Arcana's POV
"Mukhang masarap yan ah?" Saad ni Prince. Halaaa!
"Sorry" sabi ko. Shemay ka Ashtroid! Mamaya ka skain kumag ka!
"Alis na ako. Nakakaistorbo na ako. Bye!" Sani nya sabay pasok sa kotse nya.
"Teka--------" di ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla nyang pinaandar ang kotse at umalis.
Hayssss! Kainissss!!!!
Pumasok na ako sa loob at dumeretsyo ng akyat. Nakaka stress. Kailangan ko na muna matulog para makapag relax ako.
Inayos ko na muna yung mga gmail sakin at sinagot yung iba. Hays kaloka. Tinamaan na lang ako ng antok nung natapos ako.
K I N A B U K A S A N
Nagising ako ng maaga kaya ang ginawa ko ay naligo agad. Maaga ang pasok ko ngayon. 9 am tapos dederetsyo agad ako sa meeting place namin ng secretary ko dahil may imemeet kaming client.
Di ko naman na kailangan si Ashtroid. Gawin na lang nya yung mga papers na maibibigay sakanya dun sa office.
Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na din ako. Sinuot ko yunb tube tapos naka slacks ako. Nag girl cut tuxedo ako. Allblack ako ngayon kaya mukha akong mataray.
After ko mag bihis ay bumaba na ako para kjmain at magkape. Nagkakape ako ng biglang tanungin ako ng pamangkin ko.
"Tita....." tawga nya.
"Oh ano yun?" Sagot ko. At nagtanung lang sya ng about sa Crush nya.
*read my story guys "My Highschool Crush" nandun yung nagtanungan tong dalawa*
After a while......
Matapos akong tanungin ng kung ano ano ng pamangkin ko ay tumayo na ako para umalis. Kailangan kasi nandun na ako. Kailangan kasi kami ang mauuna.
Exact 9 am ay nandun na ako at kasama ko si ate. Medyo na late yung client namin ng ilang minuto kaya umorder muna kami ng food.
Saktong pagdating ng order namin ay dumating na din yung client namin.
"Let's start" saad nya.
Shemay naman! Bakit ganyan itsura nya! Bakit mukhang wala syang tulog? Anong meron?
"Are you okay Mr. Lopez?" Tanong ng secretary ko.
"Yes i am. Haha sorry I'm late!" Saad nya.
Nakainom din sya. Hala ka! Ano nangyrai rito?
"Babyboy okay ka lang?" Tanong ko.
"Hehe miss. Wag ako. May jowa ako. Arcana ang pangalan. Ayoko ipagpalit yun" sabi nya. Shit ka! Ano pinagsasasabi mo?
"Uy! Ako to! Si arcana to naano ka?!" Tanong ko dito.
"Ikaw?" Tumjngin pa sya skain na parang chinecheck kung ako nga ba talaga si arcana. "Di ikaw yung babybabe ko. Sorry Miss. Let's start this meeting. Susunduin ko pa kasi misis ko eh." Sabi nya.
"Ano ba pinagsasasabi mo?! Lasing ka eh!" Sabi ko.
"Haha miss. Wala ka ng paki kung lasing ako. Asawa ba kita? Jowa ba kita? Ni hindi nga kita kilala eh!" Sabi nya sakin.
"Eh lokoloko ka pala eh!" Sabi ko. At tumingin kay ate. "Miss mae help me here. Idala natin to dun sa condo ko." Sabi ko at tinulungan naman nya ako.
"Uyyy pre. Alam mo ba na mahal na mahal ko yung asawa ko?" Tanong nya sakin.
"Oo na sige na" sabi ko at pinasok sya sa kotse ko. Ihahatid lang namin to dun sa condo ko.
Mabilis lang ang pag byahe ko at nakapunta din kami sa condo. Alos ihagis ko na sya ng makarating kami sa floor namin at bago kami makapunta sa condo room ko eh nagsalita pa ang mokong.
"Pre alam mo ba na si Calvin at si Arcana ay iisa? Haha nakaka gulat nga eh. Kasi isang bakla naging babae na. Tapos alam mo ba na kahit nung Calvin pa sya eh mahal na mahal ko na yun?" Sabi nya na napabitaw ako sakanya.
Binalibag kaagad namin sya dun sa higaan.
"Pre wag ka maingay ahh! SI CALVIN AY SI ARCANA! IISA LANG SILA HAHAHA! I love that girl!" Sabi nya at nagulat ako ng humikbi si Ate mae.
"T-teka l-let me explain" sabi ko
"Is that real? Ikaw si Calvin? Kapatid ko?" Tanong nya. Wala na ako nagawa. Bumagsak na ang luha ko. Bigla na lang syang bumagsak.
"O-oo a-ate..... a-ako nga to" sabi ko. Bigla naman nya ako niyakap.
"Alam mo ba na namimiss na kita! Simula nung nawala si nanay at nung pinalayas ka sa bahay naging demonyo na ang buhay ko?" Sabi nya. Umiyak lang ako.
Pumunta kami sa sala at umupo sa sofa.
"Oo ate. Ako si Calvin. Calvin noon. Arcana ngayon. Nalala mo nung bata tayo? Diba ang sabi ko sayo di ako magbabago ng kasarian? Wala akong nagawa." Sabi ko.
"Bakit?" Tanong nya.
"Pina kidnapped ako ni allysa at ni kyline. Sinunog nila ang kalahating mukha ko. Puro ako bugbog nun at halos di na ako makilala sa aking itsura. Simula nun ay nagdesisyon na ako na baguhin na ang lahat sakin. Pero di nabago nun ang pagkatao ko. Araw araw ko kayong iniisip ni nanay. At araw araw din akong umiiyak dahil, dahil sakin kaya tayo nagkahiwa-hiwalay. Simula nung malaman kong naghahanap ka ng trabaho ay sinabi ko na kahit di ka na interviewhin ay tanggap ka na. At yung offer na maging secretary kita? Ako gumawa nun dahil gusto kong nakikita ka. Di man kita mayakap o makauspa na parang kapatid ko na talaga. Atleast mabigyan man lang kita ng magandang buhay okay na." Sabi ko.
"Salamat. Salmata sa sakripisyo mo. Talagang di parin nagbabago ang magkapatid. Alam mo bang sila ang kadahilanan kung bakit namatay si nanay?" Tanong nya.
"Oo ate. Lahat ng ganap, kilos nyo alam ko." Sabi ko.
"Grabe. Iba ka na ngayon. Ang ganda mo na! Sikat ka na rin! Sobrang dami mo ng napagtagumpayan!" Sabi nya.
"Salamat ate. Dahil ito sainyo. Dahil sainyo ang pagsisikap ko." Sabi ko.
"Eh paano na kayo ni Darius? Eh diba ang huling pagkikita nyo ay nung maghiwalay kayo?" Tanong nya.
"Oo ate. At dahil din sakanila kaya ako nagbalik. Pinatay nila ako, si inay, ang buhay natin. At ngayon babawian ko sila." Sabi ko.
"Paano?" Tanong nya.
"Nagsisimula palang ako ate. Naalala mo nung sa fashion show? Lahat yun naka plano. Nilabas ko na ang pinakatatagong baho nila" sabi ko.
"Kapatid ko sobrang dami mo ng pinagbago!" Sabi nya.
"Salamat ate!" Sabi ko.
Itutuloy........
Author's POV
So yun nga! Nagkaroon na ng aminan. So satingin nyo magiging harang kaya yung ate nya sa mga plinaplano nya? Ano kayang mangyayari sa susunod na chapter?
Again guys i encouraging you to read my story. "My Highschool Crush" Naka publish na sya at ready to read na. Maiksi palang sya pero saby sabay ko silang dalawa ieedit haha. Sana nagustuhan nyo!
Hope you like it! Lablotsss babiessss koooooooooo!
BINABASA MO ANG
Destined To Born Again (The Revenge) •COMPLETED•
Teen FictionPinatay nila ako. Niloko ako ng Darius na yun. Dinamay pa nila si mama. Pinatay nila si mama kaya kung anong ginawa nila doble pa ang gagawin ko. Lalo na kay darius. Pinagbigyan ko sya pero niloko nya ako. Malalagot din sakin sila allysa at Kyline...