Calvin's (Arcana's) POV
'Bawat Araw na ako'y nilang kinukutsa, inaaway, pinapahiya sa harap ng maraming tao ay natututunan Kong lumaban ngunit wala akong lakas ng loob!. Pero ngayon lahat ng yun ay aking paninindigan sumuko man ako sa una pero di na ngayon. Lalaban na ako. Dahil ang dating Calvin na talunan,mahina,walang kwenta, di lumalaban ay lumubog na at ang bagong ako ay sisibol at lilitaw mula sa Pagkatalo kung saan ako'y bumagsak. Ang bagong ako ay sisiguraduhing luluhod sa harapan ang mga taong nam-bully sakin. Ang bagong ako ay tatayo kasama ang magandang pagbabago ng talunang Calvin. Tatayo kasama ang mga pangarap ko. Si Calvin Santos ay wala na. Ang Calvin na baklang talunan ay ngayon ay tatayo Bilang Isang Babaeng palaban. Ako si Arcana Joy Dela Vega ang Arcana-ng babago sa buhay nilang lahat. Arcanang lalaban para bumawi. Arcanang babawiin kung ano ba ang dapat sa kanya. Ang Arcanang sisibol ng di nila nalalaman. Ang Arcanang Isang sikat na Fashion designer at Isang sikat na Writer na rin. Di ko na hahayaang matalo ako ng mga taong Pinatay ako sisiguraduhin ko luluhod sila sa harapan ko.
Author's POV
Maraming mga mayayamang Tao ang dumalo sa babaeng ito. Maraming mga artista ang dumalo. Sila Marian Rivera, Dingdong Dantes, Vice Ganda, Enrique Gil, Liza soberano, Atbp. Magaganda ang suot ng mga artista pero kahit ganun ay hinihintay nila ang paglabas ni Arcana. Kung ang akala ng iba ay simpleng babae lang ang babaeng to dun sila nagkakamali dahil ang babaeng ito ang bubuhay ng dugo nila.
"Tito! Excited na ako makita si Calvin!" Sabi ni Katie
Nanlaki ang Mata ni Tito Noel. Tito ang tawag ng iba pero si Calvin ang tawag sakanya ay Tita Zoey dahil yun ang gusto ng matanda.
"Stop! She's not Calvin! Arcana! Arcana ang pangalan nya at di Calvin!" Sabi ng matandang lalaki
"Okey..... sorry!" Sabi ni Francine. Isa sa mga kaibigan Calvin ay Arcana pala! He he sorry peace tayo Arcana
"Good evening everyone Thank you for coming here! I call mister Noel for the opening Ceremony. Please give her a clap of applause" sabi nung Mc.
Umakyat na ang matandang si Tito Noel
"Hello everyone..... Alam Kong naiinip na kayo sa kakahintay Kay Arcana pero syempre papabitinin ko muna kayo. Please welcome the technojazz dancers!" Sabi nya
Tapos may biglang nagsayawan dun at ang technojazz yun.
Natapos ang pagsasayaw ng technojazz at kumanta narin ang ibang singer katulad nila Sarah Geronimo, Kz tandingan, angeline quinto, atbp.
"I know that all of you are waiting. Di ko na kayo pipigilan dahil kahit ako gusto ko na makita ang anak anakan ko. She's a fashion designer and a Writer. Sya ang nag design ng Gown nya ngayon at sya rin ang nagsulat ng 'Destined to Born Again' please welcome the New C.E.O of Dela Vega Design Corporation Arcana Joy Dela Vega" Tawag nya at mula sa stage ay napunta ang spotlight sa pintuan kung saan papasok ang Isang Magandang Babae.
Naglalakad sya suot ang Gold Roses dress. Ang dress na to ay sya lang ang gumawa. Para itong pang Queen dress pero ang pinagkaibahan nga lang totoong Queen ang nagsusuot at yun ay si Arcana. Naglalakad ito papuntang stage at habang ito ay naglalakad lahat ng Tao nagsisipalakpakan at nagsisihiyawan. Di nila alam kung ano kaligayahan ang nararamdaman ni Arcana.
Inabot ni Tito ang kamay nya para alalayan si Aracana
Arcana's (Calvin's) POV
Inalalayan ako ni Tita Zoey para maka akyat sa stage sa haba ng dress ko halos di ko na kaya buhatin kaya hinatak ko na lang Mas maganda naman sya kapag hinahatak eh...
Siguro nagtataka kayo kung bakit tita ang tawag ko Kay tita zoey kasi sya ay mabait at ang tanging hiling nya lang ay ang tawagin lang syang Tita kasi dahil dun natutuwa sya. Pagkatapos ko umakyat sa stage nag thank you ako Kay tita
Nasa stage na ako at pumunta ako dun sa may microphone.
"Hello everyone thank you sa pagpunta po rito and thank you po kasi sinoportahan nyo ako." Sabi ko
"Tanong lang po sino po Ba rito ang nabully nung mga bata po sila?" Sabi ko
"Pwede ka po Ba umakyat dito" sabi ko dun sa may babae. Umakyat ang babae at niyakap nya ako at syempre ganun din ako
"Alam ko po na marami po dito ang nabubully at yung iba naman po dito ay nambubully naman. Ang gusto ko lang po iparating sa inyo na kahit ano man pong klaseng pambubully ang gawin nyo wala yun magagawa sa Isang Tao dahil naniniwala ako sa kasabihan na kung ang Isang Tao ay iyong binubully babalik yun sayo ang pinagkaibahan nga lang Mas malupet sakanya. Kaya kung ako sainyo wag kayong nambubully kung ayaw nyo gumanti ang Isang Tao sa inyo. Gusto ko po sana mabasa nyo ang aking ginawang libro. Laman po nyan ang bawat karanasan ng Isang Tao sa pangbubully sakanya ng kanyang mga kaibigan at ngayon ay nakatayo at harap harapang maipapamukha ang pagbabago nya. Ito ang 'Destined to Born Again' sana magustuhan nyo po." Mahabang Saad ko
Tapos bumaba na kami ng kasama Kong babae at pagkatapos ay Biglang namatay ang ilaw at lumiwanag ang screen ng stage. Ang screen neto ay parang sa sine lang ang pinagkaiba nga lang ay Mas malaki at Mas malinaw ang screen na ito. Lumabas duon ang trailer ng book ko. Sana magustuhan talaga nila. Dahil eto na ang simula ng Bagong ako. Di ko pagsisisihan tong ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
Destined To Born Again (The Revenge) •COMPLETED•
Teen FictionPinatay nila ako. Niloko ako ng Darius na yun. Dinamay pa nila si mama. Pinatay nila si mama kaya kung anong ginawa nila doble pa ang gagawin ko. Lalo na kay darius. Pinagbigyan ko sya pero niloko nya ako. Malalagot din sakin sila allysa at Kyline...