Ligaw

876 32 6
                                    

Arcana's POV

"Eto ba yun?" Tanong ni joel.

"Oo. Paki punta na lang sa counter" suyo ko sakanya.

"Amm... S-sige" saad nito. Alam kong nahihiya sya dahil una sa lahat lalaki sya.

Nung makabalik sya ay ngumiti agad ako.

"Thank you! Sorry rin!" Sabi ko.

"Bakit ka nagso-sorry?" Tanong nya.

"Ikaw kasi yung bumili nyan at alam kong nakakahiya yun" sabi ko.

"Okay lang yun. No problem basta libre mo lang ako!" Sabi nya.

Tumango naman ako. "Ano ba gusto mo?" Tanong ko.

"Ikaw ayieeeee" banat nya.

Napangiti naman ako. "Che!"

Naglalakad lang kami at talangang malakas ang ano ko huhu.

"Baby piggy!" Tawag nya

"Ehh?" Harap ko sakanya. Nakatingin sya sa bandang likod ko.

"M-may t-tagos?" Tanong ko sakanya.

Tumango sya

"Wahhhhh! Peram muna ako denim mo! Pang harang lang!" Sabi ko. Hinubad naman nya yung denim nya at ayun binigay nya sakin.

"Akin na yan! Maglalagay ako shit nakakahiya!" Sabi ko. At kinuha yung napkin ko.

Dumeretsyo ako sa cr ng girls dito at dun nagpalit.

Nakakahiyaaa! Nakakainis!

Pagkatapos ko maglagay ng napkin sa cr ay lumabas agad ako at kung saan ko nakita si Joel na nakatulala andun padin sya ngayon.

"J-joel" tawag ko sakanya.

"C-cana" utal nyang sagot. Niyakap ko na lang sya.

"Okay na Joel. Tara na! Mas okay kung umuwi na tayo" sabi ko sakanya.

"Ayos ka na ba?" Tanong nya.

"Oo okay na. Medyo masakit parin yung puson ko eh. Tara na! Bili na lang tayo ng food para pasalubong kila jade" sabi ko.

"Okay!!" Masigla nya ulit na saad.
HAHAHAHA yan ulit yung makulit nyang ewan hahaha.

~~~~~~~
"Baby piggy...... Pwede pa hug?" Tanong nya sakin.

"Ayoko nga!" Sabi ko sakanya. Nagtatampu tampuhan lang ako hahaha.

"Okay" malungkot nyang sabi at nauna sakin.

Medyo malaki ang hakbang nya kaya di ko sya maabutan agad agad.

Tumakbo ako ng konti bago ko sya yakapin patalikod. Back hug

"Joke lang naman eh! Ikaw talaga!" Sabi ko sakanya.

Humarap naman sya sakin. Aaminin ko na sainyo may gusto ako sakanya. At matagal na din to. Ayoko lang aminin dahil di ko magagawa ang mga misyon ko.

"Baby piggy" sabi nya sabay yakap sakin.

"Baby piggy may aaminin ako sayo." Saad nya.

"O sige ano yun?" Tanong nya

"May gusto ako sayo. Matagal na. Natatakot lang ako aminin kasi akala ko nung una simpleng paghanga lang to. Kaya inaasar kita simula nung nakauwi kami ng pilipinas pero bwisit kasi di kita kayang kalimutan at di rin kita kayang iwasan." Sabi nya.

Di ko alam ang sasabihin. Bakit ngayon pa?

"At sa tuwing nakikita kita gustong gusto kitang yakapin at halikan. Oo may pagka-pervert ako pero eto ngayon. Walang halong biro walang halong kalibugan. Gusto kita. I like you Arcana joy Dela Vega" sabi nya.

Destined To Born Again (The Revenge) •COMPLETED•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon