Arcana's POV
"Ang ganda ganda mo na talaga!" Sabi ni ate.
"Aba syempre no! Mana sayo eh!" Sabi ko. At nagtawanan kami. Namiss ko yhng ganto.
"Ano ng sunod mong balak? Baka maka tulong ako." Tanong nya. Hmmmm? Ano nga ba?
"Di ko pa alam eh. Magiisip muna ako. Sabihan na lang kita kung meron na" sabi ko.
After namin magusap ni ate ay nagpaalam na sya dahil pupunta syang office. Ako din naman eh kaso nga lang etong mokong na to eh! Kaya ayun sabi ko sakanya i-email na lang nya sakin yung mga papers.
Nung maka alis si ate ay may narinig akong kumalabog. Agad akong pumunta sa kwarto ko. At dun nakita ko si Prince na nakahiga at nakahawak sa ulo nya. Lumapit ako agad.
"Princeee!!!! Omygooshhh! Ano ginagawa mo?" Tanong ko dito. Di naman sya maka tayo.
"Halika dali ibabalik kita sa kama. Ang likot mo kasi matulog eh " saad ko rito.
Sumandal naman sya sa balikat ko at humawak sya dun sa gilid ng lamesa at sinuhukan nyang tumayo. Nakatayo naman sya at naka upo din sa kama.
"Ano gusto mo?" Tanong ko rito.
"Okay lang ako." Walang ganang saad nito sakin.
"Anong okay eh nahilog ka nga eh!" Sabi ko.
"Tsss ang kulit naman eh! Sabing okay lang ako!" Saad nya sakin. Ng dahil dun nagulat ako.
"Umalis ka na sa kwarto. Magbibihis na ako. Aalis na ako.' Sabi nya.
Ng dahil sa gulat ko sa sinabi nya ay napa alis din ako. Until now. Nagpro-process parin sya sa utak ko.
Ilang minuto din ang nagtagal ng biglang bumukas ang pinto ko at lumabas si Prince.
"Aalis na ako." Sabi nya. Di ko sya sinagot. Yumuko na lang ako. Nung mapansin kong di pa rin sya umaalis ay kinuha ko na ang bag ko.
"K." Yan lang ang tanging nasabi ko sakanya at nauna sakanya umalis. Nasa tapat na ako ng elevator ng may humawak sa kamya ko.
"Sorry na." Sabi nya na parang bata.
Tumingin ako sakanya at hinampas ko yung chest nya.
"Ikaw kasi eh! Nagseselos ka kaagad wala naman akong ginagawa! Tapos ngayon maggaganyan-ganyan ka. Iinom ka pa. Tapos sinigawan mo pa ako. Satingin mo di masakit yun?" Sabi ko at tumulo yung luba ko. Pinindot ko yung down dun sa may labas ng elevator at nagbukas din ito agad.
Sumunod dinn naman sya.
"Eh kasi.... nagseselos ako." Sabi nya.
"Kaya nagawa mong mag lasing?" Tanong ko dito. "Ni hindi mo nga ako pinaringgan eh. Di mo ko pinakinggan kung ano yung dahilan ko. Tapos sakin ka pa magagalit." Sabi ko rito.
"Sorry na." Sabi nya.
"Di mo na uulitin?" Tanong ko.
"Opo!" Sabi nya. "Basta kiss mo muna ako! Namiss ko na eh." Sabi nya. Hinalikan ko naman sya. Matagal pero di gumagalaw. Hanggang sa ako na yung nag layo.
"Okay ka na?" Tanong ko.
"Wow!" Tanging nasabi nya. At bumukas ang door ng elevator.
Sabay kaming lumabas ng condo. Mag cocomute na lang daw sya. Nung una pinipigilan ko pero pasaway ang mokong at ayun nag commute nga sya.
Ako naman pumunta sa parking lot at dun kinuha ko kotse ko.
Pinatakbk ko na ito papuntang Company. Pagkarating ko sa company ay nandun din si Ashtroid at inaayos yung mga papers.
"Tapos ka na?" Tanong ko.
"Di pa. May mga lima pa and titignan ko pa yung gmail dahil may mga email din dun na kailangan sagutin." Sabi nya.
