Help by Mr.Noel

1.2K 48 3
                                    

Darius's POV

Sinabi sakin ng mga bumbero na masyado daw maraming bagay ang nasa loob na pwedeng panggalingan ng apoy kaya ganun pero ang sinabi nilang pinang-galingan ng apoy ay ang kahoy na may gas at ang kalan. At may nakita daw silang katawan sa loob ng bodega at isa daw itong sunogsunog na katawan. Di nila makumpirma kung si Calvin nga iyon dahil sa sunog sunog at lasog lasog ang katawan nito. Pero malakas ang kutob ko an di sya yan! Dahil di ko matatanggap kung mawawala sya.

Ngayon ay nandito parin ako at umiiyak dahil mukhang totoo nga sila ng sabi dahil baka nga si Calvin ito dahil sa isang kwintas. Yung kwintas na binigay ko sa kanya. At ang masaklap pa ay siguradong maglulumo ang pamilya nila dahil kasabay nito ang pagpanaw ni tita dahil sa saksak sa katawan. Ilang saksak ang ginawa ng di pa kilalang tao. Sa hospital daw ginawa ang pananaksak habang nagpapagaling si tita pero nung pagbalik daw ng kapatid ni Calvin at ng tatay nya ay nakita nitong puro dugo ang asawa. At ang kapatid naman ni Calvin na si Bianca ay tinawag ang doctor. Tinawagan nila ako kanina kaya nalaman ko. At iki-nalulungkot ko yun. Ang sakit lang na malaman na wala na yung taong mahal ko na si Calvin. Wala na sya dahil sa kagaguhan ko. Wala na sya ng di ko man lang nakikita. Wala na sya ng dahil sa huli na. Gusto ko ng mamatay ng dahil sa nangyayari sakin. Di ko na kaya.

Di ko na sya makikita. Di ko na sya mayayakap. Di ko na sya malalapitan. Di ko na sya mahahalikan at higit sa lahat di ko na sya MAKAKASAMA.....

Tangina! Kainis! Bakit ganto?! Bakit kailangan nyang mawala? Bakit sa lahat ng tao sya pa?!

Kapag nalaman ko na may kinalaman sila kyline dito sisiguraduhin kong magsisisi sila.

*******
Ngayon ay nandito na ako sa bahay. Ayoko man pero pinauwi ako ni mommy at wala ako magagawa dun. Di ko alam kung makakapasok pa ba ako bukas. Di ko alam kung ano manyayari sakin bukas. Di ko alam kung ngingiti pa ba ako bukas. Ni maski yung kaligayahan ko wala na. Ano na gagawin ko? Di ko na alam!

Kyline's POV

HAHAHAHAHAH! Ang saya! Ang baklang yun ay nawala na! Whahahahahah! Ang saya saya ko. Lalo na ang kapatid ko. Masayang masaya sya! Dahil ang taong kinaiinisan namin ay ngayon wala na!

Oo tama kayo! Plinano namin lahat ng iyon! Plinano ko ang lahat ng iyon para sa kapatid ko. Ayokong makita syang umiiyak at lalo na ngayon. Buntis sya at ang ama ay si Darius. Ayokong mawala ang pamangkin ako aba!

Kawawang Darius...... Nawala ang taong gusto nya hahahahaha!

Kailangan ko na din ata magpaparty! Hahahah!

"Yaya! Ilabas ang alak! At magpaparty ako magisa!" Sabi ko.

"Hala nabaliw na ata si ma'am Kyline"

"HOY! Rinig ko yun! Ikaw umayos kang YAYA ka baka gusto mong matanggal?! Punyetang to!" Sabi ko sya naman ay umalis na at kinuha ang alak sa 'Alcohol Room' namin! Duhhh mayaman kaya kami kaya yang mga alak na nabibili nyo eh pang chip lang yan at etong samin pangmayaman pa!

Ang pinakamahal na alak ay 1,000,000,00 million pesos! Ikaw mabibili mo ba yun? Huh? HAHHAHA how cheap!

Calvin's (Arcana's) POV

Simula na.....

Simula na ng araw ko.

Simula para sa mga taong mapangsamantala.

Nabalitaan ko ang nangyari kay mama kaya nandito ako sa likod nila. Kung saan di nila ako nakikita. Oo tama kayo. Buhay ako! BUHAY NA BUHAY! Salamat kay Mr.Noel at naligtas nya ako!

*Flashback*

Pagkatapos sunugin ng babae ang aking mukha ay nagulat na lang akong may tumulak sakanya at ang ginawa ay pinagsasaksak sya. Pagkatapos syang saksakin ay napatingin sakin yung nananksak. Nung una kinakabahan ako pero nung lumapit sya at ningitian ako ay nakilala ko sya agad. Sya si Mr.Noel sya yung Baklang tinulungan ko dahil nahimatay.

"Halika na! Kailangan na natin makaalis dahil masusunog na itong bodega." Sabi nya at napa tango naman ako kaya naman sumunod ako sakanya.

Salamat sakanya at dahil sa ginawa nya ay nabigyan ako ng pag asa. Pag-asa na makakayanan kong lumaban para sa aking sarili.

*End of FLASHBACK....*

Nung nasa hospital na kami ni Mr.Noel ay nakita ko ang katawan ng aking ina na puro saksak kaya naman di ko rin maiwasan ang mainis. Halata na ang gumawa nito. Kyline the one and only BITCH!

At napag usapan na namin ni Mr.Noel na magpapabago na ako ng mukha pero bago ako magpabago ng mukha gusto ko pati ako nagbago na....

Gusto ko yung makakalaban na ako. Gusto ko yung kaya ko na sila talakan gamit ang isang salita. Gusto ko silang patumbahin gamit ang isang kamay lang. Pero bago ko magawa yun ay kailangan kong lumayo sakanila.

Sorry Darius pero di mo na ako makikita......

Di mo na ako mayayakap.... mahahalikan...... Mabubuhat at higit sa lahat di mo na ako makakasama.

Kailangan kong gawin ito. Kailangan kong baguhin lahat sakin.

Lahat ng sugat,Pait,Galit at sakit na nararamdaman ko ay magiging inspirasyon ko para magawa ko lahat ng yun.

Sisiguraduhin kong mababaliw kayo at mabubulok din kayo sa kulungan!

Sorry ma. Alam ko pong pinapanood mo ko at itong gagawin ko ay para sa ating dalawa. Itong gagawin ko ay para sa ikakatahimik ko at ng sayo din. Di mo man po ako tinuruan kung paano manlaban pero ngayon matututunan ko na rin po iyon. Humanda sila....

PAGBABAYARAN NILA LAHAT!

********
One day pass

Darius's POV

Pasukan nanaman. Pasukan kung saan eto yung ayaw ko eh. Kahapon iniisip ko kung ano manyayari sakin ngayon pero mukhang alam ko na. Mukhang alam ko na na...... puro away o cold lang ako sa mga kaklase o kaibigan ko.

Nagdaan ang mga subject na wala akong tigil sa kakatingin ng picture namin ni Calvin. I miss my girl! I miss my'loves. I miss to hug him. I miss kissing him.

Gusto ko ibalik lahat ng alaala namin. Di ko na kaya talaga.

Sa kakatingin ko sa picture nya sa cellphone ko di ko namalayan na nasa bahay na pala ako. Bahay na di ko naman talaga tinuturing na bahay ko. Impyerno. Tamang word para sa bahay nato.

Pagkapasok ko sa loob ay sumalubong sakin si Allysa. Di ko sya pinansin at dumeretsyo sa taas at pupunta muna ako sa SARILI kong bahay. Gusto ko muna
Mapag-isa kahit ngayon lang 
Ayoko muna makakita ng mga tao. Ayoko munang may kausap. Gusto ko munang mapag-isa. Ayoko na.

******
Allysa's POV

Bullshit! Bakit ganun! Di na naman nya ako pinapansin? Hmm.... siguro nung dahil kay Calvin yun. Hmm... okay lang yan. Malapit na. Mapapasakin ka rin.

Author's POV

NANGgigil ako habang tinatype ako whahaha! Keep voting guys and if may suggestion kayo sa flow ng story free to comment. And invite your friends to read my story guysss! Pleassseee! Thank you! Love yah!

If you want to know me. My name is Calvin Hayahay.

Facebook: Calvin hayahay
Instagram: @Calvin Hayahay.

<3 <3 <3

Destined To Born Again (The Revenge) •COMPLETED•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon