Our first shoot

1.5K 41 0
                                    

Calvin's (Arcana's) POV

Natapos ang mga subject namin sa school at sinabi ko na rin Kay Darius ang gagawin namin bukas. Dito na lang kami sa school magsho-shoot.

Ang sabi ko sakanya ay ang una muna naming gagawin ay yung nagkakilala at nung naging kami. Syempre sa project lang yun at syempre kailangan kahit nandito kami ay kailangan wag sya masyado magharot. Kasi sya nagsabi na dito daw sa school mag-shoot para naman daw yung unang pagkikita ay parang na love at first sight sya.

Yung character na gagampanan ko ay yung baklang makulit, magaslaw, clumsy yung malayong malayo sa tunay Kong ugali. Pero bago kami ikasal ay may make over na magaganap. Sinabi yun ni Bess eh. Pero dahil nga 'same sex marriage' ang tema namin ay kailangan ko magbihis babae kapag ikakasal kami. Syempre kahit lalake ako kailangan ko parin maging Isang lalaki. Di kami ikakasal dito sa pilipinas sa ibang bansa kami ikakasal. Pero dahil wala kami pera ay mag sho-shoot kami sa Garden. Sa garden nila Mae. Kasi yung mama ni mae ay galing ibang bansa so yung garden nila ay parang ginaya nila kung saan pumunta yung nanay nya. Maayos na ang lahat ng gagawin namin ni Darius. Ang kailangan ko na lang ay mag ready para bukas.

Ngayon ay nandito ako sa bahay. Kakauwi ko lang rin kani-kanina lang. Syempre si mama ang nandito sa bahay kasi daw si papa pm shift daw sya. So bago umalis si papa ay nagpaalam muna ako na may gagawin akong project sa school bukas. Kasama ko si ate. Kasi si ate magsisilbing camera woman namin. Pumayag naman si papa kaya ngayon eto sinusubukan ko matulog. Pero di ako makatulog eh.

Kinuha ko ang loptap ko at nag open ako nh fb account. Sinama ko na rin yung sa ibang accounts ko like instagram, twitter, youtube, wattpad etc. Sa youtube puro little mix and BTS ang update. So ang ginawa ko pinatugtug ko na lang yung kanta ni moira na Malaya.

Ang ganda ganda ng kanta ni moira. Yung tagos sa puso yung ginagawa nyang lyrics. Iniisip ko nga eh kung dun sa gagawin naming MV ni Darius ay magiging kami tapos mag bre-break dahil sa Isang napakalaking problema kung saan makikita namin kung gaano kami katatag.

Nagsimula na ako mag scroll up and down. Wala naman ako masyadong nagawa sa fb kaya tinignan ko kung sino yung mga nag chat sakin.

Una ko nakita yung gc namin sumunod dun ay ang chat ni Mae. Sinabi lang naman nya na pumayag na daw ang family nya na dun kami mag shoot. Sabi ko naman sa kanya na kung pwede pumunta sya sa school around 10. Para naman may kasama si ate diba! Kahiya naman may klase rin yung ate ko.

Mhuaaaa! (A/N: isipin nyo ung inaantok na kayo. Tapos bigla kayo uunat.ganern hahahah) Inaantok na ako. Kailangan ko na matulog para bukas. Inayos ko ang mga gamit ko at nag set ako ng alarm para magising ako ng 8. Alam naman na ni ate at mama yun eh. Kaya naman muahhh! Inaantok na talaga ako. Sige tulog na ako.

Kinabukasan

NAGISING ako sa lakas ng tunog ng alarm clock ko. Bwiset! Inaantok pa ako eh!. Kagigil huh? Pero dahil nga may project ako ay kailangan ko gumising ng maaga.

Bumaba na ako at nakita ko dun na kumakain na si ate. Binati ko naman sila ni mama ng good morning at ganun din sila.

Pagkatapos kumain ay Agad na ako naligo at nagbihis para makaalis kami ng maaga. Si ate kasi eh excited pa kaysa sakin.

Pagdating namin sa school ay nakita ko na nakaupo lang si Darius habang hawak hawak nya yung cellphone nya. Siguro di nya kami napansin kaya tinawag ko sya.

"DARIUS!!!!!!!" Saad ko

Tumingin naman sya at ngumiti. Well masyado syang nagpapapogi sakin huh?! Bahala na sya Jan tsk!

Destined To Born Again (The Revenge) •COMPLETED•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon