DARK KING POINT OF VIEW
( ANO AKALA MO HA! BIBIGYAN KITA POINT OF VIEW BAGO KA MAWALA. YOU QIQIL ME AH! NAKOOO. HAHAHAHAHA! * EVIL LAUGH *)
'' HINDI MAAARI! MGA MAHIHINA, LUMAYAS KAYO SA HARAPAN KO! '' sigaw ko sa mga mahihina kong mga alagad.
Hinding-hindi ako makakapayag na manalo ang panig nila. Dapat ako ang mag-hari sa buong mundo! Dapat ako ang maging malakas.
Para magawa ko iyon, dapat maipasa sa akin o mapatay ko ang Celestial Princess at ang pamilya neto, upang mapunta sa akin ang kapangyarihan nito.
Hindi ako makakapayag, ito na ang pagkakataon ko na pati mundo ng mga tao ay makuha ko! Hinding-hindi!
'' Master. '' tawag sa akin ni Elvon, ang pinaka masipag kong alagad.
'' Ayusin mo ang iyong trabaho, Elvon! Ayoko matalo, hinding-hindi ako tatanggap ng pagkatalo, ito ang tatandaan mo! Kundi hindi mo na makikita pa ang pamilya mo! ''
Yumuko ito, '' Masusunod po, Master. ''
--
Veia Point of View
Napag-isipan ko muna na mag-pahinga at pumunta malapit sa batis para makapag-isip-isip.
Pagkarating ko sa may batis ay agad akong humiga sa lupa at tumingin sa langit. Ngumiti ako at gumawa ng kung ano-anong itsura gamit ang aking kapangyarihan.
Napatigil ako nung nag-form ang mga tubig, mukha ni Iven ang lumitaw.
Pagkatapos nung huling pangyayari, hindi na muli kami nag-usap. Dahil wala naman na talaga dapat pag-usapan pa. I just... hay.. Hindi ko rin maiwasan na mamiss siya.
Hindi ko parin makalimutan ang feelings ko kay Iven. Siya parin.. ang tinitibok ng puso ko. Siya nga ang tinitibok ng puso ko, pero siya ba? ako rin ba ang tinitibok ng puso niya?
Napa-buntong hininga na lang ako, kung kelan malapit na ang laban, dun pa kami hindi nag-uusap. Maayos na ang lahat, dapat maayos na rin kaming dalawa.
Sinabunutan ko sarili ko, '' Aaah! Nababaliw ka na Veia. Stop stoppp! '' sigaw ko sa sarili ko. Nag-mumukha akong tanga dito. Kausap ang sarili ko, hay.
'' Ayos ka lang? '' Napatayo naman bigla ng narinig ko boses niya. Bakit andito siya?!
'' A-ah.. yeah, I'm fine. '' ngumiti ito. Napa-atras naman ako ng bigla siyang nag-lakad papalapi sa akin. '' B-bat ka lumalapit ha? Lumayo ka nga! ''
Myghad, hindi mapigilan ng puso ko tumibok. Stop na, ayaw ko na masaktan pa. Please.
Pero nagulat ako nung tumigil siya, mismo sa harap ko at lumuhod. '' I-I'm s-sorry, Veia. Sorry is not enough after nung mga nangyari. I'm sorry, hindi ko masuklian ang pagmamahal mo. Noon, hindi ko kaya, dahil natatakot ako.
Ngayon, kaya ko na ipaglaban ang pagmamahal ko sa iyo, Veia. Kaya na kita ipag-laban. Ikaw na ang tinitibok ng puso ko, sana ako ang tinitibok ng puso. ''
Napanga-nga ako. Naramdaman ko na lang na may tumulong luha sa mata ko, '' I-Iven.... ''
Lumuhod ako at tinakpan ng dalawang kamay ko ang mukha ko na punong-puno ng luha. '' Nakakainis ka naman e! '' naiinis kong sambit sa kanya.
Naramdaman ko ang kamay niya na humawak sa kamay ko, ramdam ko din ang presensya niya sa akin. '' I'm sorry, Veia. '' Niyakap ko siya ng sobrang higpit.
'' Okay na iyon. Tapos na iyon. '' bumitaw ako sa kanya at binigyan siya ng matamis na ngiti at biglang napalit ng sama ng tingin. '' Kung kelan nalalapit na ang laban, dun ka pa lang lalapit. '' natatawa kong sabi sa kanya.
'' Baka mamaya, mamatay ako, kung kelan na ayos na tayo. '' natatawa ko pang dugtong.
'' No.. Hindi ka mamatay... Wala rin makakapag-hiwalay sa atin. '' ngumiti ako. '
'' Gaya-gaya ka ah? Kanyang-kanya na originality tayo, Iven. Wag mo gayahin sila Ero! ''
'' To infinity and beyond, Veia. '' natatawa nitong sagot sa akin.
Ngumiti ako, at pinagdikit ang mga kamay namin. '' To infinity and beyond din, Iven. ''
'' Veia, I'm here with you... forever... ''
'' Iven-sama..... ''
forever....
BINABASA MO ANG
Celestial Princess
Fantasy'' She will come and she will rule her own kingdom. And when the right time comes she will sacrifice her own life and will rise again this time more powerful than ever...." Start: October 14, 2015 End: October 02, 2017