Meeting and final Rehearsal

857 31 1
                                    

Mae's POV

Before the interview

Dahil sa wala na ang aking ina at si papa naman ay nag hanap ng bagong asawa. Kaya ayun nung makahanap sya ay ako na aang ang natira. May boyfriend naman ako pero ayokong humingi ng tulong sakanya. Alam nya ang kalagayan ko at gusto nya talaga ako tulungan pero ayoko. Graduated naman ako eh kailangan ko lang ng trabaho. Dahil kapag may trabaho na ako eh makakabili na ako ng lupa at bahay. Ipon ipon.

Ngayon ay nakatira ako sa bahay namin. Di na umuuwi si papa at mukhang walang balak na nga. Ibebenta ko na lang itong bahay na to dahil sa ayokong tumira na dito. Kasi habang nakatira ako dito eh halos araw araw ko din naalala ang mga mahal ko sa buhay. Si Mama na namatay na. Si Calvin na patay na din at si Papa na feeling ko wala ng paki sakin.

Ngayon ay papunta ako sa isang company. Kasi una naghahanap sila ng kung ano ano.

Assistant manager, CEO Secretary, designer at huli ay yung mga trabahador nila.

Sumakay na ako ng jeep papunta dun sa company na pupuntahan ko.

Ilang minuto lang ang nakalipas at nakarating din ako dun. Medyo marami na ang tao at ewan ko kung makakaaabot ako.

Pagkarating ko ay agad ako namangha sa kanilang building. Ang ganda. Napaka ganda. Tapos kapag papasok ka na ay makikita mo ang mga books at ang mga gown na gawa ng company nila.

"Ang ganda.." Saad ko. Talagang napaka ganda.

Nung naka-pila na ako ay talagang napakadami ang maga-apply. Yung iba ay kumakain habang nakapila. Ako? Dala ko biscuits at tubig. Eto lang sapat na ako. Siguro mamaya na lang ako kakain after ng interview.

Nung ako na ang susunod ay nag handa ako at nung mapansin kong may matanda na nahihilo dun ay lumapit ako pero sinabi ko sa guard na pakitignan ng pwesto ko.

Pinuntahan ko ung matanda at binigay ang extra kong tubig at dalawang biscuits.

"'Lo eto po oh. Tubig at biscuits. Masyado po ata kayong napagod. Eto po oh kain muna po kayo. Pasensya na po kung yan lang" sabi ko.

"Ayy salamat ija. Salamat" sabi nya.

"Welcome po" sabi ko at ngiti. Tumalikod na ako at bumalik sa pwesto ko 

"Haysss! This is it! Eto na. Kailangan ko ng ipakita ang galing ko. Huling pagkakataon ko nato." Sabi ko sa sarili ko.

At ayun pumasok na ako sa loob. Ang ganda at nung babae sa gitna mukha syang mataray pero okay lang.

After interview

KYAHHHHH! tanggap akoooo! Whooo akala ko mataray yung nasa gitna na si Ms.Arcana Joy Dela Vega. Whooo famouz yan eh! Lalo na yung libro nya. May libro ako nya eh bumili ako kasi ang sabi maganda daw at may aral peeo shet umpisa hanggang dulo lahat ng chapters may aral!

Akala ko mahihirap ang mga itatanong pero bakit parang dinalian lang? Pero okay na yan atleast natanggap ako at di lang yun!

ISA PA AKONG SECRETARY NG CEO! Si Ms.Arcana na ang nagsabi na magiging secretary nya ako. Nakakagulat yun. Pero shemssss ang saya kooo!

"Whoooo! Yesss! Kyahhhhhhh!" Tili ko paglabas ko ng company nila. Whooi hanggang ngayon ang bilis parin ng tibok ng puso ko.

Ngayon ang gagawin ko ay magrerefresh hahaha. Nakakaexcite!

ARCANA's POV

Nandito na ako sa H.O namin

"Oh anong paguusapan?" Tanong ko.

"About sa FIRE GANG" sabi ni perrie

"Oh anong about sakanila?" May medyong inis kong saad.

