Chapter 12

12.1K 343 3
                                        

Lia Jane Point of View


Ang sakit ng tiyan ko katatawa. Bwisit na Miran at Meira. Naluluha sila kanina pero mamaya tumawa na rin sila. Mga baliw talaga!


Ally Veia Point of View


Lumabas muna ako since yung room kanina ay may tapat na garden. Umupo ako sa may bench na may malapit sa tubig.

Naglalaro lang ako ng tubig na naging yelo ito. Napatingin ako sa likod ko. " Iven.. "


" Hey, bakit ka nag iisa dito? Dumidilim pa naman. Delikado pa. " after niya sabihin yun, gumawa ako ng strong shield para sa amin.


" Better? " sabi ko sa kaniya, masyadong awkward or naiilang ako sa kanya. Kasi yung make his heart grow. Nakakahiya yun! Nakaready yun if patay na ako. Pero wala eh. I thought na tuluyan na. Jusko!


" Yeah. " Naglalaro lang ako ng tubig gamit ang isang kamay. Gumagawa ako ng rose. Nung tapos na naging yelo. Nakasimangot at nakapout ako tumingin ako sa kaniya, " Why did you do that? "


" Collection? Ayaw mo nun? Yung pinaghirapan mong gawin maididisplay mo. " Napaisip ako. At hindi ko alam kung kaya ko bang itanong ito sa kaniya.


" Iven? " I called him. Jusko sana kaya ko!


" hmm? "


" Bakit ang bait mo sa akin Ngayon? Kung naaa--" Hindi niya ako pinatapos. Grabe itong lalaking ito.


" If you think that I pity you. Well, it's not. It's just.... Gusto ko lang? " nadissppointed ako sa huli kala ko kung ano na.


" Oh? Really? Should I say Thank you? " He nod while laughing. " Then Thank you. Babalik na ako sa loob, matutulog na ako. Hindi matatanggal ang Shield sa iyo habang wala ka sa loob ng dorm ha? Naka strong shield na din ang dorm so no need to worry. Bye. " medyo parang di ko nagustuhan kasi parang may iniintay ako sa kaniya na sabihin.


Pagkapasok ko, " Veia, nan diyan ka pala! Halika, inom tayo! " lasing na lasing na si Nick. " No thanks. Kailangan ko magpahinga. "


Ano ba ang gusto ko marinig kay Iven? Bakit ganito ako? Aish! Makapag pahinga na nga lang.


Iven Joi Point of View


Ano bang nangyayari kay Veia? Bakit parang gusto niya ako iwasan? Ano ba ginawa ko. Eh halos wala naman?


'' Uy, lalim ng iniisip mo huh? '' sabi ni apoy. Kilalang-kilala niya talaga ako. Kahit puro away kami nung mga bata kami hanggang ngayon. Hindi pa rin niya ako iniiwan. Urrgh. Iven, so gay!


'' Nan dito pala kayo. Hinahanap ko kayo e. Pinasok ko muna sila Eria at Ilene. Lasing na lasing si Ilene. Si Eria, konti lang. Hay nako! '' Mga babae talaga. Mabuti hindi nalasing yung mga yun. Si Nick, nako! Mas malakas pa yun uminom. 


'' Ah okay naman si Eria? Nakatulog na ba ng maayos? ''  tanong ni apoy kay Jake. Tumawa naman si Jake at inaasar si apoy.


'' Pfft. Ikaw ah? May gusto ka ba sa bestfriend ko? Nakuu! Grumaduate ka muna sa Torpe University, pre! '' Tawa na naman si Jake. Ako din napatawa din sa sinabi ni Jake! HAHAHA. Ang totoo, hindi pa nainlove si apoy. I mean, may nagustuhan siya kaso di siya makaamin, nakakahiya daw. Kaya start nun, nasa Torpe University parin siya hanggang ngayon. 


'' Tigilan mo, Jake. Kung ayaw mo sunugin kita. At ikaw nyebe! Anong tinatawa-tawa mo diyan? Gusto mong-- '' Pinutol ko agad siya. Tch. Alam ko naman din ang sasabihin niya.


'' Kung gusto ko masunog at di na maabutan ng araw bukas? Gusto ko pa, Pre. Wag ka mag-alala, sasabihin ko sa iyo kapag gusto ko na. Pfft! ''  Tawa ule kami ni Jake. Siya naman nag-aapoy na. Eh, Naglagay na ako ng Ice Shield na hindi matutunaw at masisira kahit apoy pa iyan. 


'' Onga pala, Iven. Ano nangyari sa inyo ni Veia? Start nung pagka-uwi di na kayo nakakapagusap. I mean, d na siya yung dati na lapit ng lapit. '' Yeah, napansin ko din. Bakit ganun? Parang namimiss ko? 


Napatahimik ako, '' Sa totoo niyan, hindi ko rin alam. Parang may gusto siya ipahiwatik na ewan. Aish! Makapag pahinga na nga lang. '' 


Sumabay na sila sa akin pumasok. Kasi may shield daw ako, baka daw may manakit sa kanila. Sayang, kagwapuhan daw. Mga abno talaga.


--- KINAUMAGAHAN---


Third Point of View


Gumising ang iba na merong hangover. Mas lalo na si Nick. Si Wendy naman, hiniheal sila para mawala yung hang over at yung sakit ng ulo. Si Jake, nag timpla ng kape para sa kanilang lahat. Hindi lang din pala mga babae ang nag inuman, may dalawang lalaki din. Sila Alvin at Mike.


'' Ano? Masarap ba? Mag-timpla kayo ng kape niyo. Sabi namin bantayan niyo mga babae, di namin aakalain na kayo din uminom. '' sermon ni Jake sa kanila. Syempre, concern siya sa mga comrades niya, pati sa bestfriend at girlfriend niya. 


'' Oy, Jake! Pag timpla mo na kami. Sorry na, di na namin uulitin! '' Pakiusap ni Alvin. 


Napa-'tsk' na lang si Veia na nakasandal sa wall. Napatingin sa kanya sila Alvin at Mike. Pati si Iven.


'' Ano kayo? Boss nila? Tumayo kayo! '' sa sobrang takot kay Veia dahil may tubig na kamay, tumayo ang dalawa. '' Mag timpla kayo ng sarili niyong kape dun! '' Di pa umaalis yung dalawa parang nagiisip pa. '' BILIS! ''  Sa sobrang gulat takbo sila hanggang sa nadapa ang isa. 


Tinanggal niya na yung tubig sa kamay niya, nang nakita niya nakatingin sa kanya sila Ero at Jake. '' What? '' 


'' Ah e, wala. Hehe. Ang ganda mo pala Veia. ''  Sumaya naman ang mood ng dalaga. 


'' Ano ka ba, Ero? Veia already know that. Pfft. ''  


At least sumaya ang dalaga kahit alam nilang may problema sila ng binata na si Iven. Yun na lang ang importante sa dalawa. 




Celestial PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon