Calvin's (Arcana's) POV
Sa daan palang makikita mo na ang mga petals ng rosas. Habang nag lalakad ako di ko maiwasan maiyak. Kasi kakaiba yung saya na nararamdaman ko. Well ang balak ko lang naman ay simpleng date lang naman para sa anniversary namin sabay bibigay ko yung adobo sa kanya. Tapos bibigyan ko sya ng kwintas sana. Bumili ako ng kwintas. Eto yung gusto nyang bilhin eh. Pinag ipunan ko yan. Bagong bago pa yan. Walang humahawak kundi ako lang. Sa kwintas may nakalagay na C. Sabi nya kasi maganda daw yung mga kwintas na may letter pendat. Alam ko marami to sa labas pero original tong nabili ko. As in sa bilihan talaga ng kwintas ko to binili. Kaya alam ko na tuwang tuwa yun kapag nakita nya to.
Nagulat na lang ako na nandun si Darius at may kahalikan syang babae. Di ko makita ang mukha. Pero alam ko kung sino sya. Si Kyline.
So totoo nga? Pero bakit? Bakit nya to nagawa?
Humiwalay na si Darius sa halik nila. Nakangiti sya habang hawak hawak nya ang pisngi ni Kyline.
Wow just wow. Nagmumukha silang lovers sa ganyang itsura nila.
"D-darius..." halos bulong ko Saad. Di ko na napigilan ang luha ko. Nagsibagsakan na sila na tila akala mo ay water falls.
Narinig ni Darius ang tawag ko kaya napatingin sya. Nagulat sya ng makita ako.
Nabagsak ko na lang ang mga dala ko ng makita Kong hinalikan ulit ni Kyline si Darius.
Di ko na kaya. Ang sakit na. Ang sakit sakit. Eto pala yung feeling na may iba ang taong mahal mo.
Tinulak ni Darius si Kyline. Pero di malakas. Napasandal lang si Kyline sa pader at may binulong sya. Narinig ko yun. Ang sabi nya ay...
"Babe...... sabihin mo na."
Ano ang sasabihin? May nagawa Ba akong kasalanan?
Di ko na lang pinansin yun at naglakad na lang palayo. Palayo kung saan di ko alam kung ano ang dapat kung maramdaman. Lumayo sa taong di ko alam kung ano ang nanyari. Sa taong minahal ko pero di ko alam kung minahal ako.
Ramdam Kong humahabol sakin si Darius kaya Agad ako tumakbo papunta sa classroom at kinuha ang bag ko. Uuwi na ako. Ayoko na.
Pero mukhang Mali ako kasi kahit saan pala akomagpunta sya parin ang aking makikita. Pero bakit? Bakit nya nagawa yun? Anong dahilan?
Ang daming tanong ang tumatakbo sa isip ko. Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko na alam ko na sya lang ang makakasagot.
"Calvin?" Tawag nya.
BINABASA MO ANG
Destined To Born Again (The Revenge) •COMPLETED•
Teen FictionPinatay nila ako. Niloko ako ng Darius na yun. Dinamay pa nila si mama. Pinatay nila si mama kaya kung anong ginawa nila doble pa ang gagawin ko. Lalo na kay darius. Pinagbigyan ko sya pero niloko nya ako. Malalagot din sakin sila allysa at Kyline...