"Nagtratrain na daw ang kanilang reyna. At sa tingin ko ay anytime susugod sila" sabi sakin ni leigh

"Sige magtratrain na ako." Sabi ko. "Asan nga pala yung pinapagawa ko?" Tanong ko sa mga inutusan ko.

"Mahal na reyna eto na po." Sabi ng isa sa mga inutusan ko.

Tinignan ko yung folder.

"Tss. Punyeta talaga tong babaeng to. Humanda ka sakin. Hintayin mo ako ang magpapatumba sayo!" Sabi ko.

"Sige maghanda kayo." Sabi ko.

"After ng rehearsal namin mamaya mag tratrain na ako. Nakakagigil!" Sabi ko.

"Chillax girl!" Sabi ni leigh

"Okay. Tara na mag rehearsal na tayo!" Sabi ko.

Humanda ka babae ka hintayin mo kong makaganti sayo.

Pagkarating namin sa rehearsal ay nandun na din ang manager namin at mukhang may sasabihin sya.

"Girls" bati nya samin habang naka ngiti.

"Hello!" Bati namin.

"Ammmm girls kailangan na natin makapag handa. Mamaya na ang flight nyo. Mga 2am at makakarating kayo dun ng 7pm. Dahil nga sa iba ang oras dun at dito sa pilipinas ay pagkarating nyo ng 7pm ay makakapag pahinga na kayo pero mga 7am kinabukasan ay may practice kayo." Mahabang usad nito.

"Sige lang." Walang ganang sagot ko.

"Okay mag-umpisa na kayo" sabi nya.

At ayun nga nagumpisa na kami.

Mae's POV

After ng interview ko ay kumain muna ako sa mall. Sa may jollibee lang ako kumain. Ilang oras lang ako nandun.

Nabusog naman ako. Kaya bilang pahinga ay pumunta muna ako sa isang store na puro damit.

Magaganda naman ang mga damit kaya bumili ako ng pang business.

After nun ay umuwi na ako.

Arcana's POV

Kakatapos lang ng rehearsal namin at aaminin ko wala akong naramdamang pagod. Mas gusto ko ang mag training na agad.

"Sasama ba kayo sakin?" Tanong ko.

"Oo naman sis! Aba magtratraining din kami di lang ikaw!" Sabi ni leigh.

"Sige tara na!" Sabi ko at ayun nagpaalam na kami sa mga boys

"Bye baby piggy koooo!" Sabi ni joel.

Nginitian ko naman sya at umalis na din kami. Sumakay agad kami sa kanya kanya naming kotse.

Pagkarating namin sa H.O ay nandun ang mga magtratrain samin at naghihintay. May mini bar naman dito samin eh kaya di sila maboboring plus may t.v pa.

"Umpisahan na natin?" Tanong ko. Tumango naman sila.

Darius's POV

So yun nga ewan ko sa author bakit ako binigyan ng POV eh wala naman ako sasabihin.

Pero eto na nga. Nandito ako sa bahay at napaka boring. Walang magawa. Walang paper works kaya nanood na lang ako ng palabas sa TV.

Kaso sa sobrang boring talaga ayun mas naisipan ko na lang na matulog.

Itutuloy.....

Author's POV

YO GUYSSSS! SO YAN SA BANDANG PAHULI NA AY NABORINGAN AKO. NAWALAN AKO NG SASABIHIN SA UTAK DI KO MAEXPLAIN! BASTA YAN BAKA BUKAS OR MAMAYA AKO MAG EEDIT BASTA MAGUUPDATE NAMAN PO AKO EH. SALAMAT PO SA MGA SUMUSUPORTA NG STORY KO. LABLOTS GUYS!!!

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. INVITE YOUR FRIENDS NA DIN PO PARA MAS DUMAMI ANG READERS KO. SALAMAT POOOOO! LABYUUU GUYSSS LALO NA KAY KUYANG NANGUNGULIT SAKIN NA ARAW ARAW UPDATE. WHAHAHAHA SA TOTOO LANG GUYS SINGLE PA SI AUTHOR!!! LIGAWAN NYO KO HAHAHAHAHAA!

Destined To Born Again (The Revenge) •COMPLETED•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon