Calvin's (Arcana's) POV
"My'loves sorry na! Di ko naman alam na pupunta si Allysa dun eh." Pagmamakaawa ni Darius
"Che! Bahala ka dyan! Dun ka sa allysa mo!" Sabi ko.
Nakakainis kasi eh. Pagkatapos umalis ni allysa bukang bibig na nya yun. Nakakagigil nga eh!
Di ko na lang sya pinansin at naglakad papunta sa susunod namin na room by room. Dito na kami sa Grade 10. Mga studyante na hari daw ng mga junior high.
Nandito na kami at ako na ang magpapakila.
"Hi my name is Calvin Santos! 17 years of age. Please vote me thank you!" Saad ko.
******
Natapos ang room by room nami. At ngayon ay pagod na talaga ako. Gusto ko muna umuwi sa bahay. Tutal bukas ay last practice na namin at sa susunod na araw na ang pageant namin.
Di ko nga alam ang gagawin ko sa contest eh promise! Kasi yung mga tanong feeling ko mahihirap talaga.
Ganito kasi yung manyayari sa pageant. Una mag mo model kaming lahat tapos tatanungin kami Isa Isa tapos kukuha na daw sila ng top 6 dun tapos yung anim na yun ay mag de-debate tapos kukuha naman daw sila ng top 3 dun. Yung top 3 naman daw yung sasagot ng Isang tanong na sigurado ako mahirap.
Ang ganda nga ng Laban eh. Tapos kada round mananalo ka. Kung sino naman yung mananalo sa pageant ay may pagkakataon na makalaban ang ibang school. Tapos kung sakaling manalo ang school namin ay bibigyan daw yung nanalo ng tatlong pagkakataon na pumasok sa showbiz o kung saan.
Ang ganda nga eh. Kasi yung may Ari ng school na to ay Isang artista. Sabi nila. Pero parang feeling ko nga kila Darius to school eh. Ahhh basta ayoko na mag-isip nahihilo lang ako.
Ngayon ay nandito na ako sa kotse ni Darius. Si Darius ang driver ako naman yung katabi nya sa front seat.
°~° *~* •~•
Nandito na kami sa bahay at si Darius naman ay nasa baba. Ako nasa kwarto. Inaantok na talaga ako eh. Humiga ako sa Kama ko at pumikit. Patulog na sana ako ng maramdaman ko bumukas ang pinto at may humiga sa Kama ko. Nung una akala ko si ate. Kaya naman humarap ako dun at nung naidilat ko ang Mata ko nakita ko si Darius na nakahiga habang naka-tingin sakin. Dahil sa gulat ay napatayo ako Agad at hinagis ko ang unan ko dun.
"Ano ginagawa mo rito?" Tanong ko.
"Matutulog" Sagot nya habang naka-ngiti.
"Oyy akin to kwarto! Dun ka sa guest room!" Sabi ko.
"Eh ayaw ako dun ng mama at papa mo sa guest room eh. Sira daw yung aircon dun" sabi nya.
"Tsk! Dun ka sa sofa ko! Ayan oh!" Turo ko sa sofa ko.
"Ihh dito na lang ako" sabi nya.
"Ayoko!" Sagot ko.
"Please" pagmamakaawa nya.
Wala naman ako magawa bukod sa Hindi sya kasya sa sofa ko dahil kapre tong lokong to. At mainit dun. Kaya no choice tatabi talaga sya sakin.
"Sige na nga! Pero may harang na unan ah" sabi ko. Pumayag naman sya. Kaya nilagyan ko ng unan yung sa gitna namin. Masama talaga yung pakiramdam ko. Habang nakatingin sakanya unting unting bumibigat yung talukap ng Mata ko kaya wala na tulog na.
Zzzzzz
*****
Darius's POV
Ang cute ng mukha nya kapag tulog. Kala mo kuting na nakapikit lang. Di ko lubos maisip kung paano ako nahulog Kay Calvin. Napaka-simple lang kasi nya eh.
Ayaw nya pa ako patulugin dito sa kwarto nya. Ang totoo nyan sinabi ko dun sa mama at papa nya na dito ako matutulog sa kwarto ni Calvin. Nung una ayaw nila pero sinabi ko na wala po akong gagawin na masama.
Di ko maiwasan tanggalin ang paningin ko sa kanya kasi parang mukhang ayaw mo na talaga syang layuan once na malapitan mo sya.
Hinawakan ko ang pisngi nya pero ang init ng pisngi nya kaya tinignan ko sa leeg nya kaya napag-alaman na may sinat sya. Kaya Agad ako tumayo at bumaba. Humingi ako ng tubig na may yelo tapos bimpo pati narin one glass of water at gamot.
