The Beggining

4.6K 117 3
                                    

Calvin' POV

Year 2018

Masayang masaya ang aking ina habang kwinekwento nya kung paano nya ako pinaganak. After nya daw ako ipanganak ay sya lamang ang nag aalaga sakin. Masayang masaya daw sya nun at habang binubuhat nya daw ako eh nandun daw kami sa garden maraming mga flowers ang nanduon. Bata palang ako eh alam na ni Ate na bakla ako kasi lagi nya ako sinusuotan ng pambabae ako naman ay gustong gusto ko. Ang iniiwasan ko lang ay ang malaman ng aking Ama't ina na ako ay Isang bakla. At dahil ayaw ko nga malaman nila na bakla ako nagiging panlalake ang galaw ko para di nila malaman na bakla ako. Ang alam lang ni mama ay binubully ako ng mga kaklase ko kasama na ang pinsan ko. Grade 8 na ako ngayon at malapit na lang para maging grade 9 na ako hehe

"Bakla! Bakla! Bakla! Ang pangit mong Bakla! Salut!" Sabi ng mga kaklase ko.

Yan na lang lagi Kong naririnig sa mga kaklase ko araw araw. Sawang sawa na ako. Pero sabi ni mama wag daw ako lumaban hayaan ko lang daw sila.

"Bahala kayo kung ano gusto nyong gawin sakin! Magsasawa rin kayo sa ginagawa nyo. Gaganti rin ako tandaan nyo yan!" Sabi ko

"Kung kaya mo Calvin. Pangit ka at di na magbabago ang pagtingin namin sayo kasi SALOT KA!" Sabi Kyline. Sya yung babaeng maganda at play girl! Lahat ng lalaking magugustuhan nya kailangan sakanya yun. Si Kyline Pinsan ko sya pero Mas matanda sya at kahit ganun ako parin ung talo. Di ko sya kayang labanan kasi Pinsan ko nga sya at mahal ko sya.

Di ko na sila pinansin at naglakad ako papuntang Classroom. Kanina kasi nag aaway kami sa quadrangle.

Teka?! Nakapagkilala na Ba ako? Di pa noh? Sige magpapakilala na ako. Ako si Calvin Santos! Pangit noh? Kayo bahala pero dahil sa apilyido ko nabuhay ako. At dahil dito kilala ang pamilya namin na masipag na pamilya. Di man kami mayaman di rin naman kami mahirap. Sapat lang ang pera namin at tama lang yun para makapag Aral kami sa private school at makakain kami 3 times a day. Ang mama ko ay nagtitinda sa palengke pero minsan inaalagaan nya rin naman kami. May kapatid ako si ate Bianca sya ang nakatatanda Kong kapatid sya ang laging nagtatanggol sakin Kay kyline. Si ate Bianca at si Kyline ay magkasing-idad lang yun nga lang di ko tinatawag na ate si Kyline. Ayoko eh. Ang papa naman namin ay Isang pulis. Lagi kami naglalaro nun. Oo nga pala 13 years old palang ako. Alam Kong bata pa ako para sa ganto pero nalamon ng social media eh hahahha.

"Calvin! Ano nagda- day dream ka nanaman Ba? Aba pasalamat ka wala si ma'am kundi patay ka" sabi ni Mae. Si mae ay best friend ko Isa rin sya sa nagtatanggol sakin kapag inaaway ako ni Kyline.

"Sorry na bess. May iniisip lang naman ako eh" sabi ko

"Sino naman iniisip mo? Si Darius?" Sabi nya. Si Darius ay crush ko simula elementary hanggang ngayon na high school na ako sya parin.

"Hindi ah........ parang sira. Bakit ko naman iisipin yun? Bakit iniisip nya Ba ako? Hindi naman ah?"sabi ko

"Ah oo di ka nya iniisip kasi nakatingin na sya ngayon sayo." Sabi nya sabay turo dun sa kabilang side ng upuan at tinignan ko naman yun. Oo tama sya nakatingin nga sya sakin. Biglang namula yung tenga at pisngi ko

"D-di na-naman e-eh. Niloloko mo a-ako" sabi ko na medyo nauutal.

"Wehhh? Di daw eh bakit ka nauutal?" Sabi nya.

"Ewan ko sayo hahahah" sabi ko

"Girl papalapit dito si Darius!" Sabi nya kaya bigla ako tumingin at di nga sya nagkamali nakatayo na si Darius sa harapan ko.

"Hi Calvin! Kamusta? Akalain mo yun magkaklase parin tayo?" Sabi nya

"O-ok lang! I-ikaw ka-kamusta?" Sabi ko na pautal. Ewan ko kung bakit ako nauutal. Ganito Ba talaga kapag may Nagpapakilig sayo? Eh di naman ako pinapakilig ni Darius eh. Ako lang talaga yung kinikilig.

Destined To Born Again (The Revenge) •COMPLETED•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon