Di ko na kayo ramdam. Huhuhuhu! Pero, mag uupdate parin ako para sa inyong lahat.
--
Third Point of View
Pagkatapos sabihin ng pusang si Hera ang mga iyon, ay nawalan ng malay ito. Pati ang mga Royals, pagkagising nilang lahat ay nasa Clinic na sila.
'' Gising na pala kayong tatlo, Ilene, Lia at Brielle. '' masayang bati ng nurse sa kanilang tatlo. Ngumiti na lang sila ng medyo.
'' Masaya ako, kasi makikita niyo na siya. '' nagtatakang tumingin ang tatlo sa nurse. '' Nakikita ko ang mga mangyayari ngayon at sa hinaharap. '' ngumiti sila ulit. Hinawakan nila ang mga ulo nila at iniisip ang mga nangyari bakit sila nandito.
'' Mga prinsesa, ay. Uhm, Princess, Ilene, Lia and Brielle. Kailangan po natin pumunta sa palasyo. '' nagtinginan silang tatlo at tumakbo papunta sa palasyo at iniwan ang ibang Royals.
Nagmamadaling binuksan nila ang pintuan ng palasyo at pumunta sa kaibigan nila. '' Eria? '' tawag nilang tatlo sa dalaga.
Pero, gumalaw lang ang ulo at ang katawan nito. Hindi maiwasan ng tatlo ang maluha. Mas lalo silang napaluha nang madilat nito ang kanyang mga mata.
'' Eria! '' sigaw ng tatlo at niyakap ang kaibigan nila. '' Ilene.. Lia... Brielle... '' sabi ng dalaga.
Nag-siiyakan silang lahat. Narinig nilang bumukas ang pinto at hindi na sila nagulat na ang pumasok ay ang ibang Royals.
Pero napatigil sila sa isang maliit na snowman,
Eria Daphne Point of View
Napalaki ang mga mata nila, ng makita nila sa gilid ko or likod ko ang isang maliit na snowman. Siya si Pru.
'' S-sino iyan? '' tanong ni Hera. Hinila ko si Pru para lumabas siya. Mahiyain kasi, pero makulit. '' Ah, siya si Pru. Nung wala ako dito, siya ang nagbabantay sa soul ko. Pero ngayon na buhay ako, sumama siya.
'' Ahh. '' Kinuha nila si Pru, at niyakap. Inistretch ni Pru ang kamay niya paharap sa akin, parang sinasabing, kunin ko na siya sa kanila.
'' Asan si Ero? '' napatigil silang lahat.
'' Uhm, b-busy lang. '' sabi nilang lahat. Napatango naman ako. Miss ko na siya. Siguro nahirapan siya nung wala ako.
Tumayo ako, nang ikinagulat nila. Humarap ako sa kanila ng masayang-masaya. '' Pru, halika. Pupuntahan lang namin si Ero. Miss ko na siya eh! '' talon-talon ko pang sabi sa kanila.
Parang namutla naman sila. '' Bakit kayo namumutla? '' tanong ko sa kanilang lahat.

BINABASA MO ANG
Celestial Princess
Fantasy'' She will come and she will rule her own kingdom. And when the right time comes she will sacrifice her own life and will rise again this time more powerful than ever...." Start: October 14, 2015 End: October 02, 2017