"Okay. After work mo umuwi ka kaagad. Pinapauwi ka ni tito noel. May dinner daw sa bahay." Sabi ko.
"Ikaw?" Tanong nya.
"Susunod ako." Sagot ko. Tumango na lang sya at tinuloy ang trabaho nya.
Maya maya pa ay natapos na nya ang trabaho nya. Ako naman ay tapos na din. Isa na lang ang natitira at tapos na din.
"Sabay na lang tayo?" Tanong nya.
"Hindi na. Wag na. May dadaanan pa ako. Mauna ka na" sagot ko dito without seeing him.
"Hmmmmm okay" tanhing nasabi nya na parang napahiya.
"Pasabi na lang na malalate ako." Sabi ko dito. Nakita ko naman sya sa periphial vision ko na tumango at naglakad na para umalis.
Pagkalabas nya ng office ko ay dun ako nakahinga ng maluwag.
Wooooshhhh! Jusmiyo! Kaloka! Anona?????
Tinapos ko na lang yung ginagaw ako at umalis na din.
Ang totoo nyan pupunta ako sa Tom's World tapos dadaan ako ng gym and ng entertainment. Kasi bukas mag gygym ako bago ako pumunta sa office. Kailangan ko na muna mag workout dahil nakakalimutan ko na to. Tapos maglalagay muna ako ng ibang gamit para sa rehearsal namin nextweek dahil may concert nanaman kami.
Pagkarating ko ng tom's world ay bumili ako ng token. Hehe maglalaro lang ako no! Minsan lang to.
Naglaro ako ng kung ano ano dun. Halos nalaro ko na ang lahat haha. At napakadami kong ticket. May nakita naman akong bata. Nilapitan ko yun.
"Bata, bakit ka malungkot?" Tanong ko dun sa bata.
"Ah kasi po si kuya ko ayaw akong bigyan ng token." Sabi nya. Sakto namang may sampu pa akong token kaya binigay ko na lang ito.
"Oh yan ahh! Laro ka na. Halika dali may ibibigay ako sayo." Sabi ko.
Pumunta kami dun sa may ticket booth at binigay ang sandamakmak na tickets ko. Binilang ito sa machine. Umabot ng 1200. Kaya ayun saktong may bear. Yung isa 1000 at yung isa 200. Kaya ayun ang pinili ko.
Binigay naman sakin ng tindera yun. Nung matanggap ko ay binigay ko sa bata ang maliit.
"Sayo na yan ah! Ingat ka!" Sabi ko
"Yehey!!! Thank you po ate!!!!!" Sabi nya at ngumiti at yumakap sakin.
Ningitian ko naman sya at niyakap din.
Nung paalis na ako ng tom's world ay may nakita ako.
Si Prince yun ahhh! Bakit may kasama syang babae? At magkaholding hands pa sila. At yung babae naman ay naka sandal kay Prince. Tsss.
Sinundan ko sila hanggang sa maka alis silang dalawa. Lagut ka sakin. Pinicturan ko sila. Magkahawak habang naka ngiti sa isa't-isa.
Umalis din ako kaagad at pumunta na sa gym na medyo malapit lang sa entertainment kaya mabilisan lang din. Nag sign up lang ako for membership at nagbayad. Dun naman sa entertainment ay inilagay ko at inayos yung mga gagamitin next week.
After nun ay umalis na din ako. Naka kotse ako at tama lang ang pagpapatakbo ko. Ineenjoy ko lang ang byahe ko ng makita ko si Prince.
Kasama syang babae. Yung babae kanina. Sya ulit. Pinag-pagtuloy ko lang yung pagdri-drive hanggang sa makarating ako sa bahay ni tita.
Itutuloy..........
BINABASA MO ANG
Destined To Born Again (The Revenge) •COMPLETED•
Teen FictionPinatay nila ako. Niloko ako ng Darius na yun. Dinamay pa nila si mama. Pinatay nila si mama kaya kung anong ginawa nila doble pa ang gagawin ko. Lalo na kay darius. Pinagbigyan ko sya pero niloko nya ako. Malalagot din sakin sila allysa at Kyline...