Ayos ng gawa ko diba? HAHA ang effort ko talaga. Char. Okaaay, dala ng yah know... Crave ko sa potato. Masipag ako mag update before matulog.
Bago magsimula ang Chapter 92. Shoutout ko lang sa kaibigan ko na si Moi~ Thank you kanina, HAHAHA. Dahil request mo na mag-update ako ng kahit 2 chapters or tapusin ko na ito, sige gagawin ko! HAHAHA
And thank you din sa nag-message sa wall ko. I forgot na kung ano yung user e. Thank you sa cover. Sana makita ko na todaaaay. naeexcite na akooo! <3 Thankkk you talagaaa!
ANYWAYYY....
Baasaaaa naaa! Enjoy! Lovelots <3
--
Eria's Point of View
Masaya ako dahil tinanggal na nila Jake yung posas sa kamay ni Ero. Dalawang araw na ang nakakalipas, pero hindi parin ako umaalis kung asan si Ero. Hinding-hindi ako nag-sasawa sa araw na magkasama kami.
Kasalukuyan kaming magkahawak kamay habang nakaupo sa sahig. Tinitignan namin ang mga kamay namin na saktong-sakto sa isa't-isa habang nakangiti. I really love this guy. Hindi talaga magbabago yun.
I really meant it. Mas pipiliin ko na mamatay for him, and sa mga kaibigan ko din.
Kung hindi dahil sa kanilang lahat, wala rin ako dito. Hindi ako magiging si Eria, hindi ko makikilala ang sarili ko, salamat kina Luna.
Pero napatayo kami bigla ng may narinig kaming pagsabog sa kabilang bayan malapit sa palasyo. Tumalon ako at sumilip sa bintana. Nakita ko ang mala-itim na usok na nanggaling sa bayan na iyon.
'' Go, Eria. Kailangan ka don, hihintayin kita dito. Mas kailangan ka din nila don. '' ngumiti ako ng bahagya at tumango. Tumalon ako pababa at nag-madali na tumakbo papunta sa lugar na iyon.
Palapit ng palapit pa lang ako, nakikita ko na nagtatakbuhan ang mga tao. Hinatak ko ang isa sa mga mamamayan dun. '' Mahal na prinsesa! '' umiiyak nitong sabi sa akin at yumuko. Inalalayan ko siya na tumayo.
'' Ano nangyari? Saan nanggaling ang mga pag-sabog? May nakita ba kayo kahina-hinala? '' mahinahon ko lang na sambit sa kanya.
Umiling ito sa akin, '' Wala po ako nakita, mahal na prinsesa. Pero may isang lalaki doon, bago siya mamatay sumisigaw ito na may isang itim na anino daw na nanggaling sa isang bahay. ''
Tumango ako at sabi ko na pumunta sa kabila pang bayan, kung saan sila ay ligtas. Napabuntong-hininga ako. Umaatake na sila, iniisa-isa na nila.
Tumakbo ako malapit sa may usok, nakita ko dun ang mga iba kong kaklase na Water Manipulator para patigilin ang apoy.
'' Eria, ano ginagawa mo dito?! Delikado dito! '' sigaw sa akin ni Lia. Ngumiti ako at sumenyas na ayos lang. '' Kailangan din ako dito, Lia. Hindi ko sila dapat pabayaan, mga mamamayaan ko din sila. '' Tumango ito. Sinamahan ako nito habang tinitignan ang mga bawat bahay na nasunog.

BINABASA MO ANG
Celestial Princess
Fantastik'' She will come and she will rule her own kingdom. And when the right time comes she will sacrifice her own life and will rise again this time more powerful than ever...." Start: October 14, 2015 End: October 02, 2017