***
CHAPTER 6
ERO ADEN POINT OF VIEW
'' Mabuti dumating kayong dalawa agad, kung hindi baka kinuha na nila si Eria. '' anya ni Brielle
Tinignan lang namin si Jake na nasa gilid ng kama ni Eria na ngayon ay wala paring malay. Tumingin sa akin si Jake at ngumiti, '' Salamat, Ero. Niligtas mo na naman bestfriend ko. '' tumango na lang ako bilang sagot ko sa sinabi niya.
Tahimik akong lumabas ng kwarto, at chineck ang buong school. Talong oras na ang nakakalipas simula nung umatake ang taga Dark Kingdom dito sa Light Divine Academy. Pina-uwi na sa kanilang mga dorm ang mga estudyante at nagpakalat ng maraming mga kawal na magsisilbing bantay sa mga estudyante. Pina-iwan naman kaming mga Royals, kasama ang mga ibang grupo na kilala rin sa pakikipaglaban para sa isang meeting.
Dalawang oras na rin ang nakakalipas simula nung mawalan ng malay si Eria. At hindi parin ito nagkakamalay sa ngayon.
Pagkatapos ko i-check ang buong school ay dumeretso ako sa aking silid at humiga sa aking kama. Hindi ko makalimutan ang boses ni Eria, para ba naka-save ito sa utak ko dahil patuloy ko parin itong naririnig.
Ero..
Eria, ano ba ang ginagawa mo sa akin?
ERIA DAPHNE POINT OF VIEW
Feeling ko sobrang fresh ko ngayon, parang ang dami kong energy ngayong araw. Mag-iinat na sana ako ng naramdaman ko ang pag-crack at sakit sa katawan. Hindi naman ako siguro halatang tumatanda diba dahil sa crack?
Feeling ko rin parang dinaganan ako ng isang sumo wrestler sa sobrang sakit ng katawan ko. Dinaig ko pa ata ang mga wrestler sa sakit.
'' Woh! Tanggalin niyo ang sakit ng katawan ko! '' sigaw ko habang nakapikit parin. Umupo at nag-susuntok-suntok sa hangin.
'' Eria? '' onti-onti kong dinilat ang mata ko, at dun ko narealize na wala ako sa room ko kung hindi nasa may clinic ako. Napasigaw ako ng makita ko na nandito lahat ng Royals at nakatingin sila sa akin.
BINABASA MO ANG
Celestial Princess
Fantasy'' She will come and she will rule her own kingdom. And when the right time comes she will sacrifice her own life and will rise again this time more powerful than ever...." Start: October 14, 2015 End: October 02, 2017