Arcana's POV
"Babybabe.... aalis pala ako mamaya. Pupunta ako ng office dahil aayusin ko yung mga papers ko na ipapasa sa office mo. Sinabi kasi ni Dad kung pwede ba daw kami maging business partner nyo. May mga share kami na ibibigay sa inyo at may mga share din kayong iaambag samin. Kailangan kasi namin ng tulong nyo" sabi nya.
"Huh? Ano namang tulong? Bakit ano ba nangyayari?" Tanong ko.
"Kasi medyo nalulugi na rin kami eh. Kaya kailangan namin ng mga business partners" sabi ko
"Hmmm let see the info and data. Sige magkita tayo sa office mamaya" saad ko.
"Thank you babybabe ko!" Saad nya.
Kumain lang kami ng kumain hanggang sa maubos lahat ng nakahain.
"Ako na ang maghuhugas nyan. Sige na mag ready ka na. Iuuwi na kita sa condo mo" sabi nya.
"Dun na lang sa bahay. Wag na sa condo kasi medyo magulo pa dun" sabi ko.
Nag phone muna ako ng may matanggap akong massage galing kay ate. Kailangan na daw ako sa office mamayang 3pm dahil may isang business man ang gustk ako makita at makausap.
Siguro ito yung mga pamangkin ni tita zoey. Medyo nakwento kasi sila sakin ni tita. At ang sabi nya ay kung pwede lang daw ay irereto nya skain yung pamangkin nyang lalaki. Pogi daw at matangkad. Bagay daw kami.
Anyway di na ako naghahanap ng iba. Kay Darius palang nung una umiyak na ako at nasaktan. Ngayon na si Prince ang jowa ko eh.... mas masaya na ako. At ayoko ng dagdagan pa. Tama na yung tatlo sila.
DARIUS, PRINCE, at si JOEL. Tatlo na yan ah! Wag ng dagdagan pa! Nakaka stress na.
Pumunta muna ako sa kwarto ni Prince at inayos yung gamit ko. Binura ko lahat ng make up ko. Bahala na kung pangit. Wala akong paki sakanila!
"Prince mauna na ako. Kailangan ko ng umuwi at may urgent meeting pa ako" sabi ko
"Ahhh sige hatid na kita babe!" Sabi nya.
"Sige" sagot ko at naglakad palabas.
Hinintay ko muna sya lumabas para mabuksan yung kotse nya. Nung makalabas na sya ay pinatunog na nya yung kotse means na pwede ng pumasok.
"Halika na. Kailangan mo ng umalis diba?" Saad nya sakin.
"Oo" sagot ko na lang at dumeretsyong pasok sa kotse. Dun ako sa may katabi nya. Ewan ko ba dyan ayaw na ayaw nya akong pinapaupo sa likod. Paano magmujukha daw kasi syang driver whaha😂😂
Ilang minuto lang ang byahe ng makarating kami sa mansion. Napansin ko na may magarang kotse dun. Di ko na lang pinansin at bumaba na ako.
"See you on my office bye!" Sabi ko
"Okay baby love you!" Sabi nya at nag flying kiss. Pinaandar nya yung kotse at umalis din.
Pumasok na ako sa loob ng mansion at napansin ko nagkakagulo ang mga maids.
"Anyare mga ate?" Tanong ko
"Dumating na yung kapatid ni señorito. Kasama mga anak nya at ang pogi at ang ganda!" Sabi nung maid
"Kaloka! Sige na. Punta na sa kusina ate. Penge nga po pala akong juice sa kwarto ko. Thank you!" Sabi ko.
Pumasok na ako ng mansion at sumalubong sakin yung bruhang kapatid ni tita zoey.
"Omy gosh!!! May magnanakaw!!!!" Sigaw nya. At ayun deretsyo pasok lahat ng guard at yung mga maids naman may dalang kutsilyo.
Bigla namang tumawa si tita zoey na nasa likod na pala
BINABASA MO ANG
Destined To Born Again (The Revenge) •COMPLETED•
Teen FictionPinatay nila ako. Niloko ako ng Darius na yun. Dinamay pa nila si mama. Pinatay nila si mama kaya kung anong ginawa nila doble pa ang gagawin ko. Lalo na kay darius. Pinagbigyan ko sya pero niloko nya ako. Malalagot din sakin sila allysa at Kyline...