Agad ako umakyat sa taas ng makuha ko na lahat ng yun. At inalis ko yung mga unan na naka-harang samin dalawa kanina at tinihaya ko sya.
Pinunasan ko sya ng basang bimpo at ginising ko sya.
"My'loves?? Gising ka naman oh iinom ka ng gamot eh" sabi ko.
Unting unting dumilat ang Mata nya at ang nakita ko sa Mata nya ay saya. Yun yung matagal ko ng di nakikita sa kanya.
Habang pinupunasan ko sya ay unti unti syang nagigising.
"Darius? Anong nanyare?" Tanong nya.
"May sakit ka My'loves eh..... pero okey lang kasi ako naman mag-aalaga sayo" sambit ko.
Namula naman sya kaya di ko maiwasan na mapa-ngiti dahil sa ang cute nyang mamula.
"Ako na Darius" sabi nya.
"No babe! Ako na. Magpahinga ka na dyan. Just relax okey?" Sabi ko.
Di ko alam kung kelan ko sasabihin sa kanya na ikakasal na ako para lang sa company namin. Ayaw ko sya masaktan. Lalo na na nasa paligid lang ang tauhan ni allysa.
Patuloy parin ako sa pag-punas sa kanya kaya nakatulog nanaman sya. Haysss pinapabayaan nya kasi yung kalusugan nya eh. Pano kaya kung wala ako sa tabi nya? Ayoko pa naman na nagkakasakit sya.
Dahil sa antok na rin ako ay nakatulog ako sa tabi ni Calvin. Nakayakap ako sa kanya. Ng pumikit ako ay unti unti nalalaglag na ang enerhiya ko pero bago ako makatulog ay naramdaman Kong humarap sya sakin at yinakap ako.
Shit! Namumula ako! Bakit kaya sya lang nakaka-gawa nun sakin. Yung kaya nya akong pakiligin.
Pano kaya ako mabubuhay kung wala sya? Pano kaya ako ngingiti kung wala sya? Ayoko syang iwan pero kailangan ko gawin ng dahil sa punyetang business na yan.
Sana mahalin nya parin ako kahit na kailangan ko gawin ang dapat Kong gawin.
Dapat nga Ba? Tama Ba ang gagawin ko? Ayokong mawala sya saakin.
-----______------
Nagising ako ng maaga dahil sa kailangan namin mag hand ni Calvin para sa pageant at kailangan ko syang paghandaan ng pagkain. Ayokong magutom ang bebe ko.
Agad ako bumaba sa kusina nila at ng masiguro Kong walang papasok rito ay Agad akong gumawa ng sopas. Isa rin to s mga paburito nya eh. May mga recipe namab dito si tita para makapag luto ako.
Habang nagluluto ako ay feeling ko may tumitingin sakin kaya Agad ako humarap sa pinto. Hindi nga ako nag-kamali at nakita ko si Calvin na nandoon. Wtf?! May sakit sya ah..... bakit pa sya bumaba?
Agad ko sya pinuntahan sa pinto at nakita ko syang kinakamot pa ang Mata nya so I guess kakagising pa lang nya. Agad ko syang niyakap dahil sa kadahilanan na namiss ko sya kahit kasama ko sya dito sa bahay nila. Uuwi na ako mamaya kaya susulitin ko na.
"I miss you babe" Saad ko.
"Ehk? Kanina pa tayo magkasama sa kwarto ah.... ikaw ahh tinanggal mo yung unan sa gitna ah. Di mo talaga matiis na wala ako?" Sabi nya.
"Oo. Oras, minuto, Segundo gusto ko kasama ka." Sambit ko.
"Ang corny mo po kyahh" sabi nya pero nahalata ko na kinilig sya.
"Corny nga pero napatawa at napakilig naman kita" sabi ko.
"He! Tara na nga ano Ba ginagawa mo dyan sa loob ng kusina?" Sabi nya.
"Pinagluluto kita ng sopas. Hehe" sabi ko.
"Hala! Bakit mo ginawa yun? Bisita ka rito Hindi ka yaya" sabi nya. Bahagya akong napatawa dahil sa sinabi nya.
"O.A mo masyado My'loves Tara na nga!" Sabi ko.
*****
Itutuloy
BINABASA MO ANG
Destined To Born Again (The Revenge) •COMPLETED•
Teen FictionPinatay nila ako. Niloko ako ng Darius na yun. Dinamay pa nila si mama. Pinatay nila si mama kaya kung anong ginawa nila doble pa ang gagawin ko. Lalo na kay darius. Pinagbigyan ko sya pero niloko nya ako. Malalagot din sakin sila allysa at Kyline...