Calvin's (Arcana's) POV
Di na ako nakapag salita ng bigla akong pinakawalan nung lalaki kanina. Taka ko sya tinignan at napagtanto ko na nasa likod na pala nya si Darius. Di ko alam kung ano pinag usapan nila. Parang feeling ko kasi may di sinasabi sakin si Darius eh.
~~~
Nandito na ako sa bahay at nandito ngayon si mama at papa at kinakamusta ako. Pero eto naman si papa ay nagdesisyon na turuan nya daw ako ng mga panlaban para daw maprotektahan ko sarili ko. Di ko alam kung dala lang Ba ng inis o pagaalala nya yun. Basta pumayag na lang ako Kay papa para naman meron akong magagamit panlaban ko.
Umalis na sila mama at sabay ng pagsara ng pinto ay ang pag chat sakin ni Darius. Di ko alam kung anong trip netong lalaking to. Ah basta ayoko muna mag isip.
Di ko na rin muna pinansin yung massage nya at nakinig na lang ako ng mga music na pwede ko pakingan.
Pinatugtug ko ang "Power" ng little mix at di ko inakala na makakasayaw ako ng dahil sa music na yun.
Alam ko nagtataka kayo. Dancer lang ako pero di ako singer di rin naman ako sintonado. Tama lang ang boses ko. Maraming singer ang ganito katulad nila beyonce, Sarah Geronimo, Maja Salvador, Little mix!
Ang angas kaya kapag kumakanta ka na sumasayaw ka pa. Ang galing galing nila tignan.
Nakalipas ang oras na puro pakikinig lang ang naririnig ko. Inaantok na ako. Di ko alam pero may tila may nag iisip sakin. Di kasi ako makatulog eh. Wala naman laman ang isip ko kundi ang matulogna pero feeling ko talaga may nag iisip sakin. Hayy ang labo! Makatulog na nga!
Zzzzzzz!
*-* *–* *—*
Darius's POV
Di ko maiwasan isipin si Calvin dahil sa nanyari kanina. Nandito na din ako sa bahay. Nakahiga sa Kama ko habang nakikinig ng mga kanta sa youtube.
Yung mga nanyari kanina isa palang yun sa kayang gawin ng kapatid ni Kyline.
Alam ko nagtataka kayo kung bakit ganun ang nanyayari. Ganito kasi yan.
Flashback
"Babe saan tayo?" Tanong sakin ni Kyline.
"Babe dun na lang tayo sa horror house" Sagot ko.
"Ihh ayoko dun!. Nakakatakot" sabi nya
"Exactly! Kaya dun tayo sa horror house"
"Why?" Tanong nya
"Para kapag natakot ka tatakbo ako para magisa ka lang dun" sabi ko
Agad naman nya ako binatukan kaya natatawa na lang ako. Nag jojoke lang naman ako ihh hahahha
"Loko ka! Iwan kita dyan eh" sabi nya
"Joke lang naman. Kasi kapag natakot ka dun yayakap ka sakin at yauakapin din kita. Ayaw mo nun! Ako gusto ko para sure ako na ligtas ka sa bisig ko." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Destined To Born Again (The Revenge) •COMPLETED•
Teen FictionPinatay nila ako. Niloko ako ng Darius na yun. Dinamay pa nila si mama. Pinatay nila si mama kaya kung anong ginawa nila doble pa ang gagawin ko. Lalo na kay darius. Pinagbigyan ko sya pero niloko nya ako. Malalagot din sakin sila allysa at Kyline...