Calvin's (Arcana's) POV
"I like you Calvin!" Sabi nya.
Di agad ako nakasagot nun. Di ko alam kung ano sasabihin ko. Di parin pumapasok sa utak ko ung sinabi nya sakin.
Nakatulala lang ako sa kanya.
"Aray! Ano Ba! Ang shaket nun ah!" Sabay pout kong Saad. Pano Ba naman pinitik ba naman ako sa noo eh! Nagising tuloy ako sa reyalidad.
"Eh pano Ba naman kasi tulala ka! Seeyoso ako dito eh." Sabi nya.
"Eh kasi di ako makapaniwala na sinabi mo yun. Totoo Ba sinabi mo? A-ako? G-gusto mo?" Sabi ko.
"Oo totoo yun lahat. Walang halong biro yun! Totoo yun. Gusto kita Calvin. Nung bata pa tayo. Di nga nagbabago yun eh. Mas lalo pa ako nag-kakagusto sayo eh. Di lang kita gusto Calvin. Kasi mahal na kita! Nung bata pa tayo mahal na talaga kita." Sabi nya.
Lah! Oh lord bat ganto? Di pa nga ako nakakapag-move on sa Isa may bago naman ganun Ba ako kaganda? Hello!!! Ang pangit ko kaya!
"P-prince........ d-di pa ako r-ready eh. A-alam mo naman ata yung n-nanyari Samin ni Darius?" Tanong ko.
"Oo Calvin alam ko yun. Tsaka I'm willing to wait. Handa ako maghintay. Pero sana payagan mo ako na ligawan ka?" Sabi nya.
Ano sasabihin ko? Di ko alam kung ano gagawin!
"Pag-iisipan ko." Sabi ko.
"Sige...... handa ako mag-hintay" sabi nya.
*****
Umalis na kami ni Prince dun sa clinic at hinatid na lang nya ako papuntang classroom ko. Oo nga pala break time na ngayon. Malapit na matapos ang break time namin kaya kailangan na nya umalis para di sya ma-late.
"Handa ako maghintay Calvin! Basta tandaan mo lang na mahal na mahal na mahal kita! I love you wifey ko!" Sabi nya sakin at nagpaalam na sya.
Haysss ung adik na yun. Oo nga pala kailangan ko pala pumunta sa room 304 mamaya. Ay dun din pala ung room ni Prince. Pero sana wag na sya sumali nahihiya ako eh.
*****
5:30 na I'm sure nandun na din si ma'am kaya kailangan ko na pumunta dun. Ayoko naman na ipatawag nya ako no! Ano ako feeling VIP?
Naglalakad na ako ngayon papunta sa room 304. Habang nag-lalakad ako pabilis ng pabilis ang pagtakbo ng puso ko. Whaaaaa heart wag ka naman ganyan!. Kalma ka lang please...... Act normal Calvin!
Nandito na ako sa tap at ng pinto ng classroom ng room 304. Whaaaa pwede Ba mag back out na lang? Pero wengya! Grade ko ang nakasalalay jusmeyo!!!
*Tok*
*Tok*
*Tok*
Kumatok ako ng tat long bears bilang pag-galang sa nagtuturong teacher.
Nagbukas ang pintuan ng room at nakita ko yung teacher namin. Sana naman napaliwanag na ni ma'am yung mga mapipili ko.
Pag pasok ko sa loob ay tinignan Agad ako ng mga babae. Nagtataka sila kung bakit ako andito. Humarap ako Kay ma'am para sabihin na sya na lang ang magsabi.
Sumang ayon naman si ma'am"Class...... I know that all of you know about the pageant right? I request to Mr. Santos to have a escort. Pumayag naman sya. Kaya ngayon boys tumayo kung sino ang gustong maging escort ni Mr. Santos." Sabi ni ma'am.
Tumkngin ako sa mga lalaki at nakita ko ang mukha ng lalaking sinaktan ako. Katabi nya ang best friend ko na umamin sakin na may gusto sya. Sa kanila lang ako dalawa nakatingin. Maya-Maya may tumayo na. Ganun na lang ang gulat ko na sabay tumayo yung dalawa. Di ko naman in expect na pareho silang tatayo hello? Isa lang kailangan ko.
"So..... Mr.Darius and Mr.Prince kayo ang dalawang mag eescort. Now Mr.Santos. pumili ka sa dalawa kung sino yung mapipili mo." Sabi sakin ni ma'am.
Sino nga Ba? Si Darius o si Prince?
Whaaaaa help me! Bakit pa kasi ako pumayag na may escort eh! Kainis naman! Kailangan ko na pumili ng Isa.
Kung pipiliin ko si Darius di Agad ako makakapag-move on. Kung si prince naman di rin Agad ako makakapag desisyon. Omy!!!!! Nakaka-stress naman to!
Pero kailangan ko pumili ng Isa. Hayss wala na ako magagawa. Sya na ang pipiliin ko.
"Ma'am...... Si Mr.Prince na lang po ang escort ko" sabi ko.
"Okey sige..... bukas pumasok kayo ng maaga siguro mga 10. Magme-meet kayong mga Candidates and escort. Darius ikaw na lang ang magiging escort nung Isang candidate natin." Sabi ni ma'am. "Okey Mr.Santos you may leave" sabi ni ma'am.
"Thank you ma'am." I said.
Lumabas na ako sa room na yun. Haysss buried na lang nakaligtas na ako. Pero yung tingin nung dalawa sa isa't-isa Kala mo nagpapatayan na eh. Natatakot ako baka mag away yun. Whaaaaa!!! Save me po!
Ngayon ay nandito na ako sa labas. Vacant pa naman namin kaya pupunta muna ako sa quadrangle. Tambay muna ako dun.Ngayon ay nandito na ako sa quadrangle nanahimik. Sinusulit ko yung simoy ng hangin.
"Bakit sya ang pinili mo?"
"Ayy palaka! Ano Ba bakit ka Ba nanggu-gulat" sabi ko. Nagulat ako dun ahhh.
"Bakit sya pinili mo?" Tanong nya.
"Eh bakit ano paki mo?" Balik na tanong ko.
"Ako ang boyfriend mo!" Sigaw nya.
"Huh? Ikaw? Ang kapal din pala ng mukha mo eh noh! Matapos mo Kong saktan ano sasabihin mong boyfriend kita? Matapos kang saktan ni Kyline ako naman pagtri-tripan mo! Gunggung ka!" Sigaw ko din.
"Gunggung nga mahal mo naman!" Sabi nya.
Pinaghahahampas ko sya sa dibdib nya. "Walanghiya ka! Sarap mong bugbugin hayop ka! Ang saket sakit dito nun! Tapos sasabihin mong mahal mo ako?! Wag ka nga magpatawa! Ang galing mo rin mang-gago eh noh?!" Sabi ko. Naiiyak na tuloy ako.
"Sorry....... sorry kasi niloko kita. Sorry kasi gago ako! Sorry kasi di ko man lang narealize nung una na mahal na pala kita!" Sabi nya. Dahil dun tuluyan na nahulog ang luhang kanina pa gusto lumabas.
"Bakit Darius? Bakit mo nagawa yun? Ano bang kasalanan ko huh? May nagawa Ba ako huh? Bakit kailangan Kong masaktan ng ganto?" Tanong ko.
"Wala Calvin wala kang ginawang masama. Wala kang kasalanan. Ako ang may kasalanan kasi di ko man lang inisip yung mga taong nasa paligid ko. Sorry sa mga ginawa ko. Alam Kong di pa sapat ang salitang sorry. Hayaan mo akong bumawi sayo Calvin. Hayaan mo na ako naman ang magmahal sayo. Please Calvin. Give me a chance to show you how much I love you! Please give me a chance please." Pagmamakaawa nya.
Ano sasabihin ko? Magpapakatanga nanaman Ba ako? Pero natatakot ako.
"Di ko alam kung ano sasabihin ko Darius. Pero sana bigyan mo ako ng pagkakataon na makapagisip-isip. Di madali ang hinihingi mo Darius. Nasaktan na ako. Di pa ako ready Darius. Di pa nga ako nakakabangon eh. Please Darius bigyan mo muna ako ng oras at panahon. Magulo pa para sakin ang lahat. Ayokong magdesisyon ng di ko pinagiisipan hintayin mo Darius. Sana naman marunong ka maghintay." Sabi ko.
Di ko na hinintay ang Sagot nya at umalis na ako. Malapit na kasi ang time namin sa susunod na subject. Pagkatapos nun uwian na.
Ang totoo nyan ayoko na pakinggan ang sasabihin nya at ayoko na rin sya makita. Iiwasan ko sya kung kinakailangan. Alam Kong di to madali. Alam Kong kukulitin nya ako. Kaya hanggang kaya ko iiwasan ko sya.
BINABASA MO ANG
Destined To Born Again (The Revenge) •COMPLETED•
Teen FictionPinatay nila ako. Niloko ako ng Darius na yun. Dinamay pa nila si mama. Pinatay nila si mama kaya kung anong ginawa nila doble pa ang gagawin ko. Lalo na kay darius. Pinagbigyan ko sya pero niloko nya ako. Malalagot din sakin sila allysa at Kyline...