng ganyan? '' 

Celestial PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon