Ngayon alam niyo na kung sino ba talaga si Elvon John. :))
Eria's Point of View
Nalulungkot ako sa nangyayari sa aming dalawa ni Nick. Hindi ko naman ginusto na mag-bitaw ng gan'ong salita sa kanya, lalo na kaibigan ko siya. Kahit kailang hindi ako nag-bibitaw ng masasama o masasakit na salita na makakatagos sa mga puso nito.
Inaamin ko na nag-aaway talaga kami ng kaibigan ko na si Jake, maski na rin sila Hera at Ero, pero kahit kailan hindi gan'on katagos ang mga sinasabi namin. Kahit hindi ko alam kung ano ang nangyari after ko masabi sa kanya iyon, feeling ko nasaktan ko siya.
Kelan ba matatapos ang gulong ito? Ang gusto ko lang ay ang mag-tulungan kami na matapos ang dapat matapos, para wala ng buhay ang nasasayang. Kailangan naming magtulungan, kung gusto namin na bumalik sa dati ang buhay ng bayan na ito.
Napa-buntong hininga na lang ako, habang nakatingin sa ulap na punong-puno ng mga bituin. Isang luha ang lumabas sa aking mga mata. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Ba't kailangan umabot pa sa puntong ganito?
Dati, nadadala lang ako sa mga nababasa kong libro. Hindi ko alam na ganito pala kabigat at kahirap ang nangyayari kapag ako na ang nasa posisyon. Naaalala ko na hinihiling ko na magkaroon ako ng powers para matulungan ko ang mga tao.
Pero, nandito ako ngayon. Hindi ko alam ang gagawin, napupuno ako ng takot at pangamba sa mga pwedeng mangyari. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, hindi ko ito maintindihan. Mabigat ito sa aking pakiramdam.
Naramdaman ko na may lumitaw sa gilid ko, nakita ko ang mga mukha nila Meira at Miran. '' Mahal na prinsesa... '' tawag nilang dalawa sa akin.
Totoo nga ang mga sinasabi ng iba na mararamdaman ng iyong mga guardian fairy ang iyong nararamdaman. Iisa lang ang pakiramdam namin.
Umupo ako, at humarap sa kanila. Ngumiti ako, para malaman nila na ayos lang ako. '' Ayos lang ako, wag niyo ako alalahanin, okay ba yun? ''
Lumapit sa akin si Meira at hinawakan ang pisngi ko. Nakita ko na umiiyak na ito, '' P-pero iisa ang ating mga nararamdaman. Alam kong nahihirapan ka na, mahal na prinsesa. ''
Hinawakan ko ang maliit nitong kamay na halos sobrang liit talaga. Ngumiti ako. '' Oo, nahihirapan na ako. Hirap na hirap na ako, dahil kahit anong tulong pa ang ibigay nila sa akin, ako na lang talaga. Pero, kailangan ko magpalakas at maging matatag, diba? '' tumingin naman ako kay Miran at ngumiti, '' Diba, walang mahina sa atin? '' dugtong ko pa.
Ngumiti ang dalawa at tumango. '' Pero, tandaan niyo... Hindi mo kailangan ipakita na malakas ka para magmukha kang okay sa harap ng iba. Minsan kailangan mo ito ipakita. ''
Napapikit naman kami ng may liwanag na pumalibot sa aming tatlo. Sobrang liwanag, hanggang sa nakita ko na isa-isa lumitaw ang mga zodiacs ko na naka-paikot sa aming tatlo. At lumitaw sa harap ko ang dalawang guardians ko, kasama si Luna.
'' L-luna? A-ano nangyayari? '' ngumiti ito sa akin, hanggang naiba ang lugar. Pinakita nito ang mga paghihirap ko bilang isang normal o ordinaryo noon. Naiiyak ako sa lahat ng nakikita ko.
'' Nakikita mo ito, ito ang iyong ipinapakita hindi lang sa amin, hindi lang sa mga taong umaasa sayo, kundi sa mga taong alam na malakas at kaya mo. Eria, tama ka, hindi mo kailangan ipakita sa iba na malakas ka, sapagkat mas maganda na ipakita mo ang iyong kakayanan, kung ano ka noon at ngayon. ''
Napatingin na naman ako nung nililigtas ako ng mga Royals sa kapahamakan. '' At ang pagiging mahina ay parte ng ating buhay. Mortal ka man o hindi, kahit ang mga may kapangyarihan ay naipapakita din ang kanilang pagiging mahina. Hindi purkit na may dugong-bughaw ka ay kailangan mo na malakas, sapagkat maging matatag ka kung ano ang mangyayari, ngayon, o sa hinaharap. ''
Napatingin naman ako kay Luna, hinawakan nito ang pisngi ko. '' At ang pagiging isang kalahating dyosa ay hindi kailangan ipakita na malakas. Marami ka pa mapagdadaanan, Eria. Pero dalawa lang ang iyong pagpipilian, susuko ka? o lalaban. ''
Napatingin naman ako sa mga zodiacs na naka-paikot sa amin, mag-sasalita sana ako ng mawala na sila Luna at mga guardians sa harap ko. Ngumiti ako at pumikit.
Nakikita ko kung paano ako nag-simula. Alam ko na ano ang kailangan kong gawin. Kasabay ng aking pag-dilat ang aking pag-ngiti, '' Lalaban ako. ''
Third Point of View
'' Lalaban ako. ''
Kasabay niyang pag-sabi non ay nag-teleport ito sa loob ng Palasyo. Nagulat ang mga kawal sa pag-litaw ng prinsesa sa harap nila, nagsi-yukuan agad sila.
Napanganga ang mga kawal sa nakikita nila, nag-iba ang kulay ng buhok nito. Naging isang magandang blonde na buhok na halos kumikintab pa na bumabagay sa maputi nitong kulay na balat.
'' Gumawa pa kayo ng mga armas at magpalakas. Magpatulong kayo sa mga witch para sa inyong magiging bagong armas. ''
'' Magpatulong kayo sa mga marurunong gumawa ng armor, gumawa kayo ng matibay. Mas kakailanganin niyo iyon para sa nalalapit na digmaan. ''
'' Seryosohin na ang pag-sasanay bukas, kasama niyo na ang mas nakatataas sa inyo. Mag-offer na rin kayo na sumama sa pagsasanay sa mga nag-volunteer. Maliwanag ba? ''
'' MALIWANAG PO, MAHAL NA PRINSESA! '' agad agad silang nag-sikilos, at napatingin naman siya sa malaking frame na may magandang ngiti ng kanyang magulang.
Maghintay lang kayo. Malapit ko na kayo makapiling. Hindi na ako magpapadown pa sa lahat.
--
LAME UPDATE :((
BINABASA MO ANG
Celestial Princess
Fantasy'' She will come and she will rule her own kingdom. And when the right time comes she will sacrifice her own life and will rise again this time more powerful than ever...." Start: October 14, 2015 End: October 02, 2017