Magparamdam naman ang mga readers, pati yung mga nag ppm sa akin :) Yung mga fans ng Eria and Ero love story. Siguro po, yung iba may pasok na :). Ako rin may pasok na next next week na. :( Mamimiss ko kayo.
Kaya update na ako ngayon, para sa mga readers na free at wala pang pasok :)
and P.S Magbibigay ako ng pov nila Brielle at Alvin. Punongpuno yun ng isang chap. at ng ibang members.
Ciao~!
Eria DaphneIlang weeks na ang nakalipas, at patuloy parin kami sa pag tatraining. Patuloy parin kami namumuhay ng payapa sa Celestial Space Palace. Pero alam naming hindi pa tapos ang laban.
Kailangan naming magpakalakas.
Buong one week kami puno ng practice. Kaya pinag-isipan naming magpahinga. At okay lang naman iyon. Nag-yaya si Wendy na mag punta kami sa Carnival sa bayan. Kaya pumunta kami para makapag enjoy.
Samantala ang ibang grupo ay nanatili na lang sa kanilang silid, at natulog. Para bumalik ang dati nilang lakas. Nagbigay kami ng 4 na araw na pahinga, at alam naming sapat na ang apat, para maibalik ang dati nilang lakas.
" Everyone! Can we try this? Please please please! " masayang sabi ni Wendy with match of talon talon pa at sabay turo sa roller coaster.
Nakita ko naman si Ero sa tabi ko na napalunok. Humarap ako sa kanya. " Okay ka lang? " tanong ko sa kanya.
" A-ah oo naman noh. Haha! Ako pa, jusko. " sabi niya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Lumunok siya ulit.
" Okay, by partner kayo. Basta ako, solo. Bahala kayo. " sabi ni Nick.
Bale, ganito ang partner at ang upo naman.
Sa harap. Si Nick, as usual. Walang ka forever. Ka partner na lang niya multo. Haha, so funny. Lol.
Next, Brielle and Alvin, hinila ni Brielle si Alvin. No choice siya VinVin. Hahaha. Talagang tinamaan ni cupido si Brielle, eh.
Next, Lia and Mike. Sila naman talaga ang mag partner. Kahit parang aso't pusa din mag away. Pero, ngayon wala silang kibuan sa isa't- isa. Hmm, I smell fishy fishy. Hahaha.
Next, Jake and Ilene. Syempre, ano pa ang aasahan mo sa isang Jake Renz, mabilis ang galaw. At saka, kahit anong gawin mo. Magkadikit ang magjowa na iyan. Tsk
Next, Me and Ero. Wala na akong sasabihin. Siya naman namili. At wala rin ako magagawa. Lol. At kandong ko din si Pru dapat. Kaso nanginig siya at nag dissapear. Bumalik na siya siguro sa mundo niya muna, grr.
Second to the last
, si Wendy at Hera at si Cayl. Kandong ni Wendy si Hera.
And last, Iven and Veia. Nothing more, nothing less. Nakita ko naman si Veia, kinikilig at natutuwa. Wag niyong kalimutan na namumula ang pisngi niya. Isa pang LOL.
" Kyaaaaaaaaah! I'm so excited! Let's go na. Hurry hurry! " sigaw ni Veia. At nagmadali na pumwesto sa likod. Bago ako umupo, pumunta muna ako kay Wendy, at tinulungan siya ilagay ang seatbelt.
" Eriaaaaa~! Bababa na lang ako. Huhu '' sabi ni Ero at ni Hera sa akin. Tumingin sa amin ang ibang royals. Tinignan ko si Ero, '' Bawal ang KJ, Ero and Hera. '' sabi ko sa kanilang dalawa. Nakita ko na nangngingiyak na ang mata nilang dalawa.
Umupo na ako at nag-seatbelt. Lumingon sa likod si Jake, at tinapat ang thunder weapon niya kay Ero. '' Umayos ka, kung ayaw mo itama ko ito sa pagmumukha mo. '' seryosong sabi ni Jake kay Ero.
Ala?
Onti-onti gumalaw ang upuan namin. Hindi pa siya gan'on kabilis dahil sa lapag pa lang kami. Onti-onti rin gumalaw pa-akyat, tumingin ako kay Ero. Nakita ko na namumutla siya. Pfft. Why so bad, Eria?
Nung nasa tuktok na. Tinignan ko uli si Ero, '' Waaaah! Hera, lipad. Kunin mo ko dito! Ayaw ko na!! '' sigaw niya.
'' KYAAAAAAAHHHHH! '' sigaw naming lahat.
Mabilis- bilis na ang galaw namin, nakita ko sila Hera at Ero na parang nasusuka na. Ang mga kasama naman namin, enjoy na enjoy sa pag-sakay sa roller coaster. -_-
Nung tumigil na, nag-request pa ang ibang royals na mag 2 rounds. Kami nila Ero, Hera at Wendy, bumaba na. Si Cayl, kasama ni Ilene.
'' Wendy, na-enjoy mo ba ang pag-sakay do'n? '' Tumango siya sa akin at binigyan ako ng masayang at malaking ngiti.
Tinignan ko naman sila Hera at Ero, na nakahawak sa sikmura nila habang sumusuka. '' Ate Eria, mahina resistensya ng dalawang iyan. Tama nga lang talaga naging master ni Hera si Kuya Ero. '' sabi sa akin ni Wendy.
'' Ha-ha. You're right. Mag-kaugali, at parang kambal ang dalawang iyan. '' Lumapit kaming dalawa ni Wendy sa kanila.
'' Kuya Ero, umupo muna kayo. I-heheal ko kayong dalawa. '' sabi ni Wendy kay Ero. Hineal niya ito, kasabay si Hera.
'' LAST KO NA 'YON! FISHY FISHY! '' sigaw ni Hera nang gumaling na. Napahilamos kami ng mukha ni Wendy, dahil si Ero at Hera nagsisigawan na.
'' AKO RIN! ''
'' OO NGA! ''
'' PWEDE MANAHIMIK KAYO! '' sigaw naming dalawa. -___-
Mga makukulit na bata.
BINABASA MO ANG
Celestial Princess
Fantasi'' She will come and she will rule her own kingdom. And when the right time comes she will sacrifice her own life and will rise again this time more powerful than ever...." Start: October 14, 2015 End: October 02, 2017