Pasiuna:
Ang kuwentong inyong mababasa ay pawang kathang-isip lamang ng may-akda. Anumang pagkakahalintulad nito sa mga pangalan, lugar, at pangyayari ay purong insidente lamang sapagka't ito ay nagmula lamang sa malawak na imahinasyon ng inyong lingkod.
At nawa ay huwag itong kopyahin ng walang pahintulot. At sana rin po ay may babasa nito.
Maraming Salamat.
******************************
Kung alam mong nasa tama ka, ipaglaban mo.
Kung para sa kanila ay mali ang katwiran mo, gawin mo ang lahat para pakinggan at unawain ka.
Huwag kang mawalan agad ng pag-asa. Kahit na pakiramdam mo ay buong mundo na ang kalaban mo, huwag kang susuko kung mayroon namang isang patuloy na naniniwala at naninindigan para sa'yo.
At kung lamunin man ng galit at hinanakit ang iyong buong pagkatao, kumapit ka lang sa mga masasayang alaala na nakatago sa kaibuturan ng iyong puso at tiyak na dadalhin ka nito sa liwanag.
______________________________________
Sabi nila, masaya ang buhay. Tama nga naman. Lalo pa't kasama mo ang iyong buong pamilya. Kahit nga di buong tulad ko, ay ayos lang basta't dama mo ang pagmamahal ng mga nakapaligid sa'yo.
Sabi nila, masarap ang magmahal at mahalin ng taong nakalaan para sa'yo. Eh, bakit ako, paulit-ulit na lang na sinasaktan? Minsan na nga lang kung magmahal, pinahirapan pa? Akala ko ba may nakalaan para sa isa't-isa? Ba't sa akin parang wala naman yata?
Ang mali ay mali, ang tama ay tama. Ang nasa dilim ay masama, ang nasa liwanag ay mabuti. Sinabi din nila yan. Siguro nga, oo. Pero tanong ko lang, ano nga ba ang mali at tama? Alin nga ba ang masama at mabuti? Tama ba ang patayin sila dahil kaaway sila? Dahil taga-dilim sila ay masasama na sila at kailangang pagbayarin? Paano na lang kung inosente pala at nadamay lang? Paano kung nagbabagong-buhay na, hindi na ba bibigyan ng pagkakataon?
Kung papaslang kayo dahil lang sa mga rason na 'yan, ay wala na rin kayong ipinagkaiba sa mga taga-dilim niyong tinatawag.
Walang matatawag na masama at mabuti. Dahil ang tunay na kasamaan ay nasa dilim ng kaloob-looban ng bawat nilalang.
Malaki ang mundong ating ginagalawan. Sa sobrang laki nito ay hindi natin alam ang nangyayari sa bawat panig.
Malawak pa ang gagawin nating paglalakbay. Marami pa tayong makikilala at matutuklasan. Kailangan lang nating maging mapagmatyag at mapang-unawa. At kailangan laging handa ang puso't isipan.
Lagi lang tatandaan, na ang kapalaran natin ay laging umiikot. Walang permanente dahil ang tanging permanente sa mundong ito ay ang pagbabago.
Ako si Aurora. At ito ang kuwento ng aking mundo, ang Mageia......
BINABASA MO ANG
MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong Alamat
FantasyDalawang magkaparehong pangalan. Magkaibang pagkatao. May nagpakatotoo at may nagkukunwari. Kabutihang sinuklian ng kalupitan. Kalupitang naging sanhi ng pagbabago. At pagbabagong kokontrol sa kapalaran. _______________________ Sa mundo ng Mageia, m...