Room by room

852 32 0
                                    

Calvin's (Arcana's) POV

Pagkatapos ng rehearsal namin ay nagbihis Agad ako. Pero ang sabi Samin wag daw huhubarin ang make up and wig. Tapos magsuot daw kami ng tshirt tapos pants na lang.

So yun nga sinunod lang namin yung sinabi samin. Naka t-shirt ako na white na medyo mahaba tapos naka ripped jeans na black ako.   Yung sa may manggas ko tiniklop ko. Medyo mainit kasi eh.

So yun nga lumabas na ako. At nakita ko naman yung mga candidates na naglalakad papunta sa stage kaya naman pumunta na ako dun. Kasi dun daw kami magkikita-kita sa stage.

Nandito na ako sa stage at nandito na rin sila darius, Prince at Mae. Syempre ako katabi ko yung dalawang lalake. Tapos si Bessy naman katabi nya si Prince. Si Darius kasi ang escort ng candidate no.5 kaya katabi ko sya.

"Okey ladies and gentlemen I'm sure naman na alam nyo na kung ano ang gagawin natin? Mag ro-room by room tayo tapos magpapakilala kayo. Tapos hihikayatin nyo sila na iboto kayo. Pero with a twist kasi ang gagawin natin ay may magtatanong sa inyong mga studyante. Para naman masanay kayo o kumbaga ay ma-warm up kayo sa Q and A natin kapag during Contest na. Syempre sasagutin nyo yung tanong nila." Sabi ng teacher namin.

"Okey? So let's go? Uumpisahan muna natin sa grade 7." Dugtong nang teacher namin.

So yun nga naglakad na kami papuntang Grade 7. Nang nasa g7 na kami ay una namin pinasukan ang section 1 which is section Santol.

Nag excuse yung teacher namin sa teacher dun at pinapunta kami sa maliit na stage dun kung saan nandun yung lamesa ng teacher.

Unang nagpakilala yung Candidate no.1 nang matapos sya ay Candidate no.2 naman.

Ng matapos sila ay sumunod na si Candidate no.3

Masasabi ko lang ay ang ganda ng mga intro nila.

Ako na! Fight Calvin Fight!

"Hi! My name is Calvin. 17 years of age. Queen of the jungle. Di ko na gagandahan ang intro ko. Nais ko lang po sabihin na maraming maraming salamat po sa panonood nyo Samin kanina. Sana po ay nagustuhan nyo ang napanood nyo. At sana po iboto nyo po ang ibang Candidates. Kahit wag nyo na ako iboto. Okey lang basta ang importante ay napasaya at nabigyan namin kayo ng kaligayahan. Again I'm Calvin Santos Candidate no.4 and I am the Queen of the jungle." Sabi ko.

Pagkatapos ko magsalita ay Agad may nagtaas ng kamay. Siguro ay may tanong sya kaya tumayo sya at nagsalita. Katulad ko din sya.

"Bakit gusto mo manalo yung ibang Candidates?" Tanong nya.

"Thank you for your question. Gaya nga ng sabi ko. Nais ko lang mag bigay saya sa inyo. Kung matalo man ako okey lang atleast na-experience ko kung paano sumali sa gantong patimpalak. Ako ay simpleng studyante lang. Wala akong Laban sa kanila. Pero kung ako man ay papalarin manalo ay magbibigay talaga ako ng milyong milyon na pasasalamat. Pasasalamat dahil binoto nyo ako. At magpapasalamat din ako dahil kahit wala akong Laban ay sinubukan Kong makisabay kahit mukhang huli na ako ay nanalo parin ako." Sabi ko.

"So gusto mo manalo rin?" Tanong nya ulit.

"Kung papalarin. Why not? Pero dahil alam Kong wala akong Laban sa kanila ay alam ko rin na matatalo ako. Di ko to sinasabi para magpabida. Sinasabi ko ito dahil alam Kong nakikita nyo naman na wala akong Laban sa kanila. Magaganda, sexy at matatalino." Sabi ko.

May nagtaas ulit ng taas. Babae naman.

"Sino sa mga lalaki na candidates ang gustong gusto mo? O nagugustuhan mo?" Tanong nya.

Agad akong nabigla sa tanong nya. Tumingin ako Kay Prince na nakayuko lang. Tumingin naman ako Kay Darius na nakatitig sakin. Halata sa Mata nya yung pag-aalala.

At dahil tanong yun ay kailangan ko yun sagutin.

"Kung ako man ay may gusto o nagugustuhan sa mga boys candidates ay si Candidate no.5" Sagot ko.

"Bakit si Candidate no.5 po?" Tanong nya ulit.

"Boyfriend ko kasi sya" Sagot ko.

Yung mga studyante naman ay kinilig. Tumingin ako Kay Darius na namumula ang tenga habang naka-tingin sa malayo.

"Ayieee si kuya Pogi kinikilig!" Asar nung Isang studyante.

"Shhh...... stop na!" Sabi ng teacher namin.

Tinuloy nila ang pagpapakilala hanggang sa boys naman ang nagpakilala. Nang si Prince ay tapos na magpakilala ay may nagtanong sa kanya.

"Kuya May GF ka po Ba?" Tanong ng bata.

"W-wala" utal nyang Sagot. Bakit sya nauutal?

"Eh may nagugustuhan po Ba kayo sa mga Candidates?" Tanong ng Isa pang studyante.

"Oo" Sagot nya.

"Sino po?" Tanong ng studyante

"Eto yung katabi ko." Sabi nya. Agad syang tumingin sakin. Huli na ng malaman ko na umiwas pala ako.

"Ayiee may Love triangle sila!" Sabi nung baklang studyante na nag-tanong sakin kanina.

Tapos na sila magtanong kaya naman si Darius na ang nagpakilala

"Hi I'm Darius lee. Please Vote me!" Sabi nya.

May nagtaas ng kamay its mean na magtatanong sya.

"Kuya? May gusto ka po Ba Kay Ms. Santos?" Tanong ng studyante. Omy! Tinawag akong Ms juicecolored!

"Sorry pero di na sya Ms eh" sabi ni Darius. Ano pinagsasasabi neto?

"Huh? What do you mean kuya?" Tanong ng studyante

"She's Mrs.Lee" sabi nya.

Agad ko sya kinurot sa tagilid nya. Napadaing naman sya.

"Ano Ba pinagsasabi mo?" Bulong Kong saad

"Why My'loves? Ayaw mo Ba?" Sagot nya na halatang sinigaw nya ng konti.

"Junior yan Darius! Wala pang kamuwang muwang yan!" Saad ko.

"Ihh gusto ko eh!" Saad nya.

"Ayieeee may LQ na Agad sila! Kilig na kame diba kids?" Saad ni mae. Aba naghanap talaga ng back up!

"Oo nga kyahhh! Kakilig kayo ni Mrs.Lee" sabi nung Isang studyante.

Yumuko na lang ako dahil sa hiya! Kaloka talaga tong payatot na to! Agaw atensyon tuloy kami.

Tinuloy na nila yung pagpapakilala nung ibang studyante pero etong mokong na Darius na to hinahawakan pa yung kamay ko tapos hinahalikan yung ulo ko. Di porket matangkad sya lalandi na sya. Nasa harap parin kami ng grade 7

"Pag di ka tumigil di ka na makakahalik dyan habang buhay" bulong ko.

"Sige basta kiss mo muna ako sa cheeks" sabi nya.

"Che! Bahala ka dyan!" Sabi ko. Tumigil naman sya buti naman.

Ng matapos lahat candidates magpakilala ay Agad kaming tumayo ng straight.

"MARAMING SALAMAT SA INYO! SANA'Y KAMI AY IBOTO NYO!" Sabay sabay naming Saad.

At umalis na yung ibang Candidates hanggang sa kami na lang ni Darius, Prince,Mae ang natira. Biglang naglakad si Prince palabas at si Mae ganun din.

Kami na lang natural ni Darius. Ng susunod na kaming lalabas ay Agad akong hinila ng mga studyante. Magpapapicture lang pala sila.

*click*

*Click*

*click*

Click dito click doon. Ang daming flash na dumadapo sa mukha ko. Hanggang sa si Darius naman ang lumapit at pinicturan kami.

Buti na lang ay sinabi namin na kailangan na namin umalis kaya nag thank you sila at nag request na i-cormfirm ko daw sila sa Fb.

Ang saya pala ng ang daming sumosuprta sayo! Nakakagaan ng loob!

Itutuloy.....

Destined To Born Again (The Revenge) •COMPLETED•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon