Eria Daphne Point of View
Aish, ang kulit ng pangit na abno na unggoy na pinaglihi sa oranggutan na ito! Asaran ba naman ako ni Jake, na papanget na daw ako simula mamayang gabi. Geez, tatawagin ko na si Madam Auring, ipapahula ko ano mangyayari din mamayang gabi kay Jake.
'' Hala, bes! nagsisimula na! hala ka! '' asar na naman ni Jake. Pasalamat siya, wala ang ibang Royals pati si Ilene. Kundi bugbog sarado ka na sa kanya, Jake!
Mabuti, tulog sila Hera at Pru. Kundi isa pa itong dalawang ito. Ang aasarin ako. Natawa ako habang tinitignan silang dalawa. Parehas ang suot, tas may pagkain pa sa bibig si Hera. Parehas silang nakanganga.
'' Is that a real smile? '' tanong ni Jake sa akin. Kaya napatingin ako sa kanya at tumango at ngumiti. '' Nako, Eria. Simula bata, magkasama na tayo. Are you really okay? '' Tumingin ako kay Jake at yumakap.
Napaiyak ule ako, habang naaalala ko ang mga ginagawa ni Ero. '' Jake, I'm sorry. Hindi parin ako okay. Akala ko okay na, siguro dahil hindi ko siya nakita. Pero sariwa parin pala. '' Iyak ko sa kanya.
Niyakap naman niya ako ng walang halong malisya. '' Hindi lahat ng akala, tama. Minsan dahil sa akala na iyon, ito pa yung bagay na makakasakit sa akin ng habang buhay. '' Bumitaw ako sa yakap at pinunas ang luha. At ngumiti.
'' Hahaha, okay na yun. Bumalik naman ako dito, para sa bayan na ito. Para sa mga tao kailangan kong tulungan, Jake. '' ngumiti.
'' Kaya ko parin ipakita na iba ako, pero hindi parin magbabago ang sakit na ipinadama niya sa akin, Jake. Hinding-hindi mawawala iyon. '' sabi ko sa kanya.
'' Aja! Kaya mo iyan, yun ang alam ko na kaya mong gawin din, Eria. '' ngumiti ako sa kanya, pero sinabunutan ko parin siya.
'' Ayan, dahil sa pangaasar sa akin. Ayan, pinag-aalala mo sila Tita. Pinaglihi ka talaga sa oranggutan, bwisit ka! ''
'' Aaaarraay koooo poooohh! '' sigaw ni Jake. Ang lakas ng sigaw, jusko. Masisira na ata ang ear drum ko!
Naramdaman kong tumatakbo na ang ibang Royals, '' ANONG NANGYAYARI DITO?! '' malakas din nilang sabi.
Kami naman ni Jake, napatumba sa upuan kaya nakakiss kami sa sahig.
'' Ileeeennneee! Si Jake, pinaglihi sa oranggutan! '' Takbo ko agad kay Ilene.
'' Ileennnneee! Si Eria, papangit na mamayang gabi! '' Takbo ni Jake kay Ilene.
'' Hindi kaya ako papangit! '' sabi ko sa kanya
'' Oo kaya. ''
'' ORANGGUTAN! ''
'' PANGIT! ''
'' ORANGGUTAN! ''
BINABASA MO ANG
Celestial Princess
خيال (فانتازيا)'' She will come and she will rule her own kingdom. And when the right time comes she will sacrifice her own life and will rise again this time more powerful than ever...." Start: October 14, 2015 End: October 02, 2017