Calvin's (Arcana's) POV
NAGISING ako ng dahil sa sigaw ng aking alarm. May pasok na pala ako ngayon. It's Monday! Monday at start na ng araw kung saan di ko alam kung ano sasalubong sakin.
Agad ako naligo at nagbihis. Kailangan ko pumasok ng maaga ngayon para magawa ko yung mga assignments na pinagawa sa klase namin nung may pageant ako. Kailangan ko humabol kahit sabihin nilang excuse ako nun. Ayoko naman abusuhin yung pag-aaral ko.
Pagkatapos ko kumain at maligo ay agad na ako naghanda para umalis. Wala sila mama at papa dito kasi may mga ginagawa. Si ate naman ay nandun lang sa kwarto nya at natutulog pa. Ayoko syang gisingin baka mawarla ako nun. Napagdesisyonan ko na lang na magpahatid kay Darius. Pero mukhang di ko na ata sya kailangan i-text kasi nandito na sya.
"Ang aga mo naman ata? Papasok ka ba?" Tanong ko. Napansin ko kasi na di sya naka uniform at naka tuxedo sya.
"Di may gagawin kasi ako mamaya eh...... may meeting ako kaya kailangan ko to." Sabi nya.
Sumakay na lang ako dun sa passenger's seat. Nakangiti naman sya.
"Kamusta? Di mo na ako tinext kahapon. Nagtatampo na ako." Sabi ko. Pero yung huli kunwari lang yun.
"Babe naman...... nagtatampo nanaman ang My'loves ko" sabi nya.
Pinaandar na nya yung kotse.
"Kasi ikaw eh di mo na ako tinext o di man lang tinawagan kahapon." Sabi ko.
"Sorry na babe....." sabi nya pero pinutol ko yun.
"Oo na. Pinapatawad na kita. Ano ba yung meeting na pupuntahan mo?" Tanong ko.
"Ahhh business meeting lang" sabi nya.
"Ahhh okey......" sabi ko. Bat ganun? Ang awkward naman namin. Ba't parang feeling ko may tinatago sya?
Di ko na lang sya pinansin at hinatid na nya ako sa school. Pagkarating namin sa school agad na syang bumaba para pagbuksan ako ng pinto at nag paalam na ako sa kanya.
"Bye babe! Ingat ka! Wag mag-papagutom at wag mag-isip masyado para di ma-stress. Love you bye!" Sabi ko na may ngiti sa labi. Atleast ngayon nakita ko syang ngumiti kahit konti hahaha
~~~~^_^~~~~
Kakatapos lang ng klase ko at ngayon ay nandito na ako sa canteen. As usual ako nanaman mag-isa. Wala pa kasi si bessy kasi dawmay klase sya tapos si ate naman tinamad pumasok sya ata may ari ng school eh. Hiyang hiya yung may ari saknya eh hahahah.
Naka-upo lang ako ng may biglang pumunta sa harapan ko. Nasira na ang pagkain ko dito ng dahil sa mga alipores ni Kyline.
Ano nanaman ba ang gagawin nila? Mang bwibwisit nanaman ata eh. Tatayo na sana ako ng may mag beep sa phone ko at isa iyong notification. Agad ko kinuha ang cellhone ko at in-open ko yung notification sa phone ko.
Pag-pindot ko agad ko nakita ang isang wedding day kung saan naka-tag pa saakin. And guess what? Alam ko kung saang simbahan to. Ang worst pa is di ko masyado makita yung tao kaya pinindot ko pero agad naman ako nagsisi dahil sa napapanood ko.
Ang taong mahal ko. Ikinakasal sa babaeng minsan ko ng gustong patayin. Allysa.
Tama kayo ng basa si Allysa at Darius nga ang nakikita ko sa video.
Naglalakad si allysa papunta sa groom nya which is my boyfriend. Darius.
Tapos si Darius naman naka-ngiti pa. Iba yung ngiti nya eh. Sobrang saya nya. Di ko alam kung paano nya to nagawa? Nasasaktan ako sa napapanood ko. Masakit makita yung boyfriend mo ay ikakasal na. At masakit kasi kahit minsan di nya sinabi sakin at masakit din kasi pinagmukha nya akong tanga!
Pinagpatuloy ko ang panonood sa di ko alam na kadahilanan. Siguro kailangan ko lang makita baka mamaya may tumutol. At kapag may tumutol thaks to her/him kasi tinutol nya. Pero mukhang mali ako kasi nagbibigayan na agad sila ng rings eh. Tapos sinuot na ni allysa kay darius yung singsing at nagmassage ito. Ayoko pakinggan ang mga sasabihin nya kaya di ko na lang sya pinansin. Nung tinapat naman kay darius yung Camera nakita ko sya na tuwang tuwa at di mawala ang ngiti nya.
Business Meeting daw ang aatinan pero nakita ko na wedding day pala at sya pa ang groom.
Ang sakit lang kasi bakit kailangan nya pa mangako kung di rin nman nya gagawin? Bakit kailangan nya pang ilihim sakin? Ano ba ginawa ko sakanya at hanggang ngayon ay parang ginagago nya parin ako?
Siguro ay in-edit lang itong video. Baka mali lang ako kasi kilala ko si darius sasabihin nya sakin ang lahat eh. Tsaka kanina hinatid nya pa ako. So it's mean na di totoo. Baka nga nasa Business Meeting yun at wala sa Wedding Day.
Baka naman.......
May tinatago sya?
******
Author's POVshort update lang po ito kasi ayoko na pahabain. Para next chappy agad kasi maski ako nabibitin eh. I promise next chappy long update naman. Di ko lang alam basta hanggang saan makayanan ng utak ko yun an yun hahahaha...... thank you guyss to still reading this book kahit minsan ay alam kong nalilito kayo kasi magulo. Don't worry guys ako bahala at ako rin ang kawawa hahahah dejowk lang.
Add me on Fb.......
Calvin Hayahay!
If you want to send a request or dedicated message me at My Facebook and wait ko kayo para mailagay ko. Hihi thank you guysss!
Happy reading!
BINABASA MO ANG
Destined To Born Again (The Revenge) •COMPLETED•
Teen FictionPinatay nila ako. Niloko ako ng Darius na yun. Dinamay pa nila si mama. Pinatay nila si mama kaya kung anong ginawa nila doble pa ang gagawin ko. Lalo na kay darius. Pinagbigyan ko sya pero niloko nya ako. Malalagot din sakin sila allysa at Kyline...