Pictorial

867 33 1
                                    

Calvin's (Arcana's) POV

Natapos ang room by room namin at talagang gutom na gutom na talaga ako. Kasabay pa nun is yung inis kasi si laging hawak ni Darius yung kamay ko kaya yung mga studyante gustong gusto kami. Nakakagutom lang yung inis ko sa kanya.
Ngayon ay nandito ako sa Cafeteria at um-order ako ng food ko. Yung mga dating nang-aapi sakin ngayon yung iba sa kanila idol na ako.

Nandito na ako sa upuan kung saan ako talaga ang pumili haha. Pero may mga kasama naman ako sa table. Di ko hinubad yung wig kasi feeling ko hanggang ngayon na lang to tapos yung make up ko di ko rin binura.

It's already 1pm. Lunch time na ng mga pang umaga. At alam Kong nandito sila para bumili ng pagkain nila. Mamaya itutuloy namin yung pag ro-room by room sa school. Nag lunch lang kami Mga candidates.

Habang kumakain ako ay nakikita Kong tumitingin sakin ang mga studyante ng school na to. Biglang may studyanteng lumapit sakin. Sa pag-tingin ko sa kanya ay mukha syang Grade 7. Sya pala yung baklang nagtanong sakin kanina.

"Hi po ate!" Bati nya.

"Oh! Hello! Bakit? Ano kailangan mo?" Tanong ko rito.

"Amm..... nakakahiya po eh" sabi nya.

"Haha wag ka mag alala di ako magagalit. Okey lang ano Ba yun?" Tanong ko ulit.

"Amm pwede po Ba magpa-picture ulit hehe" sabi nya.

"Yun lang pala sige" pagpayag ko.

Nagpapicture naman sila ng mga kaklase nya. Akala ko sya lang pero kasama pala yung mga kaklase nya. Kaya ayun dumami sila. Hanggang sa dumami sila ng dumami. Pati yung mga taong nakatingin sakin kanina nakipag-papicture na rin.

May umaawat naman sa kanila sila Bessy pala. Kasama nya si Darius. Tsk sinama nya pa yan! Sarap konyatan

"Oppsss wait lang! Baka mainitan yung girlfriend ko" sabi ni Darius. Tsk ang yabang nya!

"Wait lang po padaan po he he" sabi naman ni Bessy kaya naman pinuntahan ko si Bessy at tumabi sa kanya.

Tumabi naman sakin si Darius. "Oh bakit ka tumabi?" Tanong ko.

"Sorry na!" Pagmamakaawa nya.

"Che! Di pa tayo bati!" Saad ko.

Huhu sorry Darius pero papakipot muna ako hihi haha

Huli ko na napansin na naka-alis na pala ang mga Tao. Balik na Agad sila sa mga dapat nila gawin. Kaya ako bumalik na ako sa upuan ko pero this time kasama ko si Mae.

"Bessy anyare sainyo?" Bulong na tanong ni Bessy

"Ang kulit nya kasi kanina eh." Sabi ko.

"Eh nagso-sorry na nga yung Tao oh" sabi nya.

"Papakipot lang ako ha ha" bulong na Sagot ko sa kanya.

"HAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAH!" Tawa nya. Hala naloka na!

"Bessy!!!! Naloloka ka na! Ipapadala kita sa mental wait lang!" Saad ko sabay kuha ng cellphone ko sa bag. Tatawagan ko lang yung number ng mental hospital.

"Oyy! Ano yan? Sino tinatawagan mo?" Tanong ni Mae.

"Yung Mental hospital sis! Papa mental na kita nababaliw ka na!" Saad ko.

"HAHAHAHAHAHA!" Tawa naman ni Darius. "LT Mae hahaha!!!!!!" Tawang Saad nya.

"Ano Ba nakakatawa?" Tanong ko

"Kasi sis para kang tanga! Papakipot ka pa eh ang simpleng bagay lang nun tapos ngayon papadala mo ako sa mental eh wala naman akong sakit WHAHAHAHAHAHAH!" Tawa nanaman nila.

Ngayon ko lang napagtanto na mukha nga akong tanga sa ginagawa ko hahaha di ko mapigilan sarili ko sa pagtawa hahahaha

Agad naman kaming tumigil sa kakatawa at napagdesisyonan na umakyat na lang sa computer lab namin. Dun kasi kami nagkikita kita eh. Pagdating namin dun eh sakto naman na papaalis na sila kaya sumama na lang kami. Pero this time nagpipigil parin ng tawa yung dalawa

•~• °~° •~•

Matapos namin sa pagro-room by room ay Agad na kami nag-bihis para pumasok sa mga subject namin pero Agad din kami pinigilan ng Isang Candidate kasi daw excuse na kami at kailangan din namin magpakilala sa mga pm shift.

It's already 2pm. Medyo pagod pero sulit naman kasi kailangan din namin ng pahinga.

*-* °~° •~•

Natapos na namin lahat ng gagawin at ngayon ay magpi-pictorial na kami medyo haggard pero kailangan namin magre-touch para naman maging maganda kami sa picture.

Ngayon ay nakabihis ako. Naka Green na t-shirt na nakalagay 'I am fierce lady' tapos tinali ko sya sa likod. Tapos naka pants ako na black. Tapos heels na sobrang taas na kulay black. Kailangan maging maganda ang picture namin kasi dun nila makukuha kung sino yung Ms. Photogenic.

Kailangan mag-mukhang mataray kami. Kaya yung nag-make up sakin ay di si mae kundi yung kaibigan nya na bakla rin. Minake up-an nya ako ng sobrang ganda. Tapos yung lips ko red na red. Talagang fierce na fierce ang datingan ko.

Pagkatapos magpa-make up ay pumunta ako sa kabilang room namin kasi kailangan nandun na kami ngayon.

Pinicturan na nila yung ibang Candidates kahit wala sa number pic sila ng pic. Ako yung huli at si Prince.
Masasabi Kong ang popogi ng mga boys. Lalo na si Darius. Nagmukha syang maangas sa suot nyang tuxedo. Tapos yung sa mga katulad Kong beki naman ang gaganda nila. Talagang pinaghandaan nila. Yung iba pa nga dun Kala mo model na model ang dating eh.

Ayan na ako na! Kailangan ko na maging fierce.

'CLICK'

Fierce queen

'CLICK'

Is now alive

'CLICK'

Kaya matakot ka na!

--------

Kakatapos lang ng pictorial namin kaya yung iba Samin ay Kala mo byernes santo na ang mukha hahaha.

Ang sabi samin ay ididikit daw yung mga picture namin dun sa bulletin board ng HS. Dun na lang daw namin makikita. Tapos yung student president naman ang magbabantay sa pera na ibibigay o ihuhulog ng mga studyante. Dun daw nila malalaman kung kanino sila boto.

Kahit Ms. Photogenic lang akin push na. O kaya mag second runner up ako.

Nakakagutom pala. It's already 4 pm at ang sabi Samin ay pwede na daw kami umuwi kapag 5 na. Kaya ako eto tambay sa cafeteria.

Nandito din sila Darius at Prince kasama nadin si Bessy syempre.

Habang kumakain kami ay may Biglang lumapit Kay Darius at kumandong pa ito. Kaya ako ay tinignan ko kung sino yun at laking gulat ko na si allysa pala iyon. Si allysa ay pinsan ko. Kasing idad ko lang ren sya.

"Hi babe!" Saad nya habang hinalikan nya ang pisngi ni Darius. Tumingin naman sakin si Darius. Bigla ako nakaramdam ng inis. "Oh Hi Calvin!" Bati sakin ni allysa

Tinignan ko lang sya. Mata sa Mata. Kung nakakamatay lang ang tingin ko baka kanina pa sya nasa kabaong.

"Oh hello my cousin!" Plastic na bati ko sa kanya.

Nakuuuuu!!!!! Lagot ka sakin Darius! Ano nanaman to?

"Sorry I need to go na kasi eh! See you again na lang! Bye!" Paalam ni Allysa. Tumingin naman sya Kay Darius. "Bye babe! See you!" Paalam nya sabay halik sa pisngi.

Ang kapal talaga! Mang-aagaw sya! Jusq lagot ka sakin Darius.

Gusto mo talaga ng away ah!

Itutuloy.......

Destined To Born Again (The Revenge) •COMPLETED•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon