Chapter 95

1.5K 31 1
                                    


Hi, everyone! Gusto ko lang po na malaman niyo na feel free po sa pag-message sa akin and sa pag-comment ng mga sa tingin niyong mangyayari? Parang first example, feeling ko ganito. 


Para po sa mang-babash ( kung sakali po ). Hindi po ako gan'ong kagaling na writer katulad ng iba, pero kung makakasalita lang po kayo ng di maganda, okay lang naman po na hindi niyo basahin :) 


And hindi ko po sure if open ako sa pag-send ng mga covers. Pero kung sakali po, message niyo lang po ako dito sa wattpad and try ko po kung saan niyo maimemessage sa akin. Twitter po, meron ako. 


Basa na po tayong lahat! Lovelots!


--


Abala ang mga lahat sa pag-aayos ng mga nasirang bahay, dahil sa nangyari sa pag-atake ng mga kung ano-ano mga creatures sa labas ng barrier. Abala din ang lahat sa mga bangkay na namatay dahil sa pagkain ng mga Soul Eater ng mga kaluluwa nito.


Habang ang dalagang prinsesa na si Eria, hindi mapakali habang nag-lalakad papunta sa meeting place kung saan niya huling nakita ang kaibigan na si Nick.


'' Nick, ano ang plano mo? Bakit wala ka paring ginagawa sa mga plano mo? Dumadami lalo ang nabibiktima ng mga Soul Eater! '' sigaw nito kay Nick na kasalukuyang nakaupo sa swivel chair.


Tumingin ito ng masama sa dalaga, kaya napasinghap naman ito. '' Akala ko ba, mag kakanya-kanya na tayo, Eria? Ano pa bang pakialam mo sa plano ko? ''


'' Nick naman! Kung tungkol na ito sa kaligtasan ng mga sibilyano, kailangan nating magtulungan dito. '' nag-smirked naman bigla si Nick sa mga sinabi ng dalaga, '' Mag-tulungan, Eria? Eh yung kailangan ka namin? Nasan ka? Diba na kay Ero ka. ''


Napayuko naman ang dalaga, ramdam niya yung mga sinabi ni Nick. '' Dahil 'yon sa hindi mo ko hinayaan tumayo sa harap nila. Kilala nga nila ako bilang si Princess Erianna, ang susunod na reyna ng Celestial Space Palace. Pero hindi ako yung namumuno sa kanila, para sa kanila ordinaryong prinsesa lang ako. '' 


'' Nick, kaibigan naman din kita diba? Kaibigan ka rin naman ni Ero. Pero, bakit gan'on? Parang tutol ka sa kung anong meron kaming dalawa ni Ero. '' napabuntong hininga naman ang dalaga. ''  Siguro naman, nag-mahal ka na diba? Kung ano yung iyo, iyo lang iyon. Wag mo naman sana idamay ang relasyon namin ni Ero sa relasyon na meron ka noon o ngayon. ''


Umalis na ang dalaga at tumakbo sa Celestial Centre. Napa buntong-hininga na lang ang dalagang si Nick.


Nick's Point of View


               Nag-mahal din naman ako. Oo, nag-mahal din ako. Siguro nga kilos lalaki ako, siga, o ano man. Pero may pusong babae din naman ako. At aabot sa point na mag-mamahal din ako ng lalaki.


Ang kaso nag-mahal ako sa maling lalaki. Nag-mahal ako ng isang lalaki na hindi talaga karapat-dapat sa akin, sa isang katulad ko. Dahil hindi siya taga dito sa Celestial Palace, sa labas siya. 


Oo, isa siya sa mga tao ng Dark Kingdom. Hindi ako makapaniwala nung una ko siyang nakita, para bang tumalon ang puso ko dahil sa kanya. Kahit na taga-light ako, at siya sa ay taga-dark kingdom. 


Ramdam ko parin ang bait nito. Sa mga sibilyano na nakatira sa labas ng Celestial Space Palace, dun ko siya nakita. Nakita ko ang pag-tulong niya sa mga nangangailangan.


Hanggang sa narinig ko ang pangalan niya, Elvon John. Yung araw na iyon, dun ko nakalimutan na siya pala ang umatake noon kay Eria.


Hindi ata sang-ayon ang tadhana sa amin. Nakilala ko siya at nakilala niya ako, pero katulad nga ng sinabi ko. Nung nalaman ko na taga- Dark Kingdom siya, nalaman na niya rin na taga- Light Kingdom ako.


World is so cruel, right?


Sang-ayon ako sa relasyon nila Ero at Eria. Pero, kailangan ko lang magpalakas, at palakasin ang pwersa namin dahil gusto ko siya makita. Gusto ko malaman kung bakit ba siya kumakampi sa Dark Kingdom. Ano ang pakay niya?



Bakit gan'on na lang ang kilos niya nung nalaman niya na taga Light Divine ako? 


Maraming katanungan sa utak ko e. Sa sobrang dami, hindi ko alam kung paano sasagutin iyon ng isa-isa. 

Celestial PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon