Chapter 58

3.8K 113 2
                                    


Update na ule! Na-miss ko kayong lahat! So, musta na? Hahaha! Sorry, dahil ngayon lang ako makakapag-update. And nababasa ko mga comment nyo ah! Sorry sa pagiintay. 

'So, let's start?


:)

--



Eria Daphne Warlock Point of View


2 weeks, pagkatapos ng panibagong laban sa isang dragon. Natapos din namin, maraming napinsala. Lalo na sa square, kung saan maraming mga namamasyal na mga bata tuwing hapon.


Maraming bahay ang nasira, kaya ang mga nasiraan ay nakatira sa isang parte ng Light Divine Academy pansamantala. 


Pero, nagpapasalamat parin kami dahil walang namatay. 


Ngayon, inaayos namin ng mga Royals ang mga nasirang bahay. Para, makabalik sa dating pamumuhay ang mga nakatira.


'' Ate. ''  napalingon ako sa batang tumawag sa akin. Yung batang umiiyak nun.


'' Oh, bakit ka andito? Dapat nan dun ka sa mama mo ah? '' sabi ko sa kanya.


'' Gumawa po kasi si mama ng bracelet, at ipinabibigay niya po ito sa inyo. Pasasalamat daw po sa ginawa niyo sa akin. '' ginulo ko na lang ang buhok niya at niyakap siya.


'' Salamat, pakisabi din sa mama mo, salamat. Next time, hahawak ka lang kay mama ah? '' paalala ko sa kanya. Tumango ito, at tumakbo pabalik sa mama niya.


Habang sinusundan ko ng tingin yung bata, palayo. Napatalon ako sa gulat.


Tinignan ko kung sino ang nanggulat sa akin, si Jake. Pinalo ko siya ng maraming beses, bwisit talaga ang unggoy na ito.


'' Ikaw, oranggutan ka! Pababalikin kita sa zoo! Bwisit ka! ''  


'' Malayong nakatingin sa kawalan~~ ''  kanta naman nito. Tinanggal ko sapatos ko at binato sa pagmumukha niya at sapul nga.


'' Aray ko ah?! '' sigaw niya sa akin.


Nag-behlat ako sa kanya. 


Nakita naman namin lumapit sila Ilene at Ero sa amin, '' Nako, nag-aaway na naman kayong dalawa ah? '' nakangiting sabi ni Ilene sa aming dalawa.


Tinuro naman ako ni Jake, at gan'on din ang ginawa ko sa kanya. ''  Anong ako ang nagsimula na naman, Jake! '' sigaw ko sa kanya. Nag-behlat naman siya sa akin.


Akmang susuntukin ko ng naglagay siya ng lightning sa kamay niya. At once na mahawakan mo iyon, para ka nang natamaan ng kidlat pag umuulan. Jusko! 


Naramdaman ko naman na minamasahe ni Ero ang balikat ko, '' Kalma lang! '' sabi niya sa akin habang nakangiti. Ngumuso naman ako, '' Naka-kalma naman ako ah? '' 


Ngumiti lang siya, tas mamaya nakita ko na nakanguso siya. '' Wala ba akong kiss? '' sabi niya. Naramdaman ko naman na uminit ang paligid ko. Naaalala ko na naman ang panaginip na nag-kiss kami. 


Saktong nakita ko na palapit sa amin sila Iven at Veia. ''  Veia, pabasa nga ng mukha ko. Parang ang init? '' tanong ko sa kanya. Binasa naman niya mukha ko ng konti. '' Paano ka 'di makakaramdam ng init, eh namumula nga pisngi mo eh! '' sabi ni Veia.


Nilakihan ko naman siya ng mata, jusko kang babae ka! Mas naramdaman ko na uminit ang paligid ko. '' Bakit hindi ka makatingin kay Ero, Eria? '' tanong ni Iven sa akin.


Walang hiya kayo! Mga mabubuti nga talaga kayong kaibigan. Hindi niyo naiisip na kinikilig-este nahihirapan ako. Waaah! 


Nakita ko naman hinarap ako ni Ero sa kanya, at mas lalong namula mukha ko. Letseng lalaking apoy na ito! '' Hahahhaa! Nakakatawa ka, Eria! '' tawa naman nito.


'' Awwe, sana ganyan din kami ni Iven-sama. ''  Nag-form naman ng puso ang mga mata ni Veia. Ngumiti naman si Iven. Tumigil naman si Ero sa kakatawa.


'' Woah! Nag-iba si Iven! Wooooh! '' Pumunta naman si Ero kay Iven at inakbayan ito. '' Magpapa-party na ba ako, bro? '' tanong ni Ero kay Iven. Sinapak naman ni Iven si Ero, '' Gusto mo ng ganitong party mamaya? '' sabay pakita ng kamao niya.


'' Haha, boys are still boys, isn't it? '' sabi ni Veia sa akin. '' Yeah, you're right. ''  nakangiti kong sagot at nakangiting pinanuod namin ang mga boys na nagbabangayan.


Celestial PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon