Rehearsal

885 30 0
                                    

Calvin's (Arcana's) POV

Ilang linggo narin ang nakalipas simula nung nag practice kami sa stage.

Maganda naman ang nagdaang araw kasi lagi ako hatid sundo ni Darius tapos nagiging sweet na rin sya. Tapos kapag nagkakatampuhan kami ni Darius lagi syang may paraan para magkabati kami.

Sa nagdaang linggo ay nakakatanggap ako ng mga death threats.

Di ko alam kung kanino yun galing pero Isa lang ang kailangan kong gawin. Ang mag ingat.

Ngayon ay nandito ako sa school again. Rehearsal namin. Di na ako natatapilok o nagkakamali. Kabisado ko na ang mga gagawin namin. Pero ang loko naming teacher ay kailangan daw may costume kami. Kunwari 'Queen of the sky kailangan meron kang costume na ipapakita na merong sky.

Nakakaloka nga eh. Ngayon ay dala ko ang heels ko at ang costume ko. Etong costume ko ay di pa talaga to ang costume ko. Kasi yung costume ko may dahon dahon kineme pa. Basta nakakaloka lang talaga.

Kasama ko si Darius ngayon. Alam nya na may natatanggap akong death threats at ang sabi nya ay mag ingat daw ako. At sabihin ko daw sa kanya ang nangyayari in case na may mangyari sakin.

Nandito na kami ni Darius sa school at sila ay walang practice. Manonood lang sila tapos kami naman ang maghihirap hahah joke lang kami naman ang rarampa.

So yun na nga bumaba na kami ni Darius. Pinagbuksan naman nya ako ng pinto nya. At sya na rin nagdala ng mga gamit ko. Ang sweet nya noh? Whaaaaaa kinikilig ako!

So yung nga pumunta kami dito sa social hall. Kasi dito daw kami mag prapractice. May stage dito sa social hall tapos ang daming upuan. May aircon din.

Nandito na kami sa social hall at nandito na rin si mae. Sinabihan ko kasi sya na sya ang magma-make up sakin. Kailangan daw kasi may make up. Ang daming emek nila! So kami pumunta sa back stage kung saan may tig-iisang room kami. Pero kasama namin yung ka-partner namin. Wala naman si Prince. Di ko na sya pinatuloy sa panliligaw sakin. Pero ang loko nagdra-drama pa. May pa iyak iyak pa syang ginagawa. Pero sa totoo lang nagmumukha syang Ewan. Kasi wala namang lumalabas na luha sa Mata nya eh.

So let's go back to the reality. Mina-make up-an ako ni Mae. Sabi ko kasi light make up lang. Yung tipong pang fresh lang ganun. Kasi alam ko naman na mamaya na makakapal an yung mga make up sakin ni Mae. Kasi may pictorial kami eh. Dun daw sila kukuha kung sino daw yung Ms.Photogenic namin.

Ayan tapos na ako make up-an ni Mae. Mukha nga akong fresh dito sa make up ko. At ngayon ay papunta na ako sa CR. Magbibihis na ako.

Etong dala ko ay panty at bra. Hahaha alam Kong nandidiri kayo kasi ako din eh. Nandidiri ako. Di ko kayang mag suot ng ganto pero kailangan. Kaya naman ako eto sinoot ko sya. Pero naka cycling ako. Naka making short kasi ako tapos sa pang taas ay t-shirt lang. Mahaba sya tapos kulay green. Lagpas short sya kaya kita ang legs ko.Lahat sakin kulay green. Tapos meron akong pang dyosang korona. Green din sya.

Kaya parang nagmukha lang akong nasa bahay. Green t-shirt, short shorts and crown na kulay green din.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at nakita ko nga na ang ganda ko. Natakpan ang kapangitan ko. At nagmukha akong Tao. At ang sexy ko. Ang puti pala ng legs ko. Siguro sa kakalagay ko lang ng whitening lotion.

Pagkatapos ko tignan ang sarili ko ay lumabas na ako. Pumunta na ako sa room ko pagkapasok ko si Mae. Naghihintay.

"Mae" tawag ko at tumingin sya sakin. Tinignan nya ako simula ulo hanggang paa

"Ayy Bessy ang ganda mo! Ang sexy mo the! Halika dito Dali!" Sabi nya. Hinatak na ako papunta sa upuan at pinaupo ako.

"Bessy sabi ng teacher natin kailangan nyo daw magsuot ng wig." Sabi nya.

"Hala! Bessy wala akong wig." Sabi ko.

"Don't worry Bessy may dala ako. Eto oh. Long hair yan. Ikaw pa lang gagamit nyan. Kaya sayo an lang yan!" Sabi nya.

"Omygoshhh Bessy di nga? Thank you very much!" Sabi ko.

Nilagay naman nya sa ulo ko ang wig at inayos. Tama sya mahaba nga iyon. Tapos dinagdagan nya din yung make up ko. Nung tinignan ko yung sarili ko sa salamin napa 'Wow' nalang ako. Kasi mukha akong babaeng babae.

Ang sabi ng teacher namin ay manonood daw ang mga junior high. Yung Grade 7 and 8 lang daw muna ang manonood samin tapos after neto ay pupunta kami sa mga section nila para manghingi ng tulong para iboto kami.

Nandito na ako sa likod ng stage at nandito na rin ang ibang mga candidates.

Isa Isa kaming lumabas. Nung una nagpapakilala pa sila at may kasabihan pang sinasabi.

Ayan na malapit na ako. 3 Tao na lang.

"Please welcome Candidate number 2" tawag nila sa Isang candidate.

Umakyat na sya at nagpakilala. Sya ang queen of the sky. Ang ganda nya. Mas maganda pa sya sakin.

"Candidate number 3" tawag nung emcee kunwari

Lumabas naman yung nasa harap ko. Ako na pala ang sunod.

"Please welcome Candidate number 4" tawag sakin nung emcee kunwari.

Umakyat na ako at nakita ko na nagsisihiyawan ang mga studyante dun. At yung iba nag che-cheer pa. Nakita ko din si Darius na nakaupo.

" Beauty without Brain Just like a body without soul, Ocean without water and Fish without bones. Good Evening Ladies & Gentlemen. Kung kasalanan man po ang maging maganda humihingi pa ako ng despensa. My name is Calvin Santos 17 years of age and I am the Queen of the Jungle na nag iiwan ng Isang kasabihan na bakla man ako sa inyong paningin wag maliitin. Dahil sa contest na ito ako'y di padadaig dahil sa gantong contest may Isang baklang unggoy na tatatak. That will be all and I thank you!" Sabi ko. At naglakad papunta sa gilid ng stage kung saan nandun ang ibang candidates.

Di ko alam kung saan nang-galing ang mga salitang yun basta nanonood lang ako ng Miss q and a sa its showtime tapos ginagaya ko lang yung sinasabi nila.

Pero thankful ako kasi nalampasan ko yun. Tinawag din nang emcee yung ibang Candidates.

20 kaming lahat. At 10 ang lalaki at sampu naman kaming mga bakla.

Sa totoo lang kinakabahan ako eh. Kahit sabihin na wala pa pero feel ko talaga ang baba ko. Kasi ang gaganda at ang popogi ng mga Candidates eh. Hahaha kahit di ako manalo dito okey lang atleast naranasan ko kung paano sumali dito.

I'm not perfect but I'm just a simple but pretty.

Author's POV

Hi guys nagustuhan nyo Ba? Haha next chapter I'm sure magugustuhan nyo. Sana magustuhan nyo hehe. That will be all and I thank you. (Feeling queen si author haha)

Destined To Born Again (The Revenge) •COMPLETED•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon