Happy 4th Anniversarry

1.2K 35 0
                                    

Calvin's (Arcana's) POV

After 4 years

4 years na ang nakalipas. Kada araw ako hinahatid sundo ni Darius. Alam narin ni papa na bakla ako. Pinagtawanan pa naman ako kasi naman habang umaamin ako eh parang naiihi na Ewan yung mukha di ko alam kung ano mukha ko nun pero nung sinabi ni papa na matagal na nyang alam yun kasi sinabi ni mama dun lang ako nabunutan ng tinik sa lalamunan. Haysssss ang Sarap sa pakiramdam na tanggap nila ako. In expect ko pa naman na papalayasin nila ako kasi yun yung nanyayari sa mga napapanood Kong pelikula eh. Pero yung niyakap at hinalikan ako ni papa at mama sa noon dun ko nasabi na mahal talaga nila ako. At syempre ganun ako. Mahal na mahal ko sila.

4 na taon na! 4 years na ang nakakaraan at ako ngayon ay grade 12 na. Senior high school na ako. Yung grumaduate kami ng mga kaklase ko ng high school halos lahat ng babae at yung ibang boys umiiyak na. Maski ako di ko na rin maiwasan ang umiyak nun. Iiwan ko na ang paaralan ko.

Iiwan ko na ang paaralan ko. Yun yung nasa utak ko pero di ko pala alam na dun pala ko in-enroll ni mama sa school ko. Sa school kung saan ako grumaduate. Sinabi din sakin ni Darius na dito din sya mag aaral kaya kami eto. Di man kami magkaklase ni Darius pero okey lang. Kasi loyal sya. Sabi nya sakin wag daw ako mag alala kasi di naman nya daw ako lolokohin. May tiwala naman ako sa kanya eh.

Pero di ko parin maiwasan ang kabahan. Kasi naman andun si Kyline! Nabalitaan ko na umalis daw sya nung grade 8 kami pero pinagpatuloy nya ang page aaral dun sa state. Tapos ngayon ay dapat 1 year college nya sya pero shemay grade 12 parin sya. Ewan ko kung bakit. Basta ang alam ko lang mag-kaklase sila.

"Bess nabalitaan mo Ba yung sa section nila papa D? Hinalikan daw nya si Kyline. Pero si Kyline ganun din."-Girl 1

"Oo nga girl eh..... grabe bagay sila. Kaysa naman Kay Calvin yuck! Just yuck!"-Girl 2

Natahimik na lang ako ng may dalawang babae ang nag bubulungan. Bulong pa Ba yun?

Pero di ko na pinansin yun. Dahil ngayon puro tanong ang nasa isip ko.

Totoo Ba yun? Pero kung totoo bakit? Bakit parang nasaktan ako?

Bakit nya magagawa yun? Aha! Di nya yun magagawa. Ako mahal nya eh. Kaya nga nag re-ready ako para sa 4th anniversary namin eh. Oo tama kayo! Anniversary namin ngayon. Di ko nga akalain na magtatagal kami eh.

Mamayang uwian balak Kong ipunta sya dito sa garden ng school. Nagdala ako ng favorite food nya. Adobong Manok na may pineapple. Ako pa ang nagluto nyan ah..... kasi kada natitikman nya ang luto ko nasasarapan sya.

Kung itatanong nyo kung ano nanyari sa loob ng 4 years well ang masasabi ko lang masayang masaya. Pero napalitan yun ng maging Classmate ni Darius si Kyline this year. Masaya naman ako kapag kasama sya pero di na gaano kasaya kasi simula dumating si Kyline nung grade 11 kami naging cold sya pero bumabawi din. Kada anniversary namin pinag hahandaan nya ngayon lang ata talaga nya nakalimutan. Kasi simula kaninang umaga wala syang imik eh. Sinundo naman nya ako sa bahay pero ang cold nya kanina. Di naman bago sakin yun eh. Baka pinag iisipan nya yung sa anniversary namin. Ayieee kinikilig ako!

*RINGGGGGGGGG*

Narinig ko ang tunog ng bell namin. Hudyat na uwian na. Yesss omygeee! Sabado Pa naman ngayon. Kaya 3 o'clock ang labas namin ngayon. Omygeee na-eexite na ako. Di ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Darius. Nag massage ako sa kanya.

To:Darius

Babe....... kita tayo sa garden. Now na.

Ngayon ay nag lalakad ako papunta sa garden habang hawak hawak ang adobong niluto ko.

Ngayon ko lang to gagawin. Di ko alam kung ano ang gagawin ko kapag kaharap ko na sya. Kung itatanong nyo kung ano nararamdaman ko...... ang nararamdaman ko ay excited at kaba.

Kaba kasi ngayon ko lang gagawin to. At excited dahil gagawin ko to para sa taong mahal ko.

Naglalakad na ako papunta ng garden ng makita ko ang tropa ni Darius.

Lumapit ako sa kanila kasi parang may sinisilip sila. Di ko alam kung ano yun. Basta nakasilip lang sila.

Nakilala ko ang mga kaibigan ni Darius 3 years ago. Pinakilala nya ako. Tapos napansin ko yung Isa dun si Prince. Si Prince Kyle Lopez ay Isang kababata ko. Kalaro ko dati yan. Pero lumipat sila ng bahay nung nag high school kami. Ewan ko kung bakit. Tapos nabalitaan ko na dito sya nag aaral pero di ko na hinanap.

Pumunta ako sa likod nila habang sila naman ay busy sa pagsilip sa kung saan na Hindi ko naman makita. Pasensya na huh? Medyo matangkad lang naman ako. Pero etong mga lalaking to ang tatangkad. Kaya pala lagi sila ang champion sa basketball.

"Boys?" tawag ko sa kanila.

Humarap naman sila sakin at nakita nila ako na kinakalabit sila. Nagulat pa sila na akala mo ay nakakita ng unggoy.

"C-calvin. B-bakit ka andito?" Tanong ni joey. Isa sa kaibigan ni Darius.

"Ano sinisilip nyo dun?" Tanong ko.

"Ah yun Ba wala yun Calvin. Saan ka nga pala pupunta?" Tanong ni Prince. Tinignan nya ang dala Kong tupper ware na may lam an na adobo at kanin. Dalawang tupper ware kasi ang dala ko eh.

"Ah pupunta sa garden. Makikipagkita Kay Darius." Sagot ko na may ngiti.

"Huh?!!! Ah ano kasi Calvin. Pwede wag ka natumuloy? Dito ka na lang? Please?" Pagmamakaawa ni prince.

"Huh? Bakit?" Tanong ko

"Amm...... A-ano kasi...... basta wag ka na lang tumuloy pleasss....." pagmamakaawa nya.

"Tsk! Wag nyo nga ako pigilan. Sige na una na ako. Maghahanda pa ako para Kay Darius. Kahit nakahanda naman na yung lamesa at upuan dun. Ah basta..... manahimik na lang kayo." Sabi ko.

At nag lakad lang ako hanggang sa makarating ako dun sa place kung saan gaganapin yung anniversary namin ni Darius.

Excited na ako sa mga manyayari. Naiimagin ko ang mga manyayari mamaya. Sana kahit sa ganitong handaan maging masaya sya.

Happy 4th Anniversary Darius

Destined To Born Again (The Revenge) •COMPLETED•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon