Chapter 73

2.1K 43 3
                                    


" Spell book? Pero.... "

Tumakbo sa harap ni Wendy si Veia. Hinawakan niya ito sa balikat. " Wendy, please. Try it. Walang mawawala. For them, sa mga kaibigan natin. Hindi natin pwede hayaan sila. Or else, we'll die. "

Napaiwas ng tingin si Wendy, pero hanggang sa tumango siya. Sana maging okay siya.

" Be ready, Eria. " naglabas na siya ng water slicer sa kanyang kamay.

Pumikit ako, at pinakiramdaman ang mga puno. Ginagawa ko ang ginawa ni Lia. Pinababanggon ko ang mga warriors.

Pagkadilat ko, alam kong nagiba ang kulay ng mata ko. " Sugod mga warriors! " sigaw ko.

Ako naman tumakbo sa kabilang side, kasama ang apat na warrior sa gilid ko para protektahan ako.

Pinagdikit ko naman ang mga kamay ko, at tumingin sa tatlong tao. At pinipilit kong kontrolin sila, hanggang sa nakontrol ko sila. " W-what the? Ano nangyayare! " hindi sila makapaniwala dahil gumagalaw ang katawan nila.

Hinarap ko sa likod ko ang kamay ko at tinamaan sila ng water slicer. " We told you, ayaw naming makipagaway. Pero pinilit mo kami, Dew. "

Tumingin ako kay Veia, oh men. " Aqua le voir. "

" Eria, yuko! " pagkasigaw ni Hera, yumuko ako, at sumaktong sa mga kalaban tumama ang water bomb.

" Veia, don't use some dangerous spells! H'wag natin sila saktan na parang papatayin na natin sila. "

I saw how Veia clenched her fists. " I don't give a damn care. "

" Veia! " sigaw ko ng nagpaulan siya ng mga matutusok na ice. Ginamit ko ang tinuro ni Iven sa akin na shield.

" Veia, kumalma ka! " geez, paano ko mapapakalma si Veia.

" Wendy, do something! " may halong pagmamakaawa sa boses ko.

Nakita kong sumugod na rin ang mga tree warriors na nasa tabi ko. Nag form ako ng isang archery gamit ang ice.

Pinatamaan ko ang mga kalaman. But, I make sure na hindi sila mamamatay. " Eria, what are you doing! Kapag hindi natin sila papatayin, paano na sila Ero, Iven, Nick, at si Hera! "

Napayuko ako. " Oo, kailangan natin silang iligtas. But, nakakalimutan mo bang kung ano tayo? Namali ang pagkakaintindi nila, at hindi natin sila dapat patayin. Pakiusapan natin sila. Hindi laban at patayan ang solusyon. " sabi ko sa kanya.

Hindi niya ako sinagot. Pumunta ako ng dahan dahan sa harap ni Dew. " D-dew. Please, nagmamakaawa ako. Padaanin mo lang kami. Wala kaming gagawin. Sisiguraduhin kong hindi kayo mamatay. Just let me and my friends go. Please. "

Sabi ko na may halong pagmamakaawa.

" O sige, sa isang kondisyon. "

" ano yun? "

" papatayin muna kita. " sabay asinta ng isang archer at yung arrow is not an arrow, isa yung air na binuo na kapag tinusok iyon sa iyo ay may 50:50 chance na mabubuhay at mamamatay ka.

Pinalibutan ko ang surroundings ko kung saan sila Wendy, Cayl, at si Veia ng isang shield.

" Wendy, do something. " sabi ko habang pinipilit kong pinapalakas ang shield.

" I don't know, Eria. I can't do this. " pati ako nalilito na rin. D ko na alam.

God, help us.



Napayuko ako habang hawak ko ang shield. Nanghihhina, masyadong malakas ang mga tinitira nila. Its not just an archer. Malakas na malakas ang gnamit nilang power.

Dew really wants me to die, but why?

Lumingon ako kay Veia. Nakatalikod siya, at finorm na niya sarili niya ng isang tubig.

" Veia! " naramdaman kong napatigil siya sa boses ni Iven. " Don't let them.... Na talunin ka lang basta basta! We're strong, right? "

Sa sobrang hina ko, nabitawan ko at nabasag ang shield. Hinarang ko ang kamay ko sa katawan ko, dahil sa mga basag ng shield.

Nakahiga ako sa lapag. This is me. Mahina na na naman ako.

No, I need to stand up....

Pinilit kong tumayo,

Pero, hindi na kinaya ng katawan ko sa sobrang dami ng sugat na natamo ko.

" VEIA! " huling sigaw na narinig ko galing sa mga kasamahan ko.

Naramdaman ko pa ang katawan ni Wendy sa akin. " Eriaaa. "

Lame update.

Celestial PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon