Darius's POV
KAKAGISING ko lang ngayon at masasabi ko lang ay di parin kumpleto ang tulog ko. May kulang. Simula nung mawala sya may kulang na. Haysss... siguro nga dapat ko na nga sya kalimutan. Dapat di ko na sya iniisip para makapag-move on ako.
Bumaba na lang ako at sumalubong sakin si allysa. Pinaghandaan nya naman ako ng pagkain at tumabi sya sa harapan ng anak namin at pinakain nya ito.
She's beautiful, she's not a perfect wife pero she's a good mom for our kid. May karapatan sya para mahalin. May karapatan sya para maging asawa't ina.
"Baka naman maubos yang kanin mo kaka-tingin mo sakin," ngising saad nya.
"H-huh? Ahhhh! Nakaka tulala kasi yang mukha mo eh." Sabi ko sabay ngisi.
Nakita ko naman syang nag blush. Hahahaha just what i want to see.
"Aakyat muna ako. Kailangan ko maligo." Sabi ko.
"Sige. Papasok ka ba ngayon sa school? Kung hindi pwede ako naman pumasok?" Tanong nya.
"No. Papasok tayo. We have a date later. I will call my yaya. Sya na ang bahala kay princess." Sabi ko.
"S-sige" sabi nya sabay tingin sa pagkain ng anak ko. Alam ko na iniiwas nya ang tingin.
Arcana's POV
"Ang bagong ngiti sa isang bahaghari ay sumilay na. Ang kagandahang matagal ng nakatago ay ngayon lalabas na. Ang malungkot na nakaraan ay papalitan ng isang bagong mukhang di nila makakalimutan. Ang mukhang di nila kayang labanan kundi kanilang mamahalin. Di man ako kasing perpekto ng nakaraan, sisiguraduhin kong sila'y magsisisi sa kanilang ginawa. Ang bahaghari'ng sisilaw sa ganda ng kanyang ngiti ngayon ay magpapakita"
Destiny rose theme song : ako'y mahalin
"Arcana....." tawag sakin ni tita zoey.
"Po?" Sagot ko.
"Nandito ang aking mga kaibigan at pwede mo rin sila maging kaibigan." Saad nya.
"T-tita...... maaari ko na po ba tignan ang aking mukha?" Tanong ko.
"Yes you can." Sagot ng doctor.
"Doc! Are you sure? Is that okey?" Tanong ni tita zoey.
"Yes. She's okey now. And since tapos na yan. Yung mukha palang nya ang pwede nating tanggalin kasi ang katawan nya ay baka bukas pa." Doc said.
"Ok doc." Sabi ni tita
Unti unti na nyang tinatanggal ang aking benda sa mukha. At ako'y nakapikit lang. Ng matanggal nya na ang benta ay nakapikit parin ako.
"Open your eyes babe" he said.Unti unti ko binubuksan ang aking mata at nakita ko ang isang maputing kisame.
"See your beautiful face" doc said.
Inabot nya sakin ang isang salamin at nagulat na lang ako sa aking nakita. Ako ba ito?
BINABASA MO ANG
Destined To Born Again (The Revenge) •COMPLETED•
Novela JuvenilPinatay nila ako. Niloko ako ng Darius na yun. Dinamay pa nila si mama. Pinatay nila si mama kaya kung anong ginawa nila doble pa ang gagawin ko. Lalo na kay darius. Pinagbigyan ko sya pero niloko nya ako. Malalagot din sakin sila allysa at Kyline...