Chapter 100

2.8K 33 0
                                    



Eria's Point of View




Matalim ang tingin ko sa isang itim na bagay habang lumilipad sa ere patungo sa palasyo. I bet ang Dark King na iyan.





Eria, asan ka?!





Napatingin agad ako sa paligid ng marinig ko ang boses nila Ero, at Jake.



I'm fine! Papunta ako sa palasyo. Tama si Jake! Dun nya ako hihintayin!





No, Eria! Wag ka pupunta dun ng mag isa!





Ero, we have no choice.





Sasama ako sayo, Eria..





Huminga ako ng malalim, bago tumakbo ulit papunta sa loob ng palasyo. Nagulat ako nang may lumitaw dun sa itim, kaya agad ako nag-tago sa dilim sa ilalim ng tulay

.

" Bat ka nandito? " napatalon ako bigla ng marinig ko ang boses ni Ero. " Ero! Bat ka nanggugulat?! "



Dahan-dahan ako sumilip, nakita ko na nagpatuloy na ito pumunta ng palasyo. Hinatak ako ni Ero papasok sa isang pinto sa ilalim ng tulay, nang makakita kami ng iilang halimaw na tumatakbo patungong palasyo.



Habang naririnig namin ang malalakas na yabag ng mga halimaw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Habang naririnig namin ang malalakas na yabag ng mga halimaw. Napa-yuko ako at napaiyak ng tahimik.


Dahan-dahan lumingon sa akin si Ero. " E-eria.. "



" Ito na yung huli... Huling magulong laban sa panig ng dilim at liwanag. . Natatakot ako may mawala isa sa atin at sa mga kaibigan natin, Ero. "


Lumapit ito at hinawakan ang kamay ko ng mahigpit. " Walang makakapaghiwalay sa atin, Eria. Iyan ang tatandaan mo, naiintindihan mo ba ako? "



Tumango ako.



" Wala makakapaghiwalay sa atin. " niyakap ako ni Ero ng tahimik, habang hinihintay namin maubos ang mga halimaw na tumatakbo.



Nang wala na kaming marinig. Ginawa naming invisible ang katawan anmin at agad kaming tumakbo papunta sa palasyo. It's now and never!



Nang nasa loob kami ng palasyo, agad kami naging alerto. Napakapit kaming dalawa sa isa't-isa ng biglan yumanig yung sahig.


Tumingin ako sa paligid, ngunit wala namang tao kundi kami lang dalawa.



" HAHAHAHAHA " napalaki ang mga mata ko ng narinig ko ang tawa niya.


Celestial PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon