Sick

1.1K 38 0
                                    

Calvin's (Arcana's) POV

Nakauwi na ako dito sa bahay kani-kanina lang. Ewan basta pagkatapos ng klase namin umuwi Agad ako. Ni hindi ko nga pinansin di Bessy eh. Basta Biglang sumakit yung ulo ko. Siguro dahil sa mga ganap netong araw na to.

Nakaramdam na ako ng antok at pagod kaya naman matutulog na ako. Di na muna ako ng o-open ng Facebook ko kasi wala akong gana. Dahil sa pagod naramdaman ko na lang na bumigat na ang talukap ng mata ko. Inaantok na talaga ako. Good night!

≈≈♥≈≈

Nagising ako sa sikat ng araw. Ang bigat ng pakiramdam ko. Di ko alam kung bakit pero nakatulog naman ako. 9 hours pa nga ang tulog ko pero parang pagod na pagod ako.

It's already 8 am. Kaya naman bumaba muna ako para mag almusal at manonood muna ako ng Tv.

Habang naglalakad ako ay nahihilo ako. Di ko alam pero di na ako tumuloy sa pag-baba napag-desisyonan ko na lang na magpahinga muna ulit.

30 minutes na ako dito sa kwarto at sobrang sakit na talaga ng ulo ko. Yung tipong kumikirot sya. Kaya napag-desisyonan ko na lang na maligo baka mawala tong sakit ng ulo ko.

Habang naliligo ako umiikot ung paningin ko kaya kumurap kurap ako para maayos yung paningin ko. Inabot din ako sa cr ng 1 oras dahil sa gusto ko magbabad sa bath tub.

Nag-aayos ako ng gamit ko sa school para makapasok na rin kasi 9:30 na eh. Sabi ni ma'am 10 daw dapat nandun na sa school. Nagpahatid na lang ako Kay papa papunta sa school. Naka-motor naman sya eh kaya madali kami makakapunta sa school. Nagpaalam ako Kay mama at Kay ate na papasok na ako. Si papa naman nasa garahe kasi kukuhanin nya daw yung motor.

Hinihintay ko si papa dito sa labas ng gate. Maganda naman ang panahon ngayon. Di masyadong mainit pero di rin naman uulan. Tama lang yung tipong natatakpan ng ulap yung araw.

Nandito na si papa dala ang motor nya. Kaya naman sinuot kona ang helmet na binigay nya sakin kani-kanina lang. For safety narin etong helmet na to.

Nakarating naman kami sa school ng matiwasay. Hinubad ko na ang helmet at nag-paalam na Kay papa. Sa stage daw kami magkikita kita.

Andito lang ako sa gilid ng stage. Nagbabakasakali na nandito na si Prince pero wala rain st eh. Mas sumasakit lang ang ulo ko kakaisip sa kanya.

Malapit na mag umpisa ang meeting namin at wala parin si Prince. Maski si Darius hinahanap na din sakin ng ka-partner nya. Ewan ko kung bakit ako yung tinatanong nila. As if naman na alam ko kung nasaan yun. Gunggung na yun!

"Hey!"

"Ay kabayo!" Gulat Kong Saad. Bakit kasi bigla bigla sumusulpot.

"Nagulat ka ata ahhh...." sabi nya.

"Oo nga eh sobra pa nga yung tipong makakapatay na ako ng Tao!" Saad ko bilang panakot sa kanya. Natakot naman sya.

"Oh! Easy lang! Eto naman bawal Ba ako lumapit sayo?" Tanong nya. Inirapan ko na lang sya. As if naman na gusto ko sya lumapit sakin.

"Bawal na Ba ako lumapit sa ex-girlfriend ko?" Sabi nya.

"Tsk! Can you stop it? Nakakataas balahibo eh! Tsaka anong pinag-sasabi mong EX-girlfriend mo eh diba NILOKO MO LANG AKO?!" Halatang inis sa boses ko.

Lumungkot naman yung mukha nya. Please wag na nyang gawin nyan baka di ko mapigilan sarili ko eh.

"Hanggang ngayon Ba galit ka pa rin sakin?" Tanong nya.

"Di Ba halata?" Sarcistic Kong sabi.

"Sorry." Sabi nya.

"Wala na magagawa sorry mo. Pumunta ka na sa ka-partner mo. Kanina ka pa nya hinahanap." Sabi ko. Pinakalma ko muna sarili ko bago ko yan sabihin.

"Sor---"

"Stop it Darius. Ayoko masaktan ka. Sige na pumunta ka na dun." Pag-putol ko. Baka di ko mapigilan sarili ko at kung ano masabi ko.

Sumunod naman sya. Umalis sya sa harapan ko. Goshhhh! Mas lalo kumikirot yung ulo ko.

Habang di pa nag sisimula yung meeting pupunta muna ako sa canteen bibili muna ako ng pagkain. Di pa kasi ako kumakain eh.

Naglalakad ako papuntang Canteen pero habang naglalakad ako umiikot yung paningin ko. Mas lalong kumikirot yung ulo ko. Parang sumisikip yun tapos yung paningin ko nag blu-blur na.

Lakad lang ako ng lakad ng nasa gitna na ako ng quadrangle napahawak na ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit. Napa-hinto naman ako. Susubukan ko na sanang maglakad ulit ng sobra-sobra ng kumikirot yung ulo ko. Di na napigilan ng katawan ko hanggang sa dumilim na ang paningin ko.

Everything went black

Darius's POV

Matapos sabihin ni Calvin yun di na ako napakali. Lalo na ng tignan ko ang mukha nya. Para syang may sakit. Yung Mata nya Matamlay. Yung mukha nya Kala mo di na nya mukha. Mukha talaga syang may sakit.

Di ko napigilan ang sarili ko kaya sinusundan ko na lang si Calvin ng tingin. Papunta ata sya sa canteen. Naglalakad sya eh. Umi-stop sya sa gitna ng quadrangle at napahawak na sya sa ulo nya. Dun ko lang napagtanto na may sakit talaga sya. Patayo na ako ng Biglang syang nahimatay.

Oh shit! Anong nanyare sa kanya. Di ko na napigilan ang sarili ko at tumakbo na ako papunta dun. Ang daming nakakita kaya halos lahat sila pumalibot Kay Calvin. Sumisingit na lang ako dun sa kanila. At nakita ko si Calvin na nakahiga dun.

Agad ko sya binuhat at pinunta sa Clinic. Di ko alam ang nanyari sa kanya kung bakit sya nahimatay pero yung tibok ng puso ko Mas lalong bumibilis. Kinakabahan ako. Di ko maiwasan ang kabahan at mag-alala. Kahit sabihin nating niloko ko sya syempre nakasama ko din sya sa loob ng 4 na taon. Ngayon ko lang sya nakitang nahimatay! Kasi lagi naman syang nakangiti at tumatawa. Kumakain din naman sya. Pero bakit ngayon nagka-ganyan sya?

Ako may kasalanan neto eh! Kung di ko an lang kasi sya niloko! Tangina! Di ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nanyaring masama sa kanya.

Pagkarating namin sa clinic natataranta na ako.

"Doc! Emergency!" Sabi ko sa doctor.

Sya naman ay nataranta na din.

"Ilagay mo sya sa emergency room. Ihiga mo sa Kama." Sabi ng doctor.

Sinunod ko naman ang sinabi nya at inihiga ko sya sa Kama. Sakto namang pagdating ng doctor.

"Anong nanyari?" Tanong nya sakin.

"Bigla na lang po sya nahimatay. Di ko po alam kung bakit eh. Basta bigla na lang sya natumba sa gitna ng quadrangle" paliwanag ko.

"O Sige bumalik ka na sa klase mo! Bumalik ka na lang dito maya-Maya kailangan nya lang muna mag-pahinga."sabi ng doctor.

Sinunod ko naman sya. Tapos naiwan sya dun sa E.R

Pinilit kong wag mag-alala pero di ko mapigilan eh! Nag-aalala ako sa kanya ng sobra-sobra.

Teka! Asan Ba yung Prince na yun? Sya yung escort ni Calvin eh! Dapat nandito an sya! Tsaka akala ko ba manliligaw sya? Tangna! Wala sya dito! Pero di ko na dapat yun pagtu-unan ng pansin. Dapat si Calvin ang iniisip ko.

Teka! Kanina papunta syang canteen eh! Baka pag-gising nun gutumin sya! Kailangan ko bumili ng pagkain para sa kanya.

Pumunta ako sa canteen at um-order ako ng kung ano ano. Basta yung makakain nya!. Una Kong binili yung favorite nya na sisig with rice. Bumili rin ako ng burger, frappe, sopas, slice Cake, Tapos binilhan ko na rin sya ng drinks. Alam Kong marami yun para sa kanya pero kung gutom sya ibibigay ko lahat ng gusto nya.

Destined To Born Again (The Revenge) •COMPLETED